• CHAPTER 6 •

774 24 0
                                    


Zed's POV

Zed Salvador

Bored akong lumabas ng opisina. Kanina pa kase ako nag-iinterview sa mga nag-aapply ng trabaho sa company ko. Pero ni isa sa kanila ay wala akong nagustuhan man lang, uminit lang ang ulo ko.

Mas gusto kong ako ang nag-iiinterview sa mga applicants sa company ko kesa sa mga staffs ko. Baka kase kung sino-sino nalang ang i-qualified nila.

Panay ang pagyuko ng mga empleyadong dinadaanan ko. At lahat sila ay tumatabi habang naglalakad ako.

Nang makalabas ako ng building ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Hanggang sa may mapansin akong matandang nagtitinda ng kung ano man yun malapit sa building ko.

I remembered someone because of her. One of the most important person to my life. But now, She's already gone, My Nana. She's the one who stay beside me. Parang Ina ko na nga sya, dahil halos sya lang ang nagpalaki sa akin dahil sila mom at dad ay busy sa kani-kanilang mga trabaho. Nana, was always there for me. She love me like her own son. But the time passed by so fast, she already passed by because of cancer. I promised to her that someday, mom and dad will gonna be so proud of me because of my achievements in life. And that is! Look at me now. I'm already the owner of dad's company. Managing all the business that he inherited to me.

My mom and dad died because of an ridiculous accident. My brother and I was still young that time but I've promised to myself that one day I will be a successful like them. And time goes by again and I already learned how to handle my own stuff and problems all by myself, I decided to go away from my brother because I want to live my own life alone.

My Kuya Zack has already have his own company and other business all around the earth. What a successful man, huh. But wala pa syang asawa o kaya naman girlfriend hanggang ngayon katwiran nya'y wala pa raw syang nakikita o nakikilalang babae na matitipuhan nya. Tss... What a fvcking and useless excuse. Bakit kase hindi nalang nya sabihin na....

Bakla sya...

But hindi pa ako kumpirmado kung bakla talaga ang kapatid kong yun.

Napabuga ako ng hangin at pumorma ang kakarampot na ngiti sa aking labi dahil sa mga magandang alala na iniwan sa akin ng mahahalagang tao sa buhay ko.

Tumungo ako sa matandang nagtitinda na nakita ko, may kausap pa syang babae na mukhang nagaapply ng trabaho.

Nakapasok ang aking dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng aking pants habang naglalakad papalapit sa kanila. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa dahil nag-vibrate ito, kaya habang naglalakad ako ay kinakalikot ko ang cellphone ko.

Habang naglalakad ako bigla nalang akong may nakabunggo. Nanatiling nasa baba ang tingin ko, nakita ko ang folder na nabitawan ng nakabangga ko kaya dahan-dahan 'kong tinaas ang aking tingin.

Napakunot ang noo ko at bahagyang bumali ang mukha ko. Pinasadahan ko ng tingin ang gulat nyang mukha.

Unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ko.

Humakbang ako papalapit sa kanya. Ngunit hindi nawala ang ngisi sa labi ko. "Miss, pwede bang tignan mo ang nilalakaran mo. May mga mata ka kaya gamitin mo." mapangasar na saad ko.

"Wow naman mister parang ako pa ang may atraso sayo ha?!" pagtatanggol naman nya sa sarili. Galit na sya.

What a Stupid woman.

Medyo nakaramdam din ako ng inis dahil parang mas galit pa sya saken. Kahit sya na nga yung nakabangga sa akin.

"Ikaw na nga 'tong nakabangga, ikaw pa ang may ganang magalit saken? Ha! Did you know me??" singhal ko habang mas nilapit pa ang mukha sa kanya. Dahil na rin sa inis ko.

My Stone-Hearted BossKde žijí příběhy. Začni objevovat