• CHAPTER 14 •

498 13 1
                                    


Coleen's POV

Nagsimula kaming kumain ni Andrea. Ang akala ko ay ako ang magkukwento dahil gusto nya ngang malaman ang nangyari sakin kung bakit ganto ang ngiti ko. Pero ayan sya ngayon daldal ng daldal kahit na may may laman ang MALAKI nyang bunganga.

Matapos naming kumain ay ako na ang nagprisintang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin ni Andrea dahil alam kong mas pagod ang bruhang yun kesa sakin.

Late na rin that time pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. So I decided to stay in our mini sala. Nahiga ako sa hindi kalambutan naming sofa at binuksan ang phone ko. I logged in my facebook acc and I start to scroll on my newsfeed. Nanonood ng din ako ng ibang mga Videos dahil puro jejemon ang mga post na nakikita ko.

Busy ako sa panonood ng Video sa Facebook ng biglang may tumawag sa phone ko. Unknown Number. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko. Napakunot ang noo ko.

Sino namang tatawag saken ng ganitong oras at bakit UNKNOWN NUMBER ang nakalagay dito eh wala naman akong pinagbibigyan ng number ko..

Naguguluhan kong pinatay ang tawag dahil hindi kilalang number ang tumawag saken, baka may nagt-trip na naman na mantawag sa kung kani-kaninong numero para may mapagtripan lang. But after an minute muling tumawag ang numero na kanina lang ay pinatayan ko ng tawag.

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis , dahil baka nant-trip lang to, bago sinagot ang tawag.

"SINO PO SILA?! ANONG ORAS NA NG GABI TUMATAWAG KA PA SAKEN?! SINO KA BA HA?! ANONG KAILANGAN MO?! BAKIT GANITONG ORAS KA NAMBUBULABOG SAKEN!" sigaw ko sa linya.

"Is that how you answering all of your phone calls, Secretary Coleen Legaspi?" halos manigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko mula sa kabilang linya ang pamilyar nyang boses.

Si Zed, pero paano nya nalaman ang Cellphone Number ko?

Tumikhim ako. "S-Sorry po, Sir. Uhm, ano po bang kailangan nyo saken ng ganitong oras? Natapos ko naman na po ata lahat ng pinagagawa mo po saken. hehe. Sorry po kung nasigawan kita, unknown number po kase eh. Pero teka po paano mo po nalaman ang Cellphone Number ko?" magalang kong tanong sa kanya. Ayoko pang mawalan ng trabaho dzaih, di pa ko ready!

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya at ang paminsan-minsan nyang pagsinok. Halatang nakainom ang halimaw. Dahil siguro sa nalaman nya tungkol sa ginagawa ng kanyang butihing GIRLFRIEND. Hindi ko naman sya masisi kung magiinom sya ng dahil dun. Kung ako din naman kase ang nasa katayuan nya ganyan din ang gagawin ko para makalimutan kahit saglit ang sakit na binigay saken ng taong minahal ko kaso ginag* ako.

Nako, Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang halimaw...

Naawa pa rin ako sa kanya kahit ang ugali nya ay minsan inaagnas na. Naranasan ko na rin yan kaya alam ko kung anong nararamdaman nya ngayon kailangan nya ng karamay pero sino naman eh hindi naman friendly yang lalaking yan. Haysst!

"I need you *hik* Coleen. Nandito ako sa *hik* labas ng apartment nyo ngayon. HEHE *hik*" sisinok-sinok nyang usal mula sa kabilang linya.

Bakit pa sya nagdrive eh lasing na sya?! Siraulo ba tong lalaking to?

Paano kapag naaksidente to habang papunta samin? Ede ako pa ang sinisi ng Mader nya?! Haysst! Gwapo ka sana Zed kaso di ka nag-iisip!

Magkasalubong ang mga kilay na napabuntong hininga ako. "Teka, lalabas ho ako dyan lang kayo, hintayin nyo ko. Lalabas na po ako." usal ko bago tumayo. Sumilip ako sa bintana upang kumpirmahin na nandyan talaga sya sa labas baka kase pinagtitripan na naman ako ng lokong to.

Natanaw ko ang kotse nya sa kabilang banda ng kalsada naka-park. Bibihira nalang ang mga dumadaan na sasakyan ngayon dito dahil nga late na. Hindi ko sya nakita sa labas ng sasakyan nya kaya sigurado akong nasa loob sya nito. Bumuntong hininga ako bago pumunta sa kwarto ko upang kumuha ng jacket. Nakasando lang kase ako at wala pa akong suot na bra. Nakamaiksing short lang ako dahil nga nandito lang ako sa bahay at wala naman akong inaasahang bisita. Eh bigla namang dumating tong heyup na to dito kaya kailangan ko syang harapin. BWISITA ko sya eh.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now