• CHAPTER 18 •

403 5 1
                                    

Nathan's POV

Dahil sa excitement ko ay maaga pa lang ay umalis na ko sa apartment ko para pumunta sa place nila Coleen. Siguro mga 2 hours akong mas maagang pumunta sa place niya. Ewan ko ba HAHAHHAHAHA.

I only wear my hoodie, black jagger and my cozy slipper. 'Di na ako masyadong nag-ayos kase nagmamadali din ako dahil sa excitement na nararamdaman ko dahil nga pumayag si Coleen na nakipagkita sa'kin kahit na may nagawa akong mabigat na kasalanan sa kaniya.

It's already 8:30 PM. Mas nadadagdagan ang excitement na nararamdaman ko sa bawat minutong lumilipas. Gusto kong ayusin ang image ko kay Coleen. Gusto kong bumalik kami sa dati.

Almost 30 minutes had passed, It's already 9 PM pero wala pa din si Coleen. Naisip ko nalang na baka pauwi palang siya, nasa biyahe pauwi galing sa workplace niya. Nasa loob ako ng kotse ko ngayon habang nakapark sa kabilang side ng daan sa tapat ng kanilang apartment.

Hindi pa ako kumakain ng dinner ngayon kase gusto kong makasabay kumain ng dinner si Coleen sa favorite naming mamihan. Gusto niya talaga na simple lang. Ayaw niya sa masyadong mamahalin na restaurants, gusto lang talaga niya lahat ng bagay na simple. That's why nagustuhan ko siya. Hindi siya tulad ng ibang babae na masyadong magastos at palaging gusto na nabibigay ang mga luho nila. Gusto nga din pala ni Coleen na hanggat maaari ay 'di kami gaanong gagastos lalo na kapag gagala kami or what. I like her a lot. Ang bobo ko lang kase ngayon ko lang napagtanto 'tong nararamdaman ko.

Napagdesisyunan kong buksan ang phone ko para magplay ng music dahil nabibingi ako sa katahimikan. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at lumabas para magunat-unat halos ilang oras na din kase akong nasa loob ng sasakyan ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse ko at agad na sumalubong saken ang malamig na sariwang hangin sa aking mukha. Napapikit na napangiti ako.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagdesisyunan na pumasok ng muli sa kotse ko para maghintay kay Coleen. It's already 9:20 PM pero wala pa din si Coleen. Wala namang traffic ngayon, and di naman ganun kalayo ang working place nila Coleen dito sa apartment nila. Bakit parang ang tagal naman niya? After din ng reply nya kanina ay hindi na ulit ako nakatanggap ng another text messages nor chats galing sa kanya. So I decided to call her pero cannot be reach ang phone niya. Napabuntong huminga ako. Nagaalala ako sa kanya.

Nakahalukipkip ako habang nakasandal sa driver seat ng kotse ko. Matiyaga pa din akong naghihintay sa kanya kahit na 10 PM na ngayon at medyo kumakalam na din ang sikmura ko dala na wala pa akong dinner ngayon. Tiniis ko ang pagtunog ng sikmura ko dahil desidido talaga akong makita at makasabay kumain si Coleen ngayon gabi. Sa ganitong paraan ko kase gustong umpisahan na bumawi kay Coleen.

Nakailang missed calls na din ako sa kanya, nakailang text messages na rin ako pero ni isa don wala pa siyang narereplyan, hindi rin naman siya online sa Facebook account niya kaya di ko siya machat and kung sakaling i-chat ko sayo wala din dahil offline nga siya. Hindi sa naiinip na'ko sa paghihintay sa kanya, nagaalala lang ako dahil cannot be reach siya everytime na tinatawagan ko siya. Hindi ko din alam kung saan siya hahanapin ngayon dahil anong oras na paniguradong wala ng tao sa trabaho niya and I'm sure na wala na din siya doon ngayon ang magagawa ko nalang ngayon ang matiyagang maghintay sa kanya dito sa tapat ng apartment nila.

Ilang ulit ko pa din siyang tinawagan at pinadalhan ng text messages kahit na wala pa din akong reply na natatanggap galing sa kanya. Nagaalala na ko, halos 'di ko na naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa pagaalala sa kanya. Halos 40+ missed calls na ang naiwan ko sa kanya puro cannot be reach and 'di ko na din mabilang ang text messages na sinend ko sa kanya. Mas lamang ang pagaalalang nararamdaman ko kesa sa gutom ko ngayon.

It's already 11 PM nandito pa din ako sa tapat ng apartment nila, patuloy na nagaalala habang naghihintay na makauwi si Coleen. Ilang sandali lang ay biglang nagvibrate ang phone ko na nakalagay sa front seat na katabi ng driver seat ng kotse ko kung saan ako nakaupo ngayon.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now