• CHAPTER 2 •

1.1K 30 0
                                    

Coleen's POV

Grabe ang bilis sa pagmamaneho ng kotse si Nathan. Parang lilipad sa ere ang kotseng sinasakyan namin ngayon.

Parang bang sa kanya ang daan, o kaya naman ay nilalamon ng kotse nya ang kalsada! Jusko! Parang hihiwalayan ang kaluluwa ko sa magandang katawang lupa ko dahil sa kabang nararamdaman dahil sa klase at bilis ng pagmamaneho nya.

Buti nalang at walang traffic kaya tuloy-tuloy ang biyahe namin papuntang impyerno este trabaho!

Nakangisi ngunit nakafocus lang si Nathan sa mabilis na pagpapatakbo sa kanyang mamahaling kotse, habang ako naman ay halos pabaunin na ang mga kuko ko sa upuan ng kotse nya dahil sa baon ng pagkakakapit ko rito dahil na rin sa takot ko.

Hindi ko na masulyapan si Andrea kahit na sa rear side mirror lang ng kotse dahil sa takot. Focus na focus ang dalawang magandang mata ko sa kalsada.

Halos bumaon ang mga kuko ko sa higpit ng pagkakakapit ko sa upuan ng kotse dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Nathan.

Mas mabilis pa ata 'tong kotse ni Nathan kesa sa Roller Coaster!!!

Matapos ang halos labinlimang minuto ng makapagpigil hiningang byahe namin ay nakarating din kami sa harap ng kompanyang pinapasukan namin ni Andrea.

Napabuga ako ng hangin dahil sa kaninang kaba na naramdaman ko na feeling ko e hihiwalay na talaga ang kaluluwa ko sa napakagandang katawang lupa ko.

Juzzzko Dzaihhh, Di ko Kereeeeeyyy!

"Ingat ka sa trabaho, Coleen." sambit ni Nathan habang nakangiting nakatingin sa akin.

Binalingan ko rin sya ng tingin at pilit syang nginitian.

Pakshe naman kase yung bilis ng pagpapatakbo nya sa kotse nya noh! Tss.

"A-Ahehehe, Oo naman." pilit ngiting tugon ko. Agad kong iniwas ang paningin sa kanya at agad na inayos ang sarili ko.

Binalingan ko si Andrea sa rear side mirror ng kotse at parang gusto kong matawa sa itsura nya.

Malaki ang mga mata nya na halatang hindi makapaniwala sa sinakyan nya. Nakaawang ang bibig nya dahil siguro sa pagkagulat. At tulaley ang gaga na ang sarap pagtripan.

Pfft! Watdapaaaak! BWAHAHAHAHAHA!

"Woi! Babaita! Nandito na tayo! Ayusin mo na yang sarili mo. Mukha kang tanga."pigil ang tawang saad ko sa kanya at muling inasikaso ang sarili ko.

"Uhm... Coleen, mamaya susunduin kita dito sa trabaho mo huh?" iwas ang tinging saad ni Nathan.

"Ah-Eh, sure... Hihintayin kita dito. Hehehe" nahihiyang sambit ko matapos kong ayusin ang sarili ko.

"A-Ahehehe,o-okay, i'll see you later then." nakangiting saad nya na habang nakatigtig sa mismomg mga mata ko.

Nakikita ko ang excitement nya kaya naman mas lalo akong natuwa at nabuhayan ng pag-asang may tsansang maging kami ni Nathan my labadabs. Hihihihi.

Ngumiti ako ng bongga sa kanya at tumango bilang tugon.

Muli akong bumaling sa likuran ng kotse at ganun nalang ang gulat ko ng makitang nasa ganung sitwasyon pa rin si Andrea.

Malaki ang mga mata, nakaawang ang bibig na hindi makapaniwala at nakatulala kung saan.

May sayad na ba 'tong friendship ko?

Omaygaaaaad!

Wag naman sana!

Tamad akong bumisita sa mental hospital! Jusssskoooo!

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now