• CHAPTER 9 •

759 20 0
                                    


Coleen's POV

Nakakapagtaka dahil binigyan ako ng pagkataas-taas na heels ni Boss. First day ko palang pero may paregalo na agad sya sakin. Hindi ko Naman birthday?

Nakangiti kong tinanggap ang paperbag na yun, syempre nagpasalamat ako sa kanya.

Nakakaimbyerna ang unang utos nya sakin kanina. Tss. Sarap nga nyang batukan ng 360° pero pinigilan ko lang ang sarili ko, dahil baka umikot ang ulo nya.

MWEHEHHEHE! Aym brilyant!

Bukas ay sisimulan ko na daw suotin tong binigay nya sakin, at kapag hindi ko daw to sinuot at tatanggalin nya ako sa trabaho, Kaya no choice ako kundi sundin sya. Tsk!

Arte nya no? Kairita!

Matapos kong tanggapin at magpasalamat ay muli akong bumalik sa lamesa ko at muling pinagpatuloy ang binabasa ko kanina.

Binabasa ko yung folder na naglalaman ng history ng company nya. Grabe! Napakayaman pa nya! Marami syang pagmamay-aring luxury hotels, restaurants, condominiums, resorts and many more! Hindi sya basta-basta negosyante kase talagang big-time syaaaa!

Siguro marami na syang pagmamay-aring mga bahay, lupa at marami pang iba!

Napaisip din ako kung may naging girlfriend na ba sya. Hindi malabong walang magkagusto sa kanya.

Mayaman sya, Gwapo, mukha namang gentleman kahit papano, at mukha rin sweet. Kaunti nalang talaga ay COMPLETE PACKAGE na sya bilang isang IDEAL MAN!

Ilan na Kaya Ang naging Girlfriend nya?

Sumapit ang lunch time, inaya kong kumain si Boss pero inirapan nya lang ako at inutusang lumabas na ng office nya at kumain na ng lunch ko.

Yun, mag-isa akong kumakain ngayon ng lunch sa cafeteria ng building. Medyo marami ng empleyado dito dahil nga lunch time. Para silang may sari-sariling mundo. Maraming nagkwekwentuhan habang kumakain, may mga nagtatawanan din na kala mo ay sila lang ang tao sa lugar na yun, Halos lahat sila ay magkakagrupo kung kumain, ako lang ata ang nagsosolong kumakain ngayon dito.

Nakapwesto ako sa table na nasa sulok, malapit din ito sa bintana kaya tanaw ko ang mga nagtataasang building, mga maliliit na establisyimento, at mga sasakyang dumadaan sa highway.

Tahimik lang akong kumakain ng biglang may isang lalaking walang pakundangan na umupo nalang basta sa harapan ko.

Tinaas ko ang paningin sa kanya. Sumilay sa akin ang nakangiting lalaki. Gwapo sya, matangos ang ilong, sakto ang kapal ng kilay, makinis ang mukha, may pagkasingkit ang mga mata nyang ngiting-ngiti ngayon sa harapan ko and his pinkish lips who's smiling at me genuinely.

"Can I join you, miss?" tanong nya sakin. Wala syang dalang pagkain.

"Ah-Eh, Sure. Hehe. Why not? Coconut?" Medyo kabado kong sagot sa kanya.

Mahina syang tumawa at muling bumaling sa akin.

"Bakit mag-isa kang kumakain dito? Wala ka bang kaibigan na pwedeng sabayan? Bago ka lang ba dito?" sunod-sunod nyang tanong sakin.

"Uhm, yeah, hehe. Bago lang ako dito. Wala pa naman akong nakakaclose dito. Actually, this is my first day here." saad ko habang nakatitig sa maamo nyang mukha na ngiting-ngiti pa rin saken. Pinaglaruan ko nalang ngayon ang pagkain ko gamit ang tinidor. Feeling ko kase busog na ko. MWEHEHEHEHEHE.

BUSOG NA BUSOG NA SI EYES!

"Ohh, I see. HAHAHA. Uhm, nakilala mo na ba yung boss mo? Uhm, I mean is nakilala mo na ba ang ugali Ng boss mo?" halos pabulong nyang tanong sakin habang bahagyang nakalapit pa ang mukha nya sa mukha ko, kaya naman amoy na amoy ko ang amoy mint nyang hininga. Shocks! Kalerkey!

My Stone-Hearted BossOnde histórias criam vida. Descubra agora