• CHAPTER 20 •

439 8 0
                                    


R-18 SCENE! SPG ALERT! MATURE SCENE AHEAD!

Before reading this chapter, I want to ask you a question and PLEASE answer this honestly.

ILANG TAON KA NGA ULIT?😂

ENJOY READING! I LOVE YOU ALL!🖤


Coleen's POV

Nang makalabas ako ng banyo ay laking gulat ko nang makita ko si Zed na nasa kusina namin, abala sa pagsipat ng mga nakapaper bag na pagkaing pinatake out niya kanina dun sa restaurant niya na kinainan namin kanina ng dinner.

Basa pa ang buhok ko, halos tumutulo pa nga yung tubig sa laylayan ng buhok ko na dahilan ng pagkabasa ng T-Shirt na suot ko. Nakakainis.

Ulyanin ka kase Coleen. Pati yung lintek na tuwalya nakalimutan mo pa!

Nakatinginan kami ni Zed nang makalabas ako ng banyo. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla ng makita niya ako.

Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita ng magandang babaeng katulad ko?

Luh, kapal ng peslak ko.

Nagtataka ako sa itsura niya ng makita ako, at bigla pa siyang umiwas ng tingin sa'kin at pinagpatuloy ang pagsipat sa mga nakalagay na paper bag sa lamesa, pero lahat ng yan ay hinawi ko sa aking isipan.

Tuwang-tuwa ako ngayon kase ang dami naming mailalagay na pagkain sa maliit, karag-karag pero maaasahan pa rin naming refrigerator dito sa apartment. Hindi naman kase ganun kalaki yung sweldo ko kaya di kami makapagsingit ng bago, halos yung buong sweldo ko kase ipinapadala ko kina nanay sa probinsya. May naiiwan naman sa'kin na parte pero para lang 'yon sa pangkain ko at pang-ambag sa panghulog dito sa renta namin.

Kung kumikita lang talaga ako ng milyon-minlyon di'ba?

Ngumiti ako at nanatili siyang nakatalikod sa'kin. "Yan na ba yung mga pagkain na pina-take out mo para sa'kin kanina na naiwan dun sa kotse mo?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatalikod sa'kin. "Ah, Eh, Oo. Ito nga." nauutal niyang sagot sa'kin at di man lang ako tinapunan ng atensyon niya kahit saglit. Naguguluhan man sa inaasta at kinikilos niya ay masaya pa din ako.

As in! Feeling ko sumasayaw yung bulate ko sa tyan at sa utak ko!

Lumapit ako sa likod nya.

"Thank you talaga ng maramiiiii, Zed!" buong galak kong sambit sa kanya.

Napangiti ako at di ko napigilan ang sarili ko na yakapin si Zed. Ganun nalang ang pagsampal sa'kin ng reyalidad ng maalala ko na wala pala akong suot na bra at short, tanging oversized shirt at panty lang ang suot-suot ko. Para akong naestatwa ng mapagtanto ko na ramdam na ramdam siguro ngayon ni Zed ang katawan ko.

Ganun nalang ang gulat ko nang humarap siya sa'kin. Walang reaksyon sa mukha niya pero halatang-halata na namumula siya. Napabitaw ako nun sa pagkakayakap ko sa kanya, laking gulat ko pa ng mapusok niya akong halikan sa labi. Hinapit niya pa lalo ang bewang ko dahilan para unti-unting mag-init ang sistema ko.

Hindi kalaunan ay gumanti na ko sa halik niya, hindi ko na din mapigilan ang sarili ko dahil nadala ko ng nararamdaman kong init dahil sa ginawang paghalik sa'kin.

Nadedeliryo ang isipan ko. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Nabubuhayan ang pagkababae ko. Meron sa loob ko na may gusto akong mangyari ngayon para malabas ko ang init na dinulot ni Zed sa sistema ko, pero meron ding nagsasabi na tumigil ako dahil hindi tama ang ginagawa namin.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now