• CHAPTER 19 •

414 6 0
                                    


SLIGHT SPG ALERT! HEHEHEHE, Slight lang po ito mga bhe, mas mainit po ang mangyayari sa susunod na Chapter, Charot HAHAHAHAHAHAHAHAHAH. Yun lang! Enjoy reading po!

- Lynntot

Coleen's POV

Ilang minuto ang lumipas matapos naming kumain ni Zed bago niya ako tuluyang inayang umalis na. Nabusog ako pero para akong masusuka sa kaba knowing na mukhang hinihintay ako ni Nathan sa labas ng Apartment namin. Ang shunga ko dun sa part na nagbigay ako ng oras sa kanya tapos ako pa pala ang 'di sisipot dahil sa biglaang aya ng boss ko sa'kin.

Nasa byahe na kami ngayon, tahimik na kabado ako habang panay ang sulyap sa screen ng phone ko. Nag-guilty ako. Mukhang hinihintay nga ako ni Nathan sa apartment namin, baka hindi pa siya nakakakain ng dinner ng dahil sa paghihintay sa'kin. Kinakabahan talaga ako! WHAAAAAAAAA!

Mukhang napansin ni Zed ang pananahimik ko. "Is there something bothering you? Bakit ang tahimik mo naman masyado, nakakapanibago ka. May problema ba? Pansin ko din na kanina pa yung pagsulyap-sulyap mo dyan sa phone mo." saad niya pagkatapos niya akong balingan ng paningin saglit.

Napabuntong hininga ako. "Wala naman. Kinakabahan lang para sa taong naghihintay sa'kin na makauwi ngayon. Alam kong ilang oras na siyang naghihintay sa labas ng apartment namin, ang inaalala ko is baka hindi pa siya kumakain ng dinner, anong oras na kase. Hayss." pag-amin ko sa kanya. "Nagbigay din kase ako ng time sa kanya 9 PM dahil gusto niya akong makita. 11 PM na mukhang nandun pa din siya at hinihintay ako, pinilit mo din kase akong sumama sayo e, baka kapag tinanggihan ko yung aya mo e mawalan ako ng trabaho. Ayoko naman mangyari 'yon kaya sumama na din ako sayo, pinaningkitan mo na din ako kanina e, nakakatakot ka kaya magalit. Pero Oy! Di kita sinisisi ah, wala kang kasalanan. Ako lang, kase ako yung nagbigay ng time sa kanya e tas ako din pala ang di sisipot sa usapan. Nakakaloka di'ba?" dagdag ko pa at napabuga ng hininga.

Niluwagan niya ang neck tie niya. "Hmm, is that so? Kawawa nga naman yung tao, bakit mo pinaghintay sa labas ng apartment niyo ng ilang oras HAHAHAHAHAH. Kung ako sa kanya isusumpa talaga kita. HAHAHAHAHAHAHAHA." pang-aasar niya pa na ikinahaba ng nguso ko.

Masamang tinignan ko siya habang nakahalukipkip. "Oo na! Ang sama mo e no? Babawi nalang siguro ako sa kanya tomorrow. Tch." masungit na saad ko sa kanya sabay irap.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa habang nagmamaneho ako naman ako nakangusong binaling nalang ang tingin sa bintana ng kotse. Nabibingi na ko sa katahimikan kaya napagdesisyunan ko na magplay ng music sa phone ko.

Ilang sandali pa ay malapit na kami sa apartment ko. Agad akong umayos ng upo at tinanaw kung nandun ba sa tapat namin ang kotse ni Nathan. Ngunit bigo ako. Walang kotse o kahit anong bakas ni Nathan. Baka umuwi na siya sa sobrang tagal ko. Almost 3 hours na din kase akong late sa time na sinabi ko, malapit na kase mag-12 AM.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagkabigo. Mukhang nabagot na si Nathan kakahintay sa'kin. Tumamlay bigla ang sistema ko.

Ihininto ni Zed ang kotse niya sa mismong tapat ng gate ng apartment namin. Nauna siyang bumaba. Nagulat ako ng umikot siya para pagbuksan ako. 'Di ko talaga alam ang tama ng lalaking 'to. Minsan halimaw na handa kang pahirapan hanggang sa ikaw mismo ang sumuko sa kanya and minsan naman mabait at gentleman. Ewan ko ba kung sapak meron ang boss kong 'to. Hayss. 'Di ko siya magets sa totoo lang pero mas gusto ko kapag kalmado siya 'di siya nagmumukhang dragon na parang bubuga ng apoy anytime.

Napagpasalamat ako sa kanya ng makababa ako sa sasakyan. Matapos kong bumababa ay nilingon ko ulit siya.

"Thanks for tonight, Sir. Zed." nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya. "Sana always ka nalang ganyan." halos pabulong kong dagdag. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Ganun nalang ang kabog ng dibdib ko ng makita ang facial expression niya. Blangko ang mukha niya pero nangungusap ang mga mata. Napalunok ako ng dahan-dahan siyang humakbang palapit sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumalaw ng paa ko para umatras papalayo kay Zed. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong humakbang paatras at lumayo pero di ko magawa. Para akong nabingi at tanging sobrang bilis na pintig lang ng puso ko ang naririnig ko.

My Stone-Hearted BossWhere stories live. Discover now