• CHAPTER 16 •

583 13 1
                                    

Zed's POV

Nakaisip ako ng kapilyuhan na gagawin kay Coleen. Simula kase nung makita ko ang itsura nya tuwing nababadtrip sya, gusto ko na laging nababadtrip sya. Ang cute kase. Sarap pagtripan hanggang sa magmukha syang kamatis na hinog.

Nang makapasok kami sa office ko ay napangisi ako. Nagawa ko. Nagawa ko syang inisin. Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakaakbay sa kanya at daredaretsong umupo sa swivel chair ko. Prente akong umupo at bahagyang niluwagan ang neck tie ko.

Blangko ko syang tinignan. Nakahalukipkip sya ngayon sa harap ko habang magkasalubong ang mga kilay. Galit sya.

I want to burst my laughter. But I have to hold it baka di na ko makalabas ng office ko ng maayos or worst, di na ko makalabas ng buhay.

"What was that, SIR. ZED?!" seryosong tanong nya saken habang masama pa rin anf tingin.

Ang cute nya. Mukhang ripe tomato.

"What? Huh?" maang-maangan kong tanong habang pilit na nagpipigil ng tawa.

Ganun nalang ang gulat ko ng padabog nyang itukod ang dalawang kamay nya sa table ko. Galit na talaga sya. Napalunok ako. First time kong makaramdam ng takot sa babae.

Wtf? Ako? Takot kay Coleen?! Hell no!

"Uhm, A---"

"Pwede po bang wag nyo ng uulitin yung ginawa nyo kanina. Kase kung hindi ako nahihiya, pwes ako hiyang-hiya sa mga ginagawa nyo saken sa harap ng mga empleyado nyo. Ayokong magkaroon ng issue at bulong-bulungan dahil sa nakikita nilang ginagawa natin. Nag-apply po ako dito para magkaroon ng trabaho at hindi para mapagusapan o mapagchismisan ng mga tao dito dahil lang sa nakikita nila, Sir." mariin nyang saad saken. Matapos nyang sabihin yun ay agad nyang inayos ang sarili nya. Ngumiti ulit sya na parang walang nangyari habang ako ay kabado pa rin.

"Sige po, Sir. Zed una na po ako, may mga trabaho pa akong kailangang asikasuhin." nakangiting saad nya bago nya tuluyang nilisan ang office ko.

Napabuga ako ng hangin.

Hindi ako makapaniwala.

Na makakaramdam ako ng takot sa isang babae.

Isa isang galit na babae.

Hindi ko inaasahang matatakot ako kay Coleen.


Coleen's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng office ni Zed. Pero hindi pa rin ako nakaligtas sa mga mapanuring tingin ng mga empleyado nya. May ibang busy pa rin sa pagchichismisan na minsan at tumitingin pa saken.

Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo sa table ko.

Ginawa kong busy ang sarili ko para mafocus sa trabaho ang utak ko at hindi sa mga chismosang nakapaligid saken. Alam kong ako ang pinagchichismisan nila, mabubulungan nalang kase bakit kailangan pa nilang iparinig saken. Shunga lang.



Mag-isa akong kumain ng lunch ngayon dahil lumabas si Zed kasama yung biglaang bisita nya. Siguro naman dun na kakain sa labas si Zed. Di ko na sya kailangang hintayin pa.


Umupo ako sa bakanteng table malapit sa may bintana kung saan tanaw na tanaw ang nagtataasang mga building, mga sasakyang naguunahan at mga nagkakandabuhol-buhol na traffic.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may biglang umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. Tinapunan ko sya ng tingin. Mukhang empleyado din sya dito. Pero di ko kilala, wala syang suot sa ID kaya naman di ko malaman kung anong name nya. Muli kong pinagpatuloy ang pagkain ko.

My Stone-Hearted BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ