Part 1

1.5K 41 6
                                    

Copyright © 2020 by Ms. Fujoshi-san

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Disclaimer
I do not own any pictures, videos, song lyrics that may included in this book.

Hope you enjoy reading!😘

(WARNING! MATURE CONTENT!)

☯ ☯ ☯

" .. apatnapu't siyam .. limampu .. limampu't-isa .. limampu't-dalawa .. limampu't tatlo .. ," patuloy na pagbibilang ko sa mga nagdaraang mga sasakyan sa harap ko. Nabibilang na rin ang mga pakaliwa't kanang mga kotse't tricycle na sinusundan ng mga mata ko dahil madilim na rin dahil siguradong pauwi na ang mga iyan ngayon sa kani kanila nilang mga bahay. Mabuti na lang at may street lamp sa tapat ko pero mukhang papundi na rin yata dahil parang christmas light na ang dating.

Alas-nuwebe na kasi ng gabi. Kukuya-kuyakoy akong nakaupo sa bakal na harang sa gilid ng kalsada sa tabi ng pedestrian lane sa harap ng university gate na may nakasabit pang warning sign na 'SLOW DOWN. CHILDREN'S CROSSING' na neon green ang kulay. Parang naging electric fan ang ulo ko habang naghihintay rito.

Napatingin ako ulit sa pambisig kong relo. Halos bawat minuto ay sa mga sasakyan sa kalsada, sa oras, sa papunding ilaw at sa mga paa kong parang nagsu-swing ang binabalik-balikan ng mga paningin ko. In short, bored ako. At naka-uniform pa rin.

Kanina pa akong alas-singko rito. Lowbat na rin ang phone ko dahil sa paglalaro ng mobile games habang nakaupo. Hindi ko kasi nadala ang charger ko kanina kaya hindi ko naisaksak sa room.

Nasaan na ba kasi yun -- "Ah!" bigla akong napasigaw nang biglang dumilim ang paningin ko. Muntik na rin akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Hindi dahil sa tuluyang napundi ang ilaw sa tapat ko, hindi rin dahil sa bigla akong nawalan ng paningin o nabulag kundi dahil may biglang tumakip sa mga mata ko mula sa likod gamit ang dalawang maiinit na mga kamay na tanging ngayon ko na lang din ulit naramdaman.

Wala akong marinig na boses o nagsasalita. Pero dahil sa pabango na lagi niyang ginagamit ay alam ko na kung sino. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko pero hindi siya nagpatinag. Napangiti ako sa naisip ko.

"Hmm, Lucas? Ikaw ba yan?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Ngumiti ako ulit. "Keith? .. Lyndon? ..  Jackson? .. Zachariah? .. Lincoln? .. Vladimir? .. " banggit ko ulit sa mga pangalang iyon pero mas humigpit lang ang pagkakatakip niya sa mga mata ko at wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Ipinagpatuloy ko lang din ang ginagawa ko. "Hmm, okay .. uhmm, Caius? Hindi pa rin? Baka Laxus? Trauco? .. ahh .. Chase--"

"Hmp! Ang dami dami mo palang mga kabit! Walang hiya ka Kieran! Manloloko!" sigaw niya na nakabusangot na binitiwan ako at humalukipkip na napasandal sa bakal na kinauupuan ko.

Napatawa ako bigla sa naging reaksyon niya. "Ano ka ba, hindi ko sila mga lalaki."

"Eh sino-sino yung sampung mga lalaking yun? Nagsisinungaling ka pa!" sigaw niya na ikinatawa ko ulit.

"Mga fictional characters na binabasa ko yun. Kilala mo naman ako 'di ba? Silent reader ako ni Ms_fujoshisan kaya kilala ko lahat ng mga top na characters niya."

"So, ipinagpapalit mo na ako sa mga yun? Porke't mas gwapo at mas may magagandang katawan sila kaysa sa akin?"

"Ang seloso mo talaga Chase. Siyempre, ikaw lang ang pinakagwapo at may pinakamagandang katawan na nakita ko. Fictional characters lang sila, totoo ka. Sila, sa imaginasyon ko lang tumatakbo, ikaw nayayakap at nahahalikan ko pa," sabi ko. "Pakiss nga. Nagtatampo na naman ang lalabs ko," dagdag ko pa na bumaba sa bakal na harang at napahawak sa magkabilang side niya na sa bakal rin dahil nakasandal siya roon.

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon