SPECIAL PART: SHADOWS FROM THE PAST (4/4)

271 10 13
                                    


☯ ☯ ☯

WARNING! MATURE CONTENT! READERS DISCRETION IS ADVISED! I'VE WARNED YOU! (◠‿◕)

☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

'Kung dati, inagaw ka niya sa akin ng harap harapan .. ngayon, babawiin kita nang hindi niya nalalaman.'

Those words are repeating incessantly in my head. They keep coming back to mind and it pissed me off. Lalo na ngayon na halos lahat ng puntahan ko, nakikita ko siya.

I just realized now .. that I wasn't actually daydreaming or just hallucinating. I can actually see him, clearly.  Mas malinaw pa kaysa sa kinabukasan ko. And hindi ko alam kung anong itim na mahika or sorcery ang ginamit niya. Akala ko nga, isa lang itong ilusyon at isang nakakatawang palabas pero hindi .. kasi hindi naman talaga nakakatuwa.

"Ugh!" inis na sambit ko. "Pwedeng bang huwag ka munang magpakita sa akin?" Kakatapos ko lang kasing linisin ang buong kwarto. Ang laman naman ng keepsake box na nasa kama kanina ay ibinalik ko lahat sa loob non at naisipang i-lock sa pinakamababang parte ng cabinet sa kwarto. Even the bracelet with the ring and key attached to it was placed inside. Sa buong oras na iyon ay hindi siya nawala sa kwarto hanggang sa ngayon na pababa na ako para ilagay sa laundry room ang mga maruruming bed linens, at para na rin maitapon ko sa labas ang mga basura. Kung kaya ko lang buhatin 'tong umaaligid sa akin para ipasok sa trash bin ginawa ko na, baka kanina pa sunog.

"Bakit, masama ba?" bigla ay narinig kong sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba kasi kita nakikita? Anong ginawa mo sa mga mata ko?"

"I didn't do anything," kaila niya sa akin kaya mas lalo lang akong nairita sa presensiya niya. "Ikaw lang din naman ang may kasalanan kaya ako nandito?"

"At sinisi mo pa ako? Bakit, sino ba sa atin dito ang laging nagpapapansin na mananakot? Halos lagi kang nagpaparamdam."

"Buti nga ako nagpaparamdam pa sa iyo. Hindi mo ba alam na ako lang ang multo rito na hindi nang-ghost?" napangiwi ako sa sinabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at halos ihagis ko na sa basurahan ang hawak kong trash bag dahil sa init ng ulo ko. Naguguluhan na rin ako, kanina ay takot na takot ako sa kaniya. Eh sino ba naman kasing hindi matatakot kung biglang magpapakita sayo ang isang taong namatay na 'di ba? sabad ng isip ko. Ngayon, parang normal na lang na nakikipagtalo at nagpapalitan kami ng mga sagot. Tila nakalimutan ang mga nangyari nung nakaraan.

"Bakit nga ba talaga kita nakikita? Ano yun, nakakakita na lang ako bigla ng multo? May third eye, ganun?" sunod sunod na tanong ko nang makaupo ako sa sopa. Nakita kong sumandal siya sa may kitchen counter at nakahalukipkip. "Hindi ako naniniwalang aksidente lang iyong nangyari. Sigurado akong may kinalaman ka don."

"Eh, ano naman kung meron nga?"

Hindi ata ako makakakuha ng matinong sagot mula sa kaniya. Napataas ang tingin ko sa wall clock. It's been 3:38 PM. "At saka .. paanong tila bumalik ka mula sa pagkakahimlay? Nahahawakan mo ako, nakakausap kita, naririnig kita--"

"It's all because of you," pagpuputol niya sa sinasabi ko.

"Paanong ako? Linawin mo kasi ang mga sinasabi mo."

"Because you read the incantatio--" I heard him sighed, " .. nevermind."

"Huh?" natangang sabi ko.

"Tsk. Hindi mo naman na kailangan pang malaman ang mga yun. Hindi ako bumalik para ipaliwanag sa iyo lahat. Nandito ako para gawin ang gusto kong mangyari at iyon ay ang agawin kay Hadeon."

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now