Part 7

257 13 1
                                    


☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto nang hindi ko napapansin bago ko siya tuluyang naitulak nang matauhan ako.

Hindi tama ito. Hindi magiging tama ang mga ito. Maging sa tingin ng ibang tao lalo na sa mga nakakaalam ng sitwasyon ko.

Wala sa sariling nilampasan ko siya pero hindi pa man ako nakakalayo ay isang kamay ang pumigil sa akin sa braso at marahang hinila pabalik sa pwesto ko kanina.

"I said, why are you crying? What's wrong?" ulit niya sa akin pero hindi ko sinalubong ang mga mata niya.

"Eh, ano naman sa iyo kung umiiyak ako?" malamig na tanong ko sa kaniya.

"Because I care about you, Kieran."

Napilitan akong magtaas ng tingin dahilan para makita ang mga mata niya. Ewan ko kung nagpapanggap lang siya o totoo ang mga sinasabi niya pero base sa nakikita ko, through his eyes, malamlam ang mga iyon.

Pity. Is that what he feels right now as he sees me like this, crying?

"Y-you care about me? .. Bakit? Anong dahilan para .. para pagmalasakitan mo ako, ha? Bakit .. kaibigan ba kita? Kamag-anak ba kita? Tatay ba kita?" sarkastikong sabi ko.

"Because .. I like you Kieran. As simple as that," aniya. "I've already told you about it, right?" dagdag pa niya.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago ako muling nagsalita. "Pero hindi kita gusto, Hadeon. Itatak mo yan sa utak mo," mariing sabi ko na tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Kaya wag ka nang ulit lalapit sa akin. Hindi kita kailangan. At mas lalong hindi ko kailangan ang malasakit mo kahit may pinagdadaanan man ako ngayon."

"Then .. I will make you like me. I want to make you feel better from what you are going through right now. I want to help--"

"Pero hindi ko kailangan ang tulong mo--"

"I insist .. 'cause I want to," pagpuputol rin niya sa akin. "Please, indulge me. I won't do anything bad to you. Gusto lang kitang damayan at samahan. I know, there's something happened kaya ka umiiyak ngayon. Hindi ka naman bigla bigla na lang iiyak ng walang dahilan. If you want, you can talk to me. We can talk about it para kahit papano, maging magaan ang pakiramdam mo," saad niya na ikinatigil ko.

Base sa nakikita ko ngayon sa kaniya. Malaki ang pagkakaiba sa Hadeon na kilala ko. Pero .. nagdadalawang isip ako. Kilala ko na ang ugaling meron siya kahit hindi ko pa siya kilala ng lubusan.

"If you want, come with me. Let's talk about it somewhere," pahabol pa niya.

"Ayoko. Umalis ka na lang. Babalik na ako sa dorm namin--"

"I won't let you go away and go back to your dorm not until you are like that and don't even tell me the reason why you are crying," pilit niya na muling hinawakan ang braso ko kaya natigilan ako sa pagtalikod.

"Ano bang pakialam mo?" inis na sabi ko na binawi ang kamay ko pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak. "Babalik na ako--"

"No. Sumama ka sa akin."

"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko nang bigla na lang niya akong hilahin. "Teka lang--"

"Talk with me. Or else, I won't let you go."

"Bakit ba ang mapilit mo? Sabi nang ayoko eh!" sigaw ko.

"Then, ayoko ring bitawan ka."

"Ano ba?!" sigaw ko na nakikipaghilahan sa kaniya sa braso ko pero malakas siya at mabilis maglakad kaya halos kaladkarin na niya ako.

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now