Part 4

314 15 1
                                    


☯ ☯ ☯

Chase's P.O.V

"Ano pa bang kulang sa akin at naghanap ka pa rin ng iba?" tanong niya kasabay ng mga luhang nahulog mula sa mga mata niya.

P-paanong .. paano niya nalaman ang tungkol dun?

"Kieran. I can explain it," agad na sabi ko. "Nagkakamali ka ng iniisip--"

"Then let me believe you Chase," pagpuputol niya sa akin. "Explain everything .. bago pa kita tuluyang bitawan."

Bitawan? Is he had a plan on breaking up with me?

"Kasi kung mahal mo ako, sana sinabi mo noon pa," dagdag pa niya. "Edi sana, ako na ang kusang lumayo. Hindi mo itatago sa akin 'to at hindi mo ako pinagmukhang tanga na naniwala sa mga pangako mo."

"Kieran, hindi. Hindi totoo ang mga iniisip mo. Alam mong hindi kita magagawang lokohin. N-naitago ko lang yun kasi alam kong .. hindi naman na importante."

"Hindi importante? Paanong hindi importante? Ako yung biktima rito Chase!" sigaw niya.

"Wala kang alam."

"Then enlighten me! Kasi hindi na kita naiintindihan--"

"Kasi alam kong pareho lang tayong biktima rito ng sitwasyon Kieran! Deila is just flirting with me," sambit ko na ikinatigil niya. "Nung hapon na hinihintay kita sa may front gate, hindi ako ang nagtext sayo. Inagaw ni Deila ang phone ko at siya ang nagtext at nagrereply sa iyo ng hindi ko namamalayan. She said, she wants to talk to me kaya pinayagan ko siya, hindi ko naman alam na .. na iba pala ang gusto niya--"

"Then bakit hindi mo pinigilan?"

"I tried to stop her. Kung hindi nga lang siya babae, baka iba na ang nagawa ko pero I really tried to stop her and just run away pero hinila niya ako at itinulak malapit sa pinto at kasunod nun ang paghalik niya sa akin sa labi. Nagulat lang din ako kaya hindi ako agad nakagalaw."

Hindi siya nakasagot.

"Please, maniwala ka. I do love you, and I can't lose you."

"Kung ganun .. bakit hindi mo sinabi sa akin na may gusto pala sa iyo ang babaeng yun?"

"I don't know. Nung araw na iyon ko lang din iyon nakausap. Hindi nga ako nun pinapansin sa building namin eh. Nagulat nga ako na inapproach na lang ako bigla at ganun pa ang ginawa niya."

"Siya lang ba ang gumawa nun sa iyo simula pa non?"

"Definitely yes! Wala nang iba Kieran! Kasi pinipili kong iwasan sila, pero Deila keeps on trying to seduce me even though hindi naman ako tinatablan."

"Chase .. " mahinang banggit niya na parang nagi-guilty na boses. Umiiwas siya ng tingin sa akin.

"Pero .. paanong .. nakita mo kami?" halatang nagulat siya na nagtaas ng tingin kaya nagkatama ang mga mata namin. "I thought, umuwi ka na agad pagkatapos ng text ng babaeng yun sa iyo."

Napansin kong hindi siya mapakali. "Uhm .. "

"Paano mo nalaman na nandun ako?" tanong ko ulit.

"M-may nagsabi lang sa akin."

"Sino?"

"Hindi na iyon importante--"

"It is to me Kieran. Ngayon, ikaw naman ang nagtatago sa akin. That person can be the reason kaya ka nagkaganyan at pinag-isipan mong niloloko kita. Who is it? Tell me."

"Wag na--"

"Kieran," seryosong banggit ko sa pangalan niya.

Napalunok siya. "Si .. Si Hadeon."

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora