Part 12

207 9 0
                                    


☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

"Edi sunugin mo na rin yan kung yan ang gusto mo. Isama mo na rin yang kaluluwa mo. Magsama kayong mga basura!" sigaw ko na bigla na lang napaluha.

Remembering those memories with Chase are like thorns piercing me little by little. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I want to forget everything about him pero nagiging sanhi si Hadeon para maalala ulit siya kahit sa mga maliliit na bagay lang na nakikita ko. And even in my dreams, nakikita ko siya.

"Wala kang pinag-iba sa kaniya Hadeon! Ang sama sama niyong pareho," dagdag ko pa and it made him speechless. "Ano bang kasalanan ko sa inyo at sinasaktan niyo ako ng ganito? Bakit kailangan kong maranasan lahat ng 'to? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to?" sigaw ko na hindi na napigilan pa ang sariling mapaiyak.

Parang bumalik lahat lahat sa alaala ko. All those happy memories with him from the past, naging isang sirang plakang parang nagpapaulit ulit sa utak ko. And it made me want to hurt myself and just die.

But .. suddenly, all I could realize was someone's already hugging me and brushing off my hair from the back. Yes, no other than Hadeon.

"I'm really sorry, Kieran. Sorry kung kailangan pang mangyari lahat ng 'to. Ayoko naman talagang saktan ka, my selfishness is driving me crazy."

Hindi ko na siya napigilan pang yakapin ako at hindi ko na rin maintindihan pa ang mga sinasabi niya dahil parang nahihilo ako. I was totally weak dahil nga isang araw ang lumipas na hindi bumalik ang malay ko at dahil dun, walang naging laman ang tiyan ko o kahit tubig man lang sa katawan ko.

All I know is that unti unti na lang sumara ang mga mata ko at biglang nawalan ng lakas na suportahan ang katawan ko sa pagtayo kaya nawalan ako ng balanse. Even though wala akong nakikita ay alam kong hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig and even feel a tight arms around my waist. I can also hear him saying my name pero talagang nilamon na ako ng dilim.

Nagising ako na nakahiga na sa kama. I didn't even bother myself to get up anymore dahil parang umiikot pa rin ang mata ko kasabay pa ng liwanag na tumatama sa mata ko na nanggagaling sa lampara sa tabi ko.

Hindi ko rin alam kung umaga palang o gabi na dahil nga wala ni kahit isang bintana ang kwarto na 'to. Which is the door is the only way to get in and out of this 'dark room'.

Napunta bigla ang paningin ko sa may pinto nang biglang may kumatok roon.

"I'm coming in," rinig kong boses mula sa labas nun. Iniluwa nun si Hadeon na may tangan na isang tray. I knew it was a breakfast tray. "Kumain ka na," malumanay ang boses na saad niya na lumapit sa akin.

"Hindi ako gutom." I lied. I don't want to trust him anymore.

"But you need to eat. Nawalan ka ng malay kasi nanghihina ang katawan mo, wala ka pang kinakain simula kahapon."

"So, it was my fault?"

"I'm not blaming you. Please, eat this. Kailangan mong magpalakas."

"I said, I'm not hungr-- !" My tummy growls and it made us stop for a second.

"Wag ka nang tumanggi," he insisted placing the tray infront of me. "Hindi ko yan nilagyan ng lason kung yan ang iniisip mo. I made it myself, so you don't need to worry about it."

Hindi ako sumagot, tinitigan ko lang ang mga pagkaing inihanda niya sa harapan ko. It was a bowl of porridge and a boiled egg. There was a cup of warm coffee too. There's a spoon covered with a tissue and a stem of flower.

"You want me to feed you?" tanong niya bigla na ikinagulat ko.

"H-hindi. Hindi naman putol ang kamay ko," agad na sagot ko na ikinangiti niya.

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon