Part 20 (FINAL)

347 14 25
                                    

(A/N: This update may not satisfy your expectations as its final part - because I know I have a very long time for me to compose it and for you to wait -- but still, hoping na magustuhan niyo kahit na medyo nag-aalangan ako kasi I feel so empty doing it. Pakiramdam ko hindi ako kuntento sa nagawa ko. Ayoko rin namang matambay ang ending ng matagal. Babawi na lang siguro ako sa SPECIAL PART ..  if ever. Advance sorry sa mga hindi masa-satisfy at mabo-bored lang. Expected naman.)

PLEASE. DON'T EXPECT TOO MUCH FROM THIS ENDING! I TOLD YOU, MAYBE IT'S NOT WORTH TO READ. HAHAHA. I JUST FEEL SO DOWN.

☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

"C-Chase."

Hindi ako sigurado pero nanlambot na lang bigla ang mga tuhod ko at napaluhod sa sementong kinatatayuan namin ni Hadeon. Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero .. pero ang bigat ng dibdib ko sa nakikita ko.

Nagtinginan ang mga tao sa amin nang marinig nila ang mga mahihina kong paghikbi pero pakiramdam ko, ako lang ang naroon .. habang nakatanaw sa may pintuan ng bahay sa harapan ko.

Nakita ko ang kulay abong pahabang kahon na gawa sa marmol na napaliligiran ng mga makukulay na bulaklak at mga kandila sa magkabilang dulo nun. Isa lang ang ibig nitong sabihin. Someone is .. someone is dead. As I understand, this is a funeral wake.

"Kieran .. " mahinang bulong sa akin ni Hadeon sabay hawak sa braso ko para alalayan akong tumayo.

"H-Hadeon, p-please tell me .. please tell me, m-mali ako ng iniisip," umiiyak na sabi ko sa kaniya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya, ngunit kasabay naman nun ang pagkakita ko sa isang medyo may katandaan nang babae na lumabas mula sa may pinto. Makikitang namumuti na rin ang ilan sa itim na itim ngunit medyo magulong buhok niyang nakapusod.
Halata na rin ang pangungulubot ng balat at ang lubog na mata at pisngi. Hindi ako nagkakamali, iyon ang mama niya.

"K-Kieran? Anak ko .." nagsimula na rin ang paghikbi niya dahilan para matigilan ako.

Hindi.

Hindi.

Hindi ito totoo.

Mali ang iniisip ko.

"Kieran .. " patuloy siya sa pagtawag sa pangalan ko habang umiiyak na papalapit at ang agad na pagyakap sa akin. "Ang anak ko .. ang anak ko."

Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Hindi," mahinang saad ko. Tulalang napatitig roon.

"W-wala na ang anak ko!"

"Hindi."

Hindi 'to totoo.

Biglang nawala ang kapit ng kamay niya sa akin kung kaya't agad rin na nasapo ni Hadeon ang likod nito. Pati ako ay hindi na rin ata makalakad. Napako ako sa kinatatayuan. Hindi alam kung dapat ko pa bang ihakbang. Natatakot ako sa makikita ko. Natatakot ako na sa panaginip na 'to, hindi na ako magigising pa.

Ngunit .. ngunit sa puntong 'to. Kailangan kong harapin ang mga ikinakatakot ko. Harapin ang mga bagay na dahilan ng paghihirap ko. Paghihirap na ako rin ang naging puno't dulo. Mga desisyon ko na nagpabago sa takbo ng buhay ko ngayon. Buhay ko na naging mundo ng isang tao. Isang taong nagbigay ng dilim sa puso't isip ko na siyang bumulag ngayon sa akin.

The darkness that I could only see without him.

And I was suffering because of it.

I'm in pain right now while he's in vain when I'm not with him since I left him.

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now