Part 8

245 8 1
                                    


☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

Padapa kong ibinagsak ang katawan ko sa kama nang makabalik ako sa dorm ko. Tanging ang paghikbi ko ang naririnig sa apat na sulok ng kwarto. Wala akong balak na pigilan ang luha ko dahil parang muling bumukas ang sugat dahil sa pagbanggit ko kay Hadeon sa nangyari sa pagitan namin ni Chase.

Ang pagbanggit ko sa hiwalayan namin na ngayon ay pinagsisisihan ko. Pagsisisi dahil patunay lang na mahal ko pa siya dahil sa mga luha ko.

"Ang sakit. *sobs* Ang sakit sakit! *sobs* "

Ang sakit isipin na sa dalawang taon na pinagsama namin na akala mo ay perpekto na, ito pa rin ang Qnangyari. Ito pa rin at nagkaroon ng dulo.

Mas lalo lang naging malakas ang pag iyak ko. Gusto ko nang ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko ngayon sa nangyari.

Sana bukas ay parang bula na lang na wala na sa isipan ko ang tungkol don. Sana mawala na nang tuluyan sa alaala ko ang lahat. Sana makalimutan ko na siya. Para matapos na ang paghihirap ko. Paghihirap na nagdudulot ng sakit sa puso ko ngayon. Puso ko na naglalaman pa rin ng mga masasayang alaalang iyon na binuo namin ng dalawang taon na ako rin ang pumutol. Kapag naalala ko yun ay naninikip lang ang dibdib ko. Hindi matanggap. Hindi kailanman.

Nagpatuloy ang mga paghikbi ko hanggang sa tuluyan rin akong nakatulog. Paggising ko ay madilim na sa labas nang mag-angat ako ng tingin sa bintana at marahang inilihis ang tumatakip roong kurtina. Pagtingin ko sa alarm clock ko na nakapatong sa may munting mesang nasa tabi ng higaan ko ay saktong 10:48 na pala ng gabi. Halos hindi ko na maimulat ang mata ko at magang maga na dahil sa pag-iyak ko kanina.

Parang walang buhay na bumangon ako sa kama. Hindi alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin naman maramdaman ang gutom - na simula pa kaninang umaga ay halos wala lang ding laman ang tiyan ko.

Wala sa sariling hinanap ko ang cellphone ko at saktong nahagilap ko yun sa may study table ko kung saan ko ipinatong nung lumabas ako kaninang umaga matapos kong padalhan ng mahabang mensahe si Chase--

Agad akong napabuntong hininga.

Chase ..

How can I forget him easily kung lagi ko siyang naaalala? Na siguro'y sa bawat gamit na meron ako ay may alaala siyang naiwan sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil dali dali kong tinanggal ang case ng phone ko at ang takip sa likod. Isinunod ko ang battery at ang sim card ko't memory card (microSD card).

"Kailangan ko na kayong itapon at palitan," mahinang saad ko na napatitig sa dalawang maliliit na chip at card sa palad ko.

Tumayo ako at inihagis yun sa trash bin malapit sa pinto.

Sa paraang yun, hindi na niya ako mako-kontak pa. Wala na rin akong makikitang ni kahit isang larawan niya sa telepono ko kung sakaling buksan ko ang gallery ko ng hindi ko namamalayan.

Ayoko na siyang makita at isipin pa. Gusto ko nang magbagong buhay na wala na siya sa paligid at alaala ko.

He was only just a dark nightmare to me that should be forgotten.

~•~

Kinabukasan ay naalala kong bumili ng bagong sim card at memory card sa isang shop pamalit sa tinapon kong dati kong ginagamit.

Suot ang kulay itim na hoodie jacket at men's shorts. At kulay brown na flip flop slippers.

"Thank you for purchasing." Ngiti lang ang naging sagot ko sa cashier nang iabot niya sa akin ang resibo.

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon