Part 17

202 7 2
                                    


☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

"Are you okay? You seem distracted."

Nagulat ako sa biglang paghawak ni Hadeon sa kamay ko kaya agad akong napalingon sa kaniya. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya kaya napalunok ako.

"Hmm?" maang na tanong ko. "M-may sinasabi ka?"

"You really are," saad niya bago napabuga ng hangin. "What's wrong? May problema? You are staring into space na parang may bumabagabag sa iyo. Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka sumasagot. And when I look at you, you are not even listening. Okay ka naman kanina ah, may nangyari ba?" tanong niya.

Katabi ko na kasi siya ngayon sa backseat dahil sa may upuan sa tabi ng driver niya nilagay ang mga binili niya kanina.

"W-wala. Uhm .. n-naninibago lang siguro ako sa paligid ko. Nasanay na kasi ako na .. na nasa bahay lang kaya .. siguro, uhm .. mas mabuting wag na akong lumabas sa susunod."

Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso sa mata kaya nabigla ako sa paghawak niya sa baba ko.

"You're lying. I know something happened while I was buying on the store."

"H-hindi," pilit ko pero hindi nakikisama ang dila ko. "Wala."

"Do you trust me, Kieran?"

Napatigil ako sa tinanong niya. "Oo naman."

"Then why're you hiding it from me?"

"Wala naman akong tinatago."

Muli siyang napabuntong hininga. "Fine. I won't force you to tell me. I'll wait for you when you're ready to speak."

Hindi naman na kailangan pang sabihin ko sa iyo ang nangyari. Alam kong mag-iiba na naman ang reaksyon mo kapag nabanggit kong nagkita kami ni Chase. Kaya mas mabuti kung sa akin na lang yun.

Minabuti kong huwag magpahalata sa kaniya sa buong oras ng biyahe. Iwinaksi ko sa isipan ko ang eksenang yun at inilibang ang sarili ko kay Hadeon. Ipinagpasalamat ko na hindi ko na naalala pa ang tungkol dun at ayoko na ring balikan pa.

Parte na lang siya ng nakaraan ko kaya dapat ko nang kalimutan. Ang pagtuunan ko na lang ng pansin ay ang meron ako ngayon .. at si Hadeon yun.

Lumipas ang isang linggo. Walang nagbago sa samahan namin. Naging mas malapit pa nga kaysa sa dati. At naging mas aktibo kami sa kama kumpara noong hindi pa kami oposiyal dahil ngayon ang sa iisang kwarto na ang tinutulugan namin.

Hindi na rin niya ako naalala pang tanungin tungkol sa nangyari sa araw na yun kaya walang gaanong seryosong usapan at misunderstandings. In short, well and good ang sinimulan naming relasyon. At ayokong sirain o gawan ng lamat nang dahil lang sa nangyari sa araw na 'yon.

Mahal ko na si Hadeon at ayoko nang balikan ang nakaraan.

~•~

"Kieran?"

"Hmm?"

"May pupuntahan ako mamaya sa labas. Pero hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik," sabi niya na lumapit sa akin sa may laundry room. Kasalukuyan kasi akong nagsasampay sa mga nilabhan kong damit namin.

"Saan? Anong gagawin mo?" tanong ko naman na hindi na siya nilingon pa dahil alam kong nasa may pinto lang siya na nakasandal sa may door frame dahil kita ko naman sa peripheral eyeview ko.

"May aasikasuhin lang akong papeles sa company. Tinawagan ako ni Dad kanina and I should be there today to work on it. Sinabi niyang mga agreement papers raw para sa akin."

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon