Part 2

409 21 1
                                    

☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

"Chase is for me."

"No. Chase is not for you."

"At sinong para sa akin?"

"Ako."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Hadeon pero nagsalubong talaga ang kilay ko sa sinabi niya. Halo halo ang emosyon ko. Gusto kong matawa kung sadyang ganito lang ang mga klaseng biruan niya na masyadong namemersonal. O kaya naiinis dahil hindi siya karapat dapat kaibiganin dahil sa napakawalang kwentang ugali niya.

"Are you hitting on me?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

"What do you think, Kieran?" balik tanong niya. "Sa mga sinabi ko, ano sa tingin mo ang pahiwatig?"

"Na wala kang kwenta?" taas kilay na prangka ko.

"Pfft," natawang sagot niya. "I'm stating a fact here. Be practical in deciding."

"I'm just also stating a fact here that you're a fucking---"

"Kieran! Hadeon!" narinig naming sigaw kaya hindi ko na nasundan pa. Saved by Chase. "Pasensiya na, natagalan kasi kami sa pagpili."

"Chase, umuwi na tayo."

"Huh? Bakit?" gulat na tanong niya sa 'kin. Na saktong bumalik na rin ang dalawa na galing sa CR.

"Basta. Umuwi na tayo," pilit ko na masama ang tingin sa kaharap ko.

"What's wrong?" parang walang alam na tanong ni Hadeon habang nakangisi.

"Did something happen?" tanong muli ni Chase.

"Wala. Gusto ko nang umuwi," saad ko na tumalikod na sa kanila. Bahala na rin si Chase kung susunod siya sa akin o hindi. Hindi lang talaga maganda ang timpla ko sa lalaking yun baka makagawa pa ako ng eksena sa mismong party niya at maregaluhan siya ng eskandalo at suntok.

"Kieran!" rinig kong sigaw mula sa likuran ko. It was Chase. Nasa may kalsada na ako nang mahawakan niya ang braso ko para patigilin ako sa paglalakad. "Bakit?" tanong niya nang makita ang lukot na mukha ko.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kaniya ang naging usapan namin ng pesteng lalaking yun. Baka kasi kapag nagsumbong ako rito ngayon mismo, baka balikan lang niya si Hadeon sa loob at gumawa pa ng suntukan roon. Takot ko na lang na mapasok sa away si Chase.

"Wala," muling kaila ko.

"Kieran, I know something's up. Hindi ka naman bigla biglang umaaktong ganito kung walang nangyari. Did they do something to you?"

"Wala nga. Umuwi na lang tayo," pag-iiba ko na tumalikod ulit pero hinila lang din niya ulit ang braso ko.

"Let's go back. I'll comfront them--"

"Ano?" gulat na tanong ko.

"Sabihin mo na lang sa akin kung ayaw mong ako ang magtatanong sa kanila."

"Chase naman."

"Tell me."

Fuck. I hate this! "Wala nga talaga--"

"Fine--"

"Please!" pigil ko na yumakap sa likuran niya nang magsimula siyang maglakad pabalik sa pinanggalingan namin kanina. "Please, Chase. Wag na. Wala naman talagang nangyari eh."

Wala akong sagot na narinig.

"Please, umuwi na lang tayo," dagdag ko pa.

I heard him sighed instead. "Pero siguraduhin mo na sasabihin mo sa akin on our way back."

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now