SPECIAL PART: SHADOWS FROM THE PAST (3/4)

171 7 2
                                    


☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

"I-Is this for real?" P-paanong hindi ko 'to alam?

Hindi ako makapaniwala. At mas lalong hindi ko lubos maisip kung paanong hindi ko man lang ito napansin, ni kahit minsan? Bakit .. bakit ngayon mo lang to pinaalam sa akin .. Chase?

Pinulot ko ang isa dun at pinagmasdan, nakaramdam ako ng pamimigat ng dibdib. It's even too hard to handle. This is so precious that I can't even ignore.

"Now, I'm having this feeling, na ngayong huli na, saka mo ito pinakita sa akin, para ma-realize ko kung gaano ako sobrang ka-tanga sa mga desisyon ko noon. And I am," wala sa sariling sambit ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, somewhere from this room, he's watching me, listening. "Why? Why're you doing this? Oo, alam ko sa sarili kong nasaktan kita, at aminado naman ako dun pero bakit sobra sobra 'tong binalik mo sa akin? Nagsisisi naman ako eh. I'm trying, Chase. But you're giving me reasons para ipamukha sa akin na .. na hindi mo ako kayang patawarin," pigil ang mga luhang sambit ko. "May mga pangarap kang abutin dati, at alam kong kasama ako sa mga iyon, pero hindi ko naman aakalain na .. sa isang maling desisyon na hindi kita pagkatiwalaan, hahantong sa wala lahat ng mga iyon. Hindi ako nagsisising minahal ko na si Hadeon ngayon .. ang tanging pinagsisisihan ko na lang ay yung nasayang - ikaw yun. Nasayang lahat ng efforts mo, yung mga pangarap mo, yung pagmamahal mo, yung oras .. na sana ngayon masaya pa tayo.

"Alam kong sa part ko, hindi na dapat ako affected sa mga 'to eh. Dapat sana, wala na akong nararamdamang guilt o ano, dapat nakamove-on na ako ng tuluyan sa iyo. Pero hindi eh .. hindi naging madali sa akin iyon kasi .. kasi minahal pa rin naman kita. Naging parte ka pa rin ng nakaraan ko. Hindi magiging madaling burahin o kalimutan lahat ng mga bagay na may kinalaman sa iyo. It feels like as if all of this were just happened yesterday. At ang mas malala, naalala kita sa tuwing may mga bagay si Hadeon na ginagawa na dati ay sa iyo ko lang nararanasan."

Sandaling katahimikan ang namayani sa buong kwarto na tila nag-aabang ako ng sagot sa mga sinabi ko. Well, obviously, I'm talking to a dead person, paano namang may sasagot? Nahihibang na ako.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga litrato at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Kung ibang tao lang ako ay iisipin kong, kung maaari lang na maibalik ang mga panahong 'to ay hindi ako magdadalawang isip. He's just too perfect and ideal for a man. Yung literal na mapapa-sanaol ka na lang.

Sabi niya sa akin noon na ayaw niyang kinukuhanan ko siya ng litrato, kahit nga niyayaya ko siyang dalawa kami ay tinatanggihan niya kaya minsan nagtatampo ako sa kaniya nang dahil lang dun. Hindi ako sigurado kung may allergy siya sa camera o ayaw lang talaga niya akong makasama sa mga pictures ko. And dahil napaka-considerate ko namang tao, syempre hindi ko na lang siya pinipilit. And now, malalaman ko na siya pala 'tong babaligtad.

I saw a bunch of stolen photos of me from the printed photographs that I found from the envelope. Kinuhanan niya ako habang hindi ako nakatingin, nakatalikod o busy ako sa mga ginagawa ko. Nakita kong may picture pa ako na habang natutulog. This is pretty weird but it might not be strictly illegal. He's my boyfriend after all .. well, at that time. And I knew, he didn't crossed the line of capturing me whole naked or any crazy pervert stuffs. The good thing also from these photographs is that those pictures has the date and time stamp on each of them.

Ilan sa mga nakuhanang litrato ay nung nasa gotohan kami, siguro nag-oorder palang siya rito at saktong hindi ako nakatingin. May mga time pa na nakatalikod ako habang nakaupo sa bakal na harang sa gilid ng kalsada, sa tabi ng pedestrian lane sa harap ng university gate. Iba ibang oras iyon. Hinding hindi ko ito makakalimutan dahil halos araw araw ay ganito ang set-up ko habang hinihintay siya. And on one specific night, he also took photos of me while showering, just my upper half body was seen tho', kung hindi ako nagkakamali ay ito yung renting hostel kung saan kami nagpalipas ng gabi galing sa gotohan dahil nasa curfew hour na kami sa dorm. Ngayon alam ko na rin kung bakit paglabas ko noon sa banyo ay saktong nasa tabi lang siya ng pinto nun habang prenteng nakasandal at nakapamulsa.

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon