Part 3

325 17 0
                                    


☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

"Of course, Kieran. I'll be by your side .. as you wanted."

Hindi ako sumagot.

"Ako na ang maghahatid sa iyo sa dorm mo."

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya.

"Wag na. Baka kung ano pang isipin at sabihin ng iba kung makita nila tayo--"

"I insist, Kieran. Baka kung saan ka pa mapunta o ano pang mangyari sa iyo sa daan lalo na't ganyan ang sitwasyon mo. Alam kong baka ayaw mo muna siyang kausapin at magpahatid kay Chase ngayon. I have my car on the front gate. So let me give you a lift."

Kahit na ayoko sana dahil naalala ko na naiinis pala ako sa kaniya dahil sa nangyari nung isang linggo ay tumango na lang ako. Hindi ko rin alam kung anong masasabi ko sa kaniya kung patuloy pa akong maghintay rito at kokomptontahin siya tungkol sa nakita ko kahit na pinauwi na ako sa text niya kanina.

Baka hindi ko mapigilan ang mga salitang lalabas sa bibig ko at iba pa ang magawa't masabi ko nang hindi napag-iisipan.

Kailangan ko munang mapagkalma ang puso at isipan ko.

...

"Okay na ako rito. Salamat," sagot ko bago tinanggal ang seat belt na naka-attach sa akin.

"Anong plano mo ngayon?" tanong niya nang maitigil na niya ang sasakyan sa harap ng dorm building.

Kumunot naman ang noo ko. "Anong plano?"

"Sa relasyon niyo ni Chase," sagot niya

Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Uhmm .. like staying away from him--"

"Wala pa. Hindi ko alam. Gusto ko lang siyang magpaliwanag kung bakit niya iyon nagawa." Huminga ako ng malalim at napabuga. "Baka mapatawad ko p siya--"

"Pero nakita mo naman kanina--"

"Hindi pala iyon sapat. Gusto kong malaman mismo sa kaniya ang lahat. I want him to tell me all the truths and lies he'd been hiding from me for long. I'm still trying to trust him, trust his reasons kahit na ganun ang nakita ko. Siguro, nagkataon lang. I believe na sana palabas lang yun kasi alam ko na hindi niya iyon magagawa dahil alam kong mahal niya ako--"

"BUT IT'S ALREADY ENOUGH, KIERAN!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Hadeon at malakas na pagbagsak ng kamay niya sa manubela na tumingin sa akin. "Kung hindi niya iyon ginusto, bakit hindi niya tinulak ang babae palayo sa kaniya? He let her kiss him!"

"Edi, tatanggapin ko--"

"He cheated on you, Kieran and you still want to accept it?"

"It's just a kiss kaya matatanggap ko pa."

"Are you serious?"

"Oo."

"Kung sabihin ko rin kaya sa iyo na kapag si Chase ang nasa posisyon mo, at nakita niyang hinalikan kita ngayon rito, sa tingin mo, okay lang din sa kaniya?"

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano?"

I saw him smirked. "Hindi," pagdidiin niya. "Kasi alam kong kaya ka niyang palitan."

"Ano gusto mong mangyari? Hiwalayan siya agad nang walang paglilinaw?"

"Hindi pa ba malinaw sa nakita mo na niloloko ka niya?" pilit niya. "If that's the right thing to do, you must do it kung ayaw mong tuluyang tumagal ang panloloko niya sa iyo. Hangga't maaga pa at hindi ka pa tuluyang nawasak."

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora