SPECIAL PART: SHADOWS FROM THE PAST (2/4)

171 7 7
                                    

☯ ☯ ☯

Kieran's P.O.V

Nagising akong wala si Hadeon sa tabi ko. Napalingon ako sa katabing digital clock at nalaman kong maga-alas diyes na pala ng umaga kaya hindi na ako nagtaka kung bakit may nakahanda nang pagkain sa mesa pagkababa ko - matapos akong maghilamos at magtoothbrush - na halatang papalamig na rin ata.

Siguro iinitin ko na lang sa oven ang isa dun. May isa kasing mangkok ng greek yogurt oatmeal na napalamutian ng iba't ibang klase ng berries at nuts sa itaas niyon, may dalawang slice rin ng whole grain bread na may naka-spread na avocado, nakita kong may smoke salmon ring nakaplato at banana smoothie sa isang mason jar.

"Ang dami naman nito." Napansin kong may isang note na natakpan ng mangkok. "Don't forget to eat your breakfast. I love you," pagbabasa ko roon at nakilala ko agad kung kaninong sulat.

Napansin kong wala palang Hadeon ang sumalubong sa akin kanina. Humigop ako sa smoothie mula sa straw niyon kasabay ng malakas na tunog na narinig ko sa labas. Kaya agad akong nagtungo sa lugar kung saan iyon nanggaling, nagbabakasakaling si Hadeon iyon.

Pero pagpihit ko sa may storage room, malapit sa garahe ay nagulat akong si Mang Norman pala ang naroon at nagkalat ang mga iba't ibang maintenance tools and equipments sa sahig.

"Uy, kayo ho pala Mang Norman. Ano hong nangyari rito?" maski siya ay nabigla rin sa pagsulpot ko sa likuran niya.

"Naku, ikaw pala iyan iho. Pasensiya na. Nabulabog ata kita sa pagtulog mo."

"Hindi ho. Nasa kusina na ho ako nang marinig ko ang kalabog mula rito."

"Pinapaayos kasi ni Hadeon sa akin itong storage room kaya may mga binubuhat akong karton para i-hilera ng maayos kaso sumabit ang laylayan ng damit ko sa isang pakong hindi naidiin ng maayos sa isang lumang aparador na nasagi ko kaya ilan sa mga kartong hawak ko ay nabitiwan ko," paliwanag niya na pansin ko ngang may kaunting punit ang likuran ng damit niya.

"Pero hindi naman ho kayo nasaktan?" tanong ko pero umiling lang siya. "Kumain na ho ba kayo?" tanong ko ukit pero 'oo, tapos na' ang naging sagot niya. "Oo nga ho pala, si Hadeon po, alam niyong kung nasaan siya? Simula kasi nung bumaba ako sa kusina, hindi ko pa siya nakikita."

"Ah, sa totoo lang, tinawagan niya ako kaninang umaga na magpunta rito pero nung makarating naman ako, nagmamadali rin siyang umalis at binilin na ayusin at linisin ang mga gamit rito. Akala ko nga magpapahatid siya sa akin kung saan man ang punta niya pero wala rin siyang nabanggit kung saan."

"Teka, p-paano hong nagmamadali?"

"Hindi ko rin alam iho eh, basta panay lang ang tingin niya sa relo niya habang kausap ako."

"Ganun ho ba. Baka pinapatawag lang siguro siya ng Daddy niya sa opisina nila."

"Yan din ang nasa isip ko iho."

"Pero bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin?"

"Akala niya sigurong hindi mo siya hahayaang umalis dahil sa .. alam mo na." Naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin. "Hindi ka man lang ba niya tinawagan o t-in-ext?"

"Ahh .. " nahihiyang napakamot ako ng batok sa tanong niya. "Wala ho akong cellphone, tsaka telepono lang ho ang available rito sa bahay. Hindi ko rin naman naisip pa na tawagan siya para tanungin."

"Hmm," tumatangong sagot niya. "O siya, sige. Hintayin mo na lang siya sa loob. Baka mapano ka pa rito kung magtatagal ka pa. Maalikabok pa at baka may mga ahas sa loob," pananakot niya na tinablan naman ako kaya agad akong napaatras.

"Sige ho, pasok lang ho kayo sa kusina ha, para mahandaan ko kayo ng meryenda."

"Naku, hindi mo naman kailangang mag-abala pa sa akin --"

Chase in the Dark - Short Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now