Chapter 4

4.3K 107 1
                                    

" Oh, Dios Mio!"

Naka ilang higa at ikot na siya sa kama pero hindi naman siya makatulog. Hindi naman siya makapag inom nang alak baka mawala siya sa sarili, katulad noon na nawalan siya nang inhibisyon.At ialok ang sarili sa kanyang ultimate crush na si Stan Lee!

Ang kanyang crush at nang panahon noon, ito ang nakakapagpatibok nang mabilis sa kanyang puso. Nakapag pangiti sa kanyang labi. At anong saya niya nang halikan siya nito.

" Shit! Que horror!"

Bumangon siya at lumabas sa veranda. Pinagsawa niya ang sarili sa pag tingin sa mailaw na siyudad.

" Offer me your body!"

Paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang alok ni Stan. Tapos na nga ba ang problema niya pag ginawa niya iyon? O panibagong problema ang papasukin niya. Alam ba ni Stan na inaalagaan pa din niya sa puso ang binata. Ang kanyang ultimate crush ay nag iisa pa din niyang tinatangi.

Umupo siya sa upuan na bakal at isinandal ang ulo at pumikit. Pumasok ang muli niyang pag kikita matapos ang limang taon...

Pakiramdam niya siya ang ikakasal habang nakatingin si Stan na bestman at katabi ng groom na si Aidan. Mula nang maglakad siya nakatitig lang ito sa kanya.Alanganin siyang ngumiti dito.

Maging nang makarating sila sa reception nang kasal hindi iilang beses niya itong mahuli na nakatingin sa kanya.Hanggang masambot niya ang bouquet at garter kay Stan.

" Higher! Higher!"

Nagkakatuwaan na tukso sa kanila na hindi naman ginawa ni Stan. Hanggang lampas tuhod lang.

" Kiss! Kiss!"

Muling sigaw sa kanila at iyon ang mabilis na sinunod nang binata. Inabot nito ang kanyang mga palad. Hinila siya patayo na nagpatianod siya. Habang nakangiti ito sa kanya, masuyo siyang hinapit sa beywang.Ginantihan niya ito ng ngiti, pero kung alam lang nito ang lakas nang kanyang kaba. Mas gumuwapo ito, nang huli niya itong makita.

"Kiss daw."

Sabi nito at bumaba ang mga labi nito sa kanya. It's just a simple and brief kiss pero sapat na iyon para mag wala ang kanyang puso.

" Welcome back, Csezah."

Matapos ang halik ay sabi nito, hindi siya nito binitiwan.

" Thank you, Stan."

Tipid niyang ngiti na hindi makatingin dito.

" I'm glad, hindi mo ako tinawag na kuya."

Nakangiti nitong sabi, hindi niya napansin na sumasayaw na pala sila.Ang mga palad niya ay ito ang nagpatong sa balikat nito.

" Kasi ayaw mo. Gusto mo ba tawagin kitang kuya?"

Tanong niya dito, na engganyo siyang tinggnan ito katulad nang ginagawa nito sa kanya. Bakit ang gwapo niya sa paningin ko. Did he find me beautiful also?

" Of course not. Hindi ko gugustuhin na tawagin mo akong kuya."

Tumango siya at umiwas nang tingin.

" You'll stay here for good?"

Tanong nito na hindi niya alam kung paano sasagutin.

" Actually, I don't know yet."

Matapat niyang sabi dito. Kumunot ang noo nito. Pero bago pa ito nakapag tanong huminto na ang sweet music at humiwalay siya dito.

" Papa, is calling me."

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now