Chapter 3

4.3K 125 3
                                    

" What's bothering you, Stan?"

Tinabihan siya nang ama sa mini bar.Bahagya pa siyang tinapik sa balikat.

" Nothing, Dad. I just can't sleep."

Tanggi niya dito.

" After nang kasal ni Dia, you started to change Stan."

Tumawa lang siya sa sinabi nang kanyang ama.

" Wala na kasing nang aaway sa akin."

Sabi niya at muling nagsalin nang brandy.

" Babae ba?"

Pag huli nito sa kanya, hindi siya nagsalita.

" Stan, hindi pwede na lunurin mo ang sarili mo sa alak. Face it like a man."

Payo nang kanyang ama.

" It's complicated."

" How complicated?"

Tanong nang ama at umabot nang baso at nagsalin din.

" Tito Sib's daughter."

Biglang nasamid ang kanyang ama sa alak na sinimsim nito.

" Sabi ni Sib, she's arrange to a politician son in Spain?"

Dumiin ang hawak niya sa baso. Ang nangyari five years ago ang malaking what if sa buhay niya.

What if, ginawa nila iyon nang dalaga. Magiging sila ba hanggang ngayon? Asawa na kaya niya ito ngayon? At hindi ba siya aburido na tulad ngayon?

" It's really complicated son."

Muling tinig nang ama at tinapik muli ang kanyang balikat bilang pag sang ayon.

" You want to travel? I will take over in your office."

Payo nang kanyang ama pero tumanggi siya.

" Hindi ko naman ma i enjoy ang bakasyon ko."

" Pero meron ka na naman sinisante from accounting department, Stan."

" Tsk, kuya Nathan will provide him a job."

Ganun kadalasan ang nangyayari. Pag hindi sa munisipyo sa tele communication company ito mapupunta. At parang nanadya ang ibang empleyado pag gusto nitong lumipat sa opisina nang kapatid.

" Walang kang pasensiya, Stan. You have to be patient.."

" I am patiently waiting to Ezah, Dad. Hanggang magdalaga siya, makapag tapos at magawa niya ang gusto niya. But look what patience brought me?"

Marahil lasing na siya para sabihin sa ama ang totoo niyang nararamdaman.

" I don't know what to say, pareho kaming arranged marriage nang Tito Sib mo and we are successful and happy couple. You want me to find a wife for you?"

Gusto niyang matawa sa suhestiyon nang ama.

" What? Daddy, do you think hindi ko kayang humanap nang aasawahin?"

" Ow, I'm sorry, son. I don't know how to mend your broken heart."

Bahagya pang ngumiwi ang kanyang ama.

" Dad, it's not broken. Not yet."

Mahina lang ang tinig niya sa huling mga salita. Dahil matapos ang pag uusap nila ni Ezah sa opisina niya ay hindi pa ito bumabalik. Iniwan lang siya sa sagot nitong mag iisip muna ito.

" Yes, Dia?"

Lumingon sila kay Nathan na pababa nang hagdan.

" Wala ako sa munisipyo, me maagap akong lakad bukas. I will give a speech para sa bubuksan kong project para sa mga kabataan."

Bumaling ito sa kanila at naupo sa kanyang gilid. Napagitnaan siya nang ama at kapatid.Sumenyas ito na bigyan niya nang alak na ginawa niya.

" Who? Csezah?"

Biglang sumala sa shot glass ang alak na sinalin nito kaya napatingin sa kanya si Nathan.

" Anong kailangan niya?"

Hindi nila narinig ang sagot nang kanyang kapatid pero bumaling siya sa ama na nakikinig din.

" I will meet her on Sunday. Yeah i'm willing to help."

Pagkasabi noon ibinaba na nito ang cellphone.

" Hindi halatang nakikinig kayo."

Nakatawa nitong sabi at uminom nang alak.

" Si Csezah ang pinag uusapan namin bago ka dumating."

Ang kanyang ama ang sumagot.

" Ganun kalaki ang problema nang anak ni Tito Sib?"

" Problema nitong kapatid mo."

Inginuso pa siya nang kanyang ama na umiling iling lang siya.

" Me problema kayong dalawa?"

Tanong ni Nathan at sinilip siya na sa baso niya siya nakatingin. Marahil ang kapatid niya ang alukin nito nang pretend husband.

" Wala pa. Magka problema lang kung tutulong ka."

Kumunot naman ang noo nang kapatid sa sinabi niya.

" It never happen Stan. Sinisiguro kong ang tulong na binibigay ko ay makakagaan nang dalahin nang sinuman."

Puno pa din nang pagtataka na sabi nang kapatid.

" Ganito kasi iyon kuya Nathan, si Ezah arranged to be married. Ayaw niya sana pero paano siya tatanggi, kung ginagamit nang grandma niya ang sakit nito?"

" Ow, so paano mong magiging problema iyon?"

Salubong ang kilay na bumaling siya sa kapatid.

" Do i have to spell it out to you?"

Tumawa ito at mahina siyang hinampas sa balikat.

"In love ka kay Ezah?"

Hindi siya sumagot pero nahagip nang kanyang mata ang pagtanggo nang kanyang ama.

" Gusto niya makasal bago pa siya ipakasal. Kasal sa papel, that is what she offered me and for sure she will asked you the same."

Hindi nakapag salita ang kanyang kapatid sa kanyang sinabi.

" I am politician and i have a reputation to make. Gusto ko siyang tulungan, pero ang pagkakasal lang sa kanya ang pwede ko maitulong. I can't be her groom."

Maya maya ay sabi nito na nakapag pagaan sa kanyang dibdib. Kahit hindi iyon totoo hindi pa din niya gusto na me ganun na issue si Ezah. Tama na ang Espanyol nitong fiancé wag nang dagdagan nang kuya niya na walang aayaw dito na babae.

" Good! Tell her that. Para wala siyang ibang option kundi ako."

Merong kakaibang ngiti sa mga labi ang kanyang kuya nang mapabaling siya dito.

" Hindi ba birth order ang dapat sundin sa pag a asawa? Bakit ako yata ang mahuhuli?"

" Meron naman solusyon si Daddy. Sabihin mo sa kanya Dad, ang sinabi mo sa akin kanina."

Baling niya sa ama na nakikinig lang sa kanila.

" I trust Nathan , when it comes to marriage."

Sa halip na sagot na kanyang ama.

" Daddy what do you think of me?"

Salubong ang kilay na tanong niya sa ama.

"Hindi ka marunong manligaw?"

Patanong na sagot nang ama, na tinawanan naman nang kanyang kuya Nathan.

" Hindi mo alam kung paano makuha ang babae na gusto mo?"

Tanong din ng kanyang kapatid.

" Really? Ganun ang tingin ninyo sa akin?"

" Yes!"

Sabay pa na sagot nang kanyang ama at kapatid.

"C'mon, she was teenager back then. Hindi ko naman alam na pagbalik niya na dalaga na siya ay ipag kasundo na siya sa iba."

Pagtatanggol niya sa sarili. Naramdaman na lang niya ang parehong pag tapik sa kanyang likod nang kanyang ama at kapatid.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now