The Finale

5.8K 136 18
                                    

Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang tingnan ang kanyang repleksiyon sa life-size mirror. Kababakasan siya nang kasiyahan.

Ngayong araw ang kasal nila ni Stan Lee, at hindi lang basta kasal. Isa iyong engrande na kasal na naka live televised. Sabi nga ni Stan, babawi siya. At hindi niya akalain na ganito pala ito bumawi. She's still wearing the expensive wedding ring na isinuot nito noon. She also remembers the kiss he gave her. Napangiti siya kaya pala siya hinalikan noon to seal their marriage na hindi niya alam.

" Beautiful."

Nilingon niya ang kanyang Papa na pumasok sa kanyang silid. Ito ang maghahatid sa kanya sa altar.

" Syempre, Papa. Mama is not here, kaya sasabihin ko na. Mana ako sa iyo."

Malaki ang ngiti niyang sabi dito. Hindi naman nito napigilan ang matawa sa sinabi niya.Lumapit sa kanyang at kanyang ama at masuyo siyang tinitigan.

" Masaya ako na masaya ka Ezah. And Stan is a good man, alam ko hindi ka niya sasaktan. Mananagot siya sa amin nang daddy niya."

Pilit nito pinipigilan ang emosyon habang nakatingin sa kanya.

" Thank you, Papa. I'm very happy."

Yumakap siya sa kanyang ama, at gumanti naman ito nang yakap.

" Ibarra, don't make Ezah cry. Baka masira ang makeup niya, ang dami manonood nang kasal nila! Baka gawan nang kung meme ang anak natin."

Agad na lumapit ang kanyang ina at sinipat ang kanyang mukha.

" There, still beautiful. Manang mana sa mama."

Nakangiti na sabi nang kanyang ina kaya nagka tinginan sila nang kanyang Papa at tumango na lang ito.

" Thank you, Ma."

Lambing niya dito at yumakap. Ito naman ang agad na lumuha.

" You're making me cry Ezah. Hindi ako makapaniwala na mag aasawa ka na, parang kelan lang naka diaper ka pa."

Sabi nito na tinitigan siya sa mukha.

" Ma, ang tagal na noon. Marunong na akong gumawa nang bata ngayon."

Mahina siyang kinurot nang kanyang ina sa tagiliran.

" Pasalamat ka at si Stan, at ginawa ninyo ang bagay na iyon nang mag asawa na kayo. Kung hindi wala kayong matatanggap na regalo sa amin."

Singit nang kanyang ama. Binigyan sila nang isang vacation house sa Cayman Island na katabi nang vacation house ni Dia kapatid ni Stan.

" Thank you, Pa. Sa iyo din Mama. For everything."

Nginitian niya ang mga ito. And without saying anything alam niyang kuntento ang mga ito sa nangyari sa kanya.

" Wish you all the best, anak."

Parehong sabi nang kanyang mga magulang. Muli silang nag yakap hanggang pumasok ang wedding organizer at hudyat na magsisimula na ang kasal.

Para siyang lumulutang sa hangin habang naglalakad sa pulang carpet na sinasabuyan nang mga petals nang iba't ibang bulaklak nang kanyang flower girls. Sikat na singer na talent nang TV station nang asawa ang kumakanta.

Bumalik sa kanya ang pakiramdam noong bagong dating siya mula sa Spain, habang nakatingin kay Stan na naghihintay sa kanya sa altar. Pero sa pagkakataon na ito siya ay bride at hindi bridesmaid, at si Stan ang groom at hindi best man. Matamis niya itong nginitian, hindi niya alam kung bakit seryoso itong nakatingin sa kanya.

Tumapat siya dito at inabot naman ang kanyang mga palad. At naramdaman niya ang panlalamig nang mga palad nito.

" Are you okay Stan?"

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now