Chapter 14

3.4K 84 5
                                    

" What happened, Ezah?"

Tanong ni Dia sa kanya na nakabalik na din pala.

" She's trying to an  catch egret in the stream."

Si Stan ang sumagot. Ibinaba siya sa sofa at ito na ang nagtanggal sa kanyang hiking sandals. Sinipat nito ang parte nang paa na kanyang iniinda sa sakit.

" At iba ang nahuli mo, Ezah."

Natatawa na sabi ni Dia, habang nakamasid sa kapatid na nag aalala sa kanya.

" See? Na sprained ka!"

Sabi nito nang makita ang namumula niyang sakong.

" Kasi ginulat mo ako!"

Angil niya na nakatingin din sa kanyang kanang paa na makirot.

" Baka malala pa diyan ang nangyari sa iyo kung hindi ko inagaw atensyon mo sa panghuhuli nang ibon."

Tumayo ito at pumunta nang kusina. Pagbalik nito meron na itong ice pack at inilagay sa kanyang sprained ankle.

" Kakaiba ka din talaga, Ezah."

Sabi ni Stan na iiling iling kaya kinunutan niya ito nang noo.

" Nakalimutan mo na ang ginawa mo sa isla. You were not scared na hindi ulo nang manok ang maputol mo, kundi kamay mo o binti mo?"

Pagpapaalala nito sa manok na kinatay nila ni Ava.

" I heard about that!"

Tumatawa na sabi ni Dia.

" Wala ako don pero nang marinig ko hindi ko mapigilan na tumawa."

Sabi pa nito sa kanya.

" OA naman nang kuya mo. Putol agad ang binti o kamay?"

" If you saw the bolo they used? Kahit ulo nang tao pwede mapugutan noon."

Ani Stan at biglang napangiti sa alaala na iyon.

" You can't blame me Dia. Ilang araw na puro bangus ang ulam namin ni Ava. Pag hindi prito, sinigang o inihaw. At saka feeling ko may kaliskis na din ako."

Sabi niya at tiningnan nang masama si Stan. Dahil nang dalhin siya nito sa floating beach house nito ay pinag luto siya nito nang bacon at ham.

" Hon, parang gusto ko nang inihaw."

Maya maya ay lambing ni Dia sa asawa.

" Inihaw na bangus?"

Gulat na tanong ni Aidan sa asawa. Nasa gitna sila nang isang virgin forest na pag aari ni Sebastian. At nong nag byahe sila pahapyaw na sinabi ni Stan na recently lang ito binili ni Sebastian. And he lend the place sa bagong mag asawa bilang regalo. She doesn't know kung bakit dinala pa sila nang mag asawa dito.

"Hindi naman,anything na inihaw."

Lahat sila mangha nakatingin dito.

" Naglilihi ka ba, Dia?"

Si Stan ang nagtanong. Pero tumawa lang si Dia.

" Girls are like this. We're craving for food once every month.Isn't it Ezah?"

Baling nito sa kanya.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon