Chapter 12

3.6K 97 3
                                    

" Wow! Grabe ang ganda!"

Hindi niya napigilan na sabi at hindi siya magkanda ugaga sa pag kuha nang larawan. Sa isa palang rainforest sila pupunta. Napakaganda nang lugar at sariwa ang hangin.

" I'm glad you like the place,Ezah."

Sabi ni Dia na magka akbay sila ni Aidan. Kinunan niya nang larawan ang mga ito.

" Ang hilig mo din kumuha nang picture. Kaya isinama din kita dito."

Sabi pa ni Dia na yumakap kay Aidan, na humalik naman si Aidan sa pisngi nito.

" Kahit sa isla official photographer nila ako."

Sabi niya at sinilip ang mga kuha niya.

" I wonder what they said about me."

Sabi ni Dia at malambing na yumakap kay Aidan.

" They curse you. Almost everyday."

Natatawa niyang sabi, at sabay na natawa ang mag asawa.

" I'm really greatful for what they did actually."

Sabi nito at matamis na ngumiti kay Aidan.

" Don't remind me Dia. You want to be punished again?"

Tanong nito pero hindi niya maintindihan na sa halip na matakot ay humalakhak pa ito.

" Let's go inside, Ezah."

Pagyaya sa kanya ni Stan at nauna nang pumasok sa cabin house. Sumunod na lang din siya dahil nanatili pa ang mag asawa sa labas nang cabin habang nakatayo sa gilid nang lawa.

" Nice and cozy."

Komento niya sa loob nang cabin house. Ibinaba niya ang kanyang backpack sa makintab na sahig na gawa sa kahoy.

" Wow."

Reaksiyon ni Dia na bagong pasok. Ginala nito ang paningin sa loob nang cabin.

" Dalawa lang ang room dito. Isa sa itaas at isa sa ibaba."

Sabi ni Aidan at naupo sa settee na nanduon.

" That's okay as long as the other room is mine."

Sabi niya at sumulyap kay Stan na nasa kitchen na binubuksan ang fridge.

" He can manage."

Sabi ni Aidan at matapos sumulyap sa asawa ay magkahawak kamay na umakyat papunta sa ikalawang palapag kung saan nandun ang isang kwarto.

Kaya pumasok na din siya sa kwarto na nasa ibaba. Bago pa maisipan ni Stan na pumasok doon at sa sala siya matulog.

Agad siyang humiga sa kama na nakita dahil kay Stan siya sumabay hindi niya magawang pumikit sa byahe nila.

Balak niyang umidlip muna pero binulabog siya nang katok sa pinto. Kaya naka simangot siyang tumayo at binuksan ang pinto.

" Bakit?"

Tanong niya dito, naka simangot pa din siya. Hindi ito sumagot, sa halip pumasok ito sa loob.

" Hey Stan! This is my room!"

Habol niya dito nang ilapag nito ang dalang mountaineering backpack sa gilid nang pang isahang upuan na andon.

" This is our room."

Sabi pa nito at hinubad ang suot na hiking shoes. Hindi siya makapaniwala habang pinapanood ito na parang walang makakapigil  sa ginagawa nito.

" C'mon, Stan. Hindi pwede!"

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now