Chapter 21

3.2K 88 2
                                    

" Naghintay siya sa iyo noon, kaya niyang makakapaghintay ulit sa iyo ngayon."

Iyon na lang ang mga salita na pinanghawakan niya habang naghihintay nang kanyang boarding time papunta sa Spain.Ninais niyang umalis agad nang hindi nagpapaalam kay Stan. Hindi niya kayang marinig o makita ito dahil baka magbago ang isip niya.

" I hope you can wait for me Stan."

Bulong niya sa sarili habang hindi niya mapigilan ang mapaluha. Umalis siya muli nang Pilipinas na laman nang isip at puso si Stan Lee...

" Where's Ezah, Daddy?"

Tanong niya sa mga magulang na nasa sala. Pagdating niya galing sa opisina, agad siyang nagtuloy sa silid nito pero hindi niya nakita si Ezah.

Nagkatinginan muna ang kanyang mga magulang bago sumagot.

" Sinundo nang parents niya kanina, and by now maybe she's already on the plane going to Barcelona."

Ang kanyang ina ang sumagot at tumayo upang lapitan siya.

" What?!"

Hindi makapaniwala niyang sabi, parang tumigil ang pag ikot nang mundo sa narinig niya.

" I'm sorry, Stan. But she has no choice, at pati ikaw kundi maghintay sa kanya."

Sabi nang kanyang ama at lumapit din sa kanya at tinapik siya sa balikat. Nanghihina siyang napaupo sa sofa.

"Maghihintay akong muli? Hanggang kailan?"

Parang wala sa sarili niyang tanong? Nasanay na siya sa dalaga, hindi pala. Sanay na siya sa presensiya nang kanyang asawa.

" Bakit ninyo pinayagan na umalis siya, Dad? Alam mo ang nararamdaman ko para sa kanya."

Malungkot niyang sabi sa kanyang ama.Hindi niya napigilan ang pag kuyom nang mga kamao. Nasasaktan siya!

" Ganun din naman si Ezah, pero isinantabi niya ang nararamdaman niya para sa kanyang lola, Stan. Bear with her. Kasi hindi din siya magiging masaya sa tabi mo kung alam niyang namatay sa sama nang loob sa kanya ang kanyang lola."

Sagot nang ama na nakapag patahimik sa kanya. At walang salita na namutawi sa kanyang bibig at malungkot na umakyat sa kanyang silid. Dumiretso siya sa adjacent door at pumasok sa silid na nag sisilbing kanyang studio.

Malungkot niyang tiningnan ang mga portrait na ginuguhit niya para kay Ezah.

" Bakit hindi ka nag paalam? Bakit hindi mo man lang ako kinausap bago ka umalis, ha?"

Tanong niya sa portrait nito na nakangiti, larawan niya iyon sa bukal na pag may aari ni Sebastian. Pero kung paanong hindi ito sasagot ganun din siya, hindi niya alam ang sagot sa kanyang tanong.

Napaupo na lang siya sa sofa at tumingin sa kisame nang silid na iyon. Hahayaan na lang ba niyang umalis si Csezah? Dinukot niya ang cellphone sa bulsa nang kanyang pantalon. Hinanap sa phone contact si Finn.

Matapos ang ilang minuto na pag ring saka lang ito sumagot.

" Yes, Stan?"

Bungad nito sa kanyang tawag.

" Where's Ezah?"

" Already in the plane going to Barcelona."

Napakuyom ang kanyang kamao sa narinig.Nagtangis ang kanyang mga bagang.

" Why?"

Kailangan niya nang sagot bakit hindi man lang ito nakapag paliban na umalis.

" Grandma is in critical condition, Stan."

Nahimigan niya ang lungkot nito, at pag buntong hininga nito.

"I will book a flight also soon."

Dugtong nito.

" I know it's family matter Stan. But can I go with you? Csezah left without saying anything. May kailangan lang akong linawin."

Hiling niya, walang laman ang kayang isip kundi makausap si Csezah. Kung gusto nitong mag hintay siya, sabihin nito sa kanya nang deritso.

" Okay,I'll send you the ticket later."

Boses sa kabilang linya na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

" Thank you, Finn."

Nagpawala muna ito nang buntong hininga bago muling nagsalita.

" I hope you understand,it's not easy for Ezah."

" I know."

Sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Tumayo siya muli at tumapat sa isang portrait ni Csezah at pinagmasdan. She has the most enchanting smile. That was before she went to Barcelona,mga ngiti na kahit wala kang balak ngumiti ay mapapangiti ka na lang.

Nagpawala siya nang buntong hininga at lumabas nang kanyang studio. Pagbaba niya nang hagdan ay agad na nabaling sa kanya ang tingin nang kanyang ama at si Nathan na nasa bar.

" Stan, how are you?"

Tanong ni Nathan sa kanya na sa pagkakataon na ito alam niyang sinsero ang pag aalala sa kanya.

" Dad, I want to take leave for one week. Pupunta ako sa Barcelona kasama si Finn."

Paalam niya sa ama at tumabi siya sa mga ito. Inabutan siya ni Nathan nang baso na may laman na brandy.

" But Stan, she has reason bakit hindi siya nag paalam sa iyo."

Sabi nang ama na halata na naaawa sa kanya.

" And i want to know that reason, Dad. Sabihin niya sa akin kung maghihintay ako sa kanya at gagawin ko. Hindi iyong baka maghintay ako sa wala! I'm about to lose my mind."

Nagka tinginan ang kanyang ama at si Nathan.

" Is that what you want?"

Tanong nang kanyang ama na tinanguan niya.

"Yes, dad. And i will tell her she's my wife kaya hindi siya pwede magpakasal kahit na kanino."

" If that's what you want Stan."

Pagsuko nang ama at tinapik siya sa balikat.

" Leave the company to me, kahit ilang araw mo pa gusto."

"Thank you, Dad."

Pasalamat niya sa ama. Muli siyang sinalinan ni Nathan nang brandy at sinamahan siyang mag inom.

" You love her, ha?"

Tanong nito na hindi niya sinagot. Tumango tango lang ito bago muling nagsalita.

" Stan, I didn't know she's the reason why you're always grumpy."

Nagpawala siya nang buntung hininga, uminom nang alak bago nagsalita.

" She's wondering kung naging girlfriend ko ba siya noon, she will not be in this situation?Iyon din ang gumugulo sa isip ko, Nathan."

" Mabuti pa nga na puntahan mo siya at makipag usap. Para hindi na maulit ang mga what if's ninyo. Gawin ninyo ang dapat ninyong gawin at sabihin ninyo ang dapat ninyo sabihin. Para wala kayong maramdaman na pagsisisi."

" But I'm scared also, she can't choose me. Nararamdaman kong mahal niya ako. Pero sabi nga niya wala siya sa sitwasyon na magmahal sa taong hindi naman magiging kanya."

Bumalot ang sakit sa kanyang mga mata, at pait sa kanyang tinig. Ang alak ay hindi nakatulong upang mapawi ang sakit na kanyang nadarama.

" She's yours, Stan. Mag asawa kayo at sapat na dahilan na iyon para manatili kay Ezah. Understand her and have faith."

Natahimik siya at naniwala sa kapatid. Tiwala lang, he can have Ezah again in his arms.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now