Chapter 8

3.7K 110 13
                                    

" Welcome to our baranggay, Mayor."

Hindi niya inaasahan ang magarbong pagsalubong sa kanila sa baranggay na kanilang pinuntahan.

" It's my pleasure."

Magalang na bati Nathan, at kahit siya ay humanga sa maayos na trato nang binata sa mga tao.

" Siya na po ba ang magiging Mayora?"

Tanong nang isang babae na naduon na may edad na, na tinawanan lang ni, Nathan. Masuyo siyang sinulyapan at inalalayan sa paglalakad.

" Mayor, doon tayo tumuloy sa bahay ni kapitan."

Sabi nang sumundo sa kanila. Merong kasama na bodyguard si Nathan, na naka alalay sa kanila.

" Sure."

Magiliw na bati ni Nathan na bilib siya sa hindi nagbabago nitong aura.

Ilang metro lang ang layo nang nilakad nila at tumapat siya sa gate nang isang two storey na bahay.

" Andito na si Mayor Saavedra."

Anunsyo nang kasama nila at may sumalubong sa kanila at iniskortan sila hanggang makapasok sila sa loob nang bahay.

" Pasok po Mayor."

Magalang na salubong sa kanila sa loob nang bahay.

" Pasensya na po, Mayor sa maliit namin na tahanan.Salamat at napaunlakan ninyo ang aming paanyaya."

Agad na sabi nang marahil ay kapitan.

" Walang problema, kung maari lang po ay lahat nang baranggay na sakop nang ating bayan ay aking mabisita. Ayaw ko naman po na sabihin na sa kampanya lang ako bumibisita sa mga malayong baranggay."

Sabi ni Nathan na magalang pang inabot ang palad nang ginang.

" Darating na ang aking anak, medyo abala lang siya sa plaza."

Sabi nito, noon naman may pumasok na superbike. Dahil sa ingay niyon lahat napatingin sa bagong dating.

" Andiyan na si Kapitana."

Narinig niyang sabi nang ilang tao sa paligid. Matapos na ihinto nito ang superbike nito at bumaba saka nito hinubad ang suot na helmet. She's boyish, kahit ang pixie hair cut nito. Bumagay sa maliit nitong mukha, at sa seryoso nitong aura. She reminds her of Alice in the twilight saga, kahit sa pagdadamit nitong pants T-shirt at leather jacket.

" She's young."

Hindi niya napigilan na komento, marahil ka edad lang niya ito.

" Kapitana, dumating na si Mayor."

Salubong din sa babae na bagong dumating. Tumango lang ito at pumasok nang bahay.

" Salamat mayor at nagpaunlak kayo."

Seryoso nitong sabi at inilahad ang mga kamay.

" It's my pleasure, Kapitana."

Seryoso na sagot ni Nathan na matiim na nakatingin sa mukha nito. Agad naman nitong hinila ang mga palad at bumaling sa mga nandun.

" Nakahanda na ba ang pagkain? Pakainin na sila at magsisimula na ang programa sa plaza."

Sabi nito at nauna na itong pumasok sa dining area, upang tinggnan ang mga pagkain.

" Maupo kayo, ang lahat nang handa ay galing sa mga tao. They're excited to see you, mayor."

" Saluhan mo na lang sila, anak."

Sabi naman nang babaeng sumalubong sa kanila na akala niya ito ang kapitan kanina.
Kaya wala itong nagawa kundi maupo din sa hapag.

Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata.

"You too young to be the captain."

Sabi niya na nakangiti.

" After my father died he became captain of this baranggay for three terms. People requested me to run, hindi mo naman mahindian ang hiling nang mga ka baranggay ko."

Sabi nito na ngumiti, at lumabas ang pantay pantay at maputi nitong ngipin.

"You not scared?"

Tanong niya na magalang na tinanggap ang inihain sa kanilang pagkain.

" Kung wala kang ginagawa na masama bakit ka matatakot? Di ba Mayor?"

Sabi nito na bumaling kay Nathan na hindi inaalis ang tingin sa dalaga.

" Yes, of course, pero kailangan pa din mag ingat dahil sa kalaban sa pulitika."

Muling bumaling nang tingin ang batang kapitana sa kanya.

" Ngayon lang nakita ang minamahal na mayor nang bayan na magsama nang babae sa publiko. I hope you don't mind, are we expecting a mayoress?"

Tanong nito sa kanya pero ang tingin ay nasa kay Nathan.

" I'm a family friend. At bisita nila ako sa kanilang bahay."

Tumango tango ito at nagpatuloy na sila sa pagkain. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Nathan na naging pormal ang pakikitungo sa lahat.

Matapos kumain ay nagyaya na ang kapitan na pumunta nang plaza, kung saan may gaganapin na singing contest at magsilbing hurado si Nathan.

" Bago magsimula ang ating patimpalak hihingan muna natin nang kaunting pananalita ang ating kapitan. Hindi lahat nang maganda nasa TV minsan nasa Baranggay Maulawin katulad ni Kapitan Lia."

Sigawan at palakpakan ang mga tao nang tumayo ang batang kapitana na malaki ang ngiti sa labi.

" Ayos! Baka maniwala ang ating panauhin."

Nakatawa nitong simula at tumingin sa kanilang pwesto. Ngumiti naman si Nathan at tumaas ang mga palad na animo ay kumaway sa mga manonood.

" Una sa lahat ay maraming salamat sa mainit na pagtanggap ninyo sa patimpalak na ito. Ganundin kay Mayor na nag paunlak upang maging bahagi nang ating kasiyahan. Palakpakan natin si Mayor."

Sabi nito na sumunod ang mga tao.

" Syempre, nandito si Mayor hindi lang upang maging hurado. Andito din siya para bigyan tayo nang kaunting pananalita."

At bumaling ito kay Nathan na agad naman na tumayo.

" Thank you, Miss Captain. Hindi ko inaasahan na batang bata pala ang kapitan nang Brgy. Maulawin. At tama ang taga pag pakilala isa nga siyang maganda na pwedeng pang artista."

Umani nang palakpakan ang sinabi ni Nathan at napapangiti na lang siya.Naisip niya na sana may pumasok din sa pulitika sa pamilya nila. Gusto niyang makapanood nang ganito.

" Wag kayong magtaka kung makikita ninyo ako lagi sa baranggay ninyo"

Malaki ang ngiti na sabi ni Nathan, bago mag tapos ang pag sasalita nito.

Bumalik ito sa upuan na may kakaibang kislap nang mga mata. Ang batang kapitana naman umiwas nang tingin.

Hanggang magsimula na ang singing contest. At talaga naman na nag enjoy siya. Tama ang sinabi ng binata na masisiyahan siya. Idagdag pa ang pag sulyap ni Mayor kay Kapitana.

" Ang susunod na kakanta ay hindi kalahok. Pero pinagmamalaki nang ating baranggay."

Sa gitna nang patimpalak ay anunsyo nang host. Agad na nag sigawan ang mga manonood.

" Kapitana! Kapitana!Kapitana!"

" Naku, talaga naman!"

Natatawang sabi ni Kapitan Lia. Lumingon si Nathan sa kapitan na katabi nito sa upuan.

Natatawa na lang na tumayo si Lia at nagtungo sa stage.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now