Chapter 22

3.1K 89 3
                                    

" It's already late, Stan. Nasa villa si Ezah. Bukas na lang tayo pumunta doon."

Bakas sa mukha ni Finn ang pagod sa kanilang mahabang byahe kaya hindi na siya nagpilit na makita agad si Ezah.

" It's okay Finn."

Sabi niya at agad na sumunod sa kasambahay nang mga ito na tinawag ni Finn upang dalhin siya sa guest room.

Alam niya na mayaman ang angkan nang pamilya nang ama ni Ezah at hindi niya alam na ganito pala ang mga ito kayaman. Bawat parte nang bahay ay nag papatunay nang karangyaan.

" Thank you."

Sabi niya sa nag hatid sa kanya sa kanyang silid. Matapos ibaba ang kanyang bag ay pumasok siya sa isang silid at nag shower. Kahit gaano kapagod hindi agad siya nakatulog. Ginugulo siya nang alalahanin para sa kanila ni Ezah.

Kung siya ang masusunod isasama niyang iuwi ang asawa. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Wala pa nga itong alam na mag asawa silang dalawa.

Matapos ang ilang sandali na pag iisip, nahiga na siya sa kama at pinilit ang sarili na matulog. Dahil sa pag tulog lang nawawala ang madami niyang alalahanin.

" Did you sleep well?"

Baling ni Finn sa kanya nakasuot siya nang maitim na sunglasses. Naka sakay na sila sa sasakyan nito papunta sa Vineyard Villa nang mga ito.

" No."

Matapat niyang sabi, pumalatak lang si Finn sa kanya.

" Well, I hope after this you will have a goodnight sleep."

Sabi nito , pero hindi siya nag salita. Pero iyon ang kanyang inaasam. Pinagsawa niya lang ang sarili sa pagtingin sa labas nang sasakyan. At hindi niya alam kung gaano na sila kahaba nag byahe nang pumasok sila sa isang pribadong daan.

" Must be it?"

Tanong niya kay Finn, dahil natatanaw niya ang malawak na vineyard.

" Yeah, you can see the vineyard but the winery is on the other side."

Ani Finn at tumango na lang siya. Ang kanilang pamilya ay sa ibang larangan kilala. Kaya humahanga siya sa kanyang nakikita.

" So,Ezah spent her years in here?"

" Yeah! And might be her whole life if she will marry Gabriel."

Agad na dumilim ang kanyang anyo sa narinig.

" Kasal na sa akin si Ezah. I don't think that's possible."

Hindi niya napigilan na sabi, bigla naman preno si Finn sa kayang sinabi.

" What?"

" Inalok niya nang kasal si Nathan para hindi siya maipakasal nang lola ninyo. But Nathan used my name instead, so legally she's my wife."

Pagbibigay niya nang buod sa ugnayan niya sa kapatid nito. Hindi nakapagsalita si Finn, at parang hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya.

" Pero ang alam niya si Nathan ang asawa niya. And I leave it that way."

"Oh!"

Iyon lang ang nasabi ni Finn, still in shocked.

" I don't know what to say, Stan. All i know Ezah adores you, since her teenage days."

Maya maya ay sabi nito at muli nitong pinatakbo ang sasakyan hanggang matanaw niya ang malaking villa.

" Mahal ko si Ezah iyon ang totoo, Finn."

Tumango tango si Finn at bahagya siyang nilingon.

" You can prove your love to her soon, Stan. At hindi mo na kailangan na sabihin sa akin, maniniwala ako how much you love her. At kahit hindi mo sabihan si Ezah na asawa mo siya. Sana maramdaman niya she can depend on you, she can count on you."

Mahabang sabi ni Finn na wala siyang nasabi nang huminto ang sasakyan.

" Where here."

Tipid siyang nginitian ni Stan. At bumaba na ito nang sasakyan. Sumunod siya dito, pareho nilang kinuha ang kanilang gamit sa trunk nang sasakyan at pumasok na sila sa loob.

" Beinvenido, Senyorito."

Agad na bati sa kanila pagpasok nila sa loob nang villa. Ginala niya ang paningin pero wala si Ezah kahit ang boses nito hindi niya marinig.

"Donde esta la abuela y Ezah?"
( Where is grandma and Ezah?)

"Upstairs, Senyorito."

Nakangiti na sabi nang mayordoma na biglang sumulpot sa kanilang gilid.

" Thank you, Loutes. Nice to see you again."

Pasalamat ni Finn at umakyat na sa grand staircase at sumunod siya. Hindi niya inaasahan ang eksena nang pumasok sila. Umiiyak si Ezah, habang nakahawak sa kamay nang lola nito na nakahiga sa kama.

" Ayaw mo naman siguro ako mamatay sa sama nang loob?"

Umiling si Ezah habang umiiyak.

" Muy bien! We will held the wedding as soon as possible."

Kababakasan nang kaligayahan ang tinig nang lola ni Ezah.Tumayo si Ezah.

" I will go out for a while."

Paalam nito na hilam nang luha ang mga mata. Kaya hindi siya nito napansin na sadya niyang iniharang ang sarili sa dadaanan nito.

" Ouch!"

Reklamo nito nang bumangga sa kanyang dibdib.  Tumingala ito sa kanya at hindi makapaniwala. Nakaawang lang ang mga labi nito.

" Take her outside, Stan."

Utos ni Finn at ito naman ang pumasok sa loob nang silid. Mataktika na sinara nito ang pinto.

" Stan? Ikaw ba yan? I'm not dreaming Am i?"

Matapos sumara ang pinto ay saka lang nagsalita si Ezah.

" Yeah, we need to talk Ezah."

Hinawakan niya sa palad si Ezah at bumaba sila nang hagdan. Paglabas niya nang villa, natanaw niya ang gazebo na nasa man made pond. Kaya doon niya dinala si Ezah na nagpapatangay lang sa kanya.

Para itong namatanda na nakatingin sa kanya, kaya nilapitan niya ito at hinalikan sa mga labi.
Agad naman itong tumugon, sa kanyang halik.
Naghiwalay lang sila nang halos maubusan na sila nang hininga. Niyakap niya ito nang mahigpit.

" Bakit basta ka na lang umalis?"

Akusa niya dito pero hindi kababakasan nang galit. Nakikita niya kung gaano nahihirapan ito sa sitwasyon.

" I'm scared, I can't leave you.Bakit ka pa pumunta dito?"

Ganti nitong tanong at bahagyang lumayo sa kanya.

" Ayaw kong mawala ka sa buhay ko, Ezah. Mahal kita."

Tumulo ang luha nito sa kanyang sinabi.

" Mahal din kita Stan. Pero hindi ako ma swerteng babae na pwedeng makasama ka. Kahit pa gaano kita kamahal."

Walang patid ang pagtulo nang mga luha nito.Lumapit siya dito at yinakap ito nang mahigpit.

" Hindi ako ang pipiliin mo?"

Malungkot niyang tanong.

" Gusto kitang piliin Stan.Pero paano tayo? Paano ako pag pinili kita? I can't stand the pain of losing grandma because of me? O kamuhian niya ako? Natatakot akong baka hindi din ako maging masaya kasama ka!"

Nararamdaman niya ang sakit sa bawat kataga na binitiwan nito at walang siyang nagawa kundi ang yakapin ito nang mahigpit.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon