Chapter 27

3.2K 83 0
                                    

Mabigat ang loob na sumakay si Stan nang eroplano pabalik nang Pilipinas. Alam niya oras na lang ang hinihintay at kasal na ni Ezah.

Panghahawakan niya ang pangako nito na babalik sa kanya. Pag dumating ang araw na iyon, magpapakasal silang muli. Iyong may selebrasyon at mga saksi.

Pag upo niya sa loob nang eroplano, agad niyang ipinikit ang mga mata. Ang masayang alala nila ni Ezah ang pilit na ipinapasok. At ang mga plano niya pag mag asawa na sila nang tuluyan.

Matapos ang mahabang byahe, nakarating din siya sa kanilang mansion. At nagtataka siya at nandito si Dia at asawa nitong si Aidan.

" What's up, Stan?"

Salubong ni Nathan sa kaniya na hindi din niya alam kung bakit maaga itong umuwi o hindi pa ito pumapasok sa munisipyo.

" What?"

Kunot noo niyang tanong sa mga ito na nakamasid sa kanya.

" Anong nangyari?"

Kanyang ama ang nagtanong, kaya wala siyang nagawa kundi ang sagutin ito. Kahit ang gusto niyang gawin ay tumuloy sa kanyang silid.

Nahahapo siyang naupo sa mahabang sofa.

" As expected, Dad."

Malungkot niyang sabi at sapat na iyon upang tumahimik ang mga ito at magka tinginan.

" Magiging dalawa ang asawa niya?"

Tanong ni Dia at agad siyang tumayo. Hindi siya tumitingin sa mga ito nang magsalita.

" Ako lang ang asawa niya sa totoong salita niyon!"

Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya sa mga ito pero narinig niya ang mga sinabi nang mga ito.

" Goodluck sa TV network employee."

Sabi ni Dia.

" Give him more months of vacation dad."

Boses naman ni Nathan na hindi niya pinansin at nagmamadali na siyang umakyat sa kanyang silid. Mabuti na lang wala ang kanyang ina, hindi niya magawang umalis nang sala kung nandoon din ito.

Hindi nga siya pinayagan nang kanyang ama na bumalik sa opisina.

" Ano naman ang gagawin ko Dad?"

Kunot niyang tanong nang tanggihan nito ang plano niyang mag report na sa opisina.

" Kilala kita, Stan Lee. Baka kung saan na naman pulutin ang mga empleyado mo."

" Tsk!"

Alam niya na hindi na niya mababago pa ang desisyon nang kanyang ama.

" Have a vacation. Doon ka muna sa floating rest house mo sa isla."

" Dad, I'm good. Okay lang ako, and i need to work. Para hindi ko mapansin ang mga araw."

Tinitigan siya nang kanyang ama nang ilang sandali at saka nagpawala ang buntong hininga.

" Is that what you want?"

Tanong nito at tumango siya.

" If your ready to talk about it, nandito lang ako. Kami nang mommy mo."

Sabi pa nito na pilit na hinuhuli ang kanyang mga mata pero umiwas siya at muli na lang tumango.

Hindi siya napigilan nang mga magulang na muling pumasok sa opisina. At upang makalimutan si Ezah ay inabala niya ang sarili.

" Vanessa, come inside!"

Tawag niya sa secretary niya pagtapat niya sa desk nito. Agad naman itong sumunod sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang leather briefcase sa ibabaw nang table at naupo sa swivel chair.

Alanganin ang kanyang secretary na nakatayo sa harap niya.

" Anong nangyari sa bagong talent na sinabi ko sa iyo na alukin mo nang tv appearance sa morning show?"

Bungad niyang tanong sa kanyang executive secretary na agad napahawak sa mga bibig. At alam na niya ang gesture na iyon. Saglit siyang pumikit upang pakalamahin ang sarili.

" Sir, unfortunately po. Hindi po pwede si Miss Lia, meron pong isang linggo na seminar ang mga baranggay captain sa Baguio."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

" Anong kaugnayan ni Miss Lia sa mga kapitan nang baranggay?"

" She's a baranggay captain, sir. Under the municipality of Mayor Nathan, sir."

" Give me the location of the seminar."

Utos niya na mabilis naman na lumabas nang kanyang opisina ang kanyang sekretarya. Matapos ang ilang saglit bumalik ito at ipinatong ang papel kung saan naka sulat ang lugar kung saan ginaganap ang seminar.

" I will try to contact her again sir."

Sabi nito pero sinansala na lang niya.

" No need, i will go and convince her myself. Bago pa makuha siya nang ibang istasyon."

Tumikom ang bibig nang kanyang secretary. Kailangan din niya sigurong mag out of town, sa mga nagdaan na mga gabi mas lumalala ang pangungulila niya kay Ezah.

" And I will go alone."

Dagdag niya.

" Okay po sir."

Sabi nito at umatras na para magtungo sa pinto. Dinampot naman niya ang papel at binasa ang nakasulat na address.

Agad siyang napakunot ang noo nang hindi niya inaasahan na makita si Nathan na nasa labas nang hotel habang nakasuot nang maitim na sunglasses at naka sandal sa hood nang kotse nito.

Balak sana niyang  lapitan nang bigla itong maglakad palapit sa dalaga na pakay niya dito sa Baguio. Mas na puno siya nang kalituhan nang alalayan itong makasakay sa kotse at umalis ang dalawa sa lugar na iyon.

Kaya hindi siya nag aksaya nang oras na sundan ang mga ito, hanggang makarating sa isang filipino garden cafe.

" Stan?!"

Gulat ang makikita sa mukha ni Nathan na nakatingin sa kanya. Habang nakatayo sa kanilang gilid. Ang akala pa nito waiter ang lumapit sa table nang mga ito.

" Yes. And I'm surprise to see you too."

Aniya at kahit walang imbetasyon ay naupo siya sa tabi nang kapatid. Kaharap nila ang kaniyang pakay na maang din na nakatingin sa kanya.

" Hi."

Matipid niyang sabi dito at bumaling sa kapatid na hindi niya alam kung ano ang nasa loob.

" Lia, this is my brother Stan. And he is married already."

Pakilala ni Nathan na nakapag pataas sa kanyang kilay.

" Hi, Lia. Actually I came here because of you."

Humarap siya dito na nag angat nang mga palad for a handshake na tinanggap niya.

" Pleased to meet you Stan."

Sabi nito na alanganin na ngumiti.

" My pleasure is mine. Can i call you Lia?"

Tanong niya dito na gumanti nang ngiti.Wala sa loob na uminom si Nathan nang tubig.

" Yeah sure ."

" Good! Can we talk privately later?"

Tanong niya pero bumaling ito kay Nathan na agad na sumingit sa kanilang usapan.

" She's busy, Stan. And i have few hours only with her at nang iisturbo ka."

He looked flatly to his annoyed brother, at muling bumaling kay Lia.

" I have a good offer for you?"

Deritso niyang sabi.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now