Chapter 19

3.2K 81 3
                                    

" Totoo ba ang sinabi niya, Mom? Na ampon lang ako?"

Halos tumigil ang tibok nang kanyang puso nang sabihin iyon. Pareho naman na naka awang ang mga bibig nang mga magulang at parehong tumingin kay Nathan at sabay na sumigaw.

" Nathan!"

" You should see your face, Stan!"

Tumatawa nitong sabi at hinahampas pa nito ang hita habang tumatawa dahil bahagya itong napayukod habang humahalakhak.

" Sumusobra ang pambu bully mo sa kapatid mo Nathan."

Sita nang kanilang ama, kaya bumaling siya sa mga magulang.

" So, hindi ako ampon?"

Pagkumpirma niya.

" Hindi!Kung diskumpyado ka let's have DNA test."

Sabi pa nang kanyang ama. Kaya bumaling siya kay Nathan na hindi pa din matigil sa katatawa.

" I just ruin your beautiful morning bro."

Pero sinugod na niya ito na mabilis naman na nakatakbo. Maririnig na lang ang kanilang sigawan habang hinahabol niya ang kapatid.

" Ezah, come join us."

Napahinto siya sa pagpasok sa dining area nang marinig ang boses ni Tita Natasha na pa palabas na sana sa pool area.

" Okay po Tita."

Alanganin niyang sagot na sumunod na din dito. Sa pool side naka gayak ang agahan, at agad siyang nakadama nang gutom dahil sa nakahain. Stan almost did not let her sleep dahil wala itong pasok kinabukasan.

" Nasaan na kaya iyon?"

Tanong niya sa sarili dahil ang mag asawa na Saavedra lang nag nakita niya. Alam niya na nandito din si Nathan dahil narinig niya ang boses nito sa labas nang kanyang silid.

" Kumusta naman ang paglabas ninyo nina Dia last time?"

Tanong sa kanya ni Tita Natasha nang nagsisimula na siyang kumain.

" Okay naman Tita. The place is beautiful, at nag enjoy kami. It's indeed a secret haven for Sebastian."

Aniya, patungkol sa lugar na pag aari ni Sebastian.Tumango tango ang mga ito.

"Your father called me and asked about you."

Tumikhim pa si Tito Shaun nang sabihin iyon. Agad niyang na ibaba ang kubyertos nang marinig iyon. Hindi siya nakapag salita.

" I think it's time to face them?"

Sa mababang boses ay sabi ni Tita Natasha. At wala siyang nagawa kundi tumango.

" You can't have a stable relationship, kung tataguan mo ang parents mo. Or iiwasan mo ang lola mo. Face them, Ezah. Hindi ka naman pababayaan ni Stan Lee. He adores you so much. Siguro alam mo na iyan by now."

Muli siyang tumango sa sinabi ni Tito Shaun. Tama naman ang mga ito.

" Malapit na silang bumalik according to your father. Para matapos na din ang problema mo Ezah. And start a new life with Stan kung iyon ang nais mo."

Dugtong pa ni Tito Shaun.Hindi siya nakapag salita dahil hindi niya alam ang relasyon nila ni Stan. Ang alam niya asawa niya si Nathan at si Stan ang katabi niya sa kama. Marahil kailangan na nga niyang umuwi, baka magdala lang siya nang eskandalo sa inaalagaan na pangalan nang mga Saavedra.

Ang anuman nilang pag uusap at naputol sa malakas na boses ni Stan. Magkasunod itong pumasok at si Nathan.

" I don't deserve what you did, Nathan!"

" Hey!"

Sigaw ni Tito Shaun sa dalawa at lumapit naman ang mga ito.

" Kung kailan kayo tumanda saka naman kayo nagkakaganyan?"

Sabi ni Tita Natasha. Naupo naman si Nathan at sumunod din si Stan.

" Mom, natuwa lang ako at hindi na laging mainit ang ulo ni Stan. I'm not going to missed his reaction for the rest of my life."

Natatawa nitong sabi at nagsalin nang juice sa baso.

" Me araw ka din sa akin Nathan. I will mess your lovelife someday."

Banta ni Stan, pero tinawanan lang ito ni Nathan.

" I'm not giving you a chance, Stan."

Nagtinginan ang magkapatid na parang naghahamunan.

" Tigilan na ninyo iyan."

Sansala ni Tito Shaun. Tumigil naman ang dalawa.

"I received a call from Sib. Babalik na sila this weekend. Since kayong dalawa ay involved.Anong plano ninyo?"

Tanong ni Tito Shaun, nagka tinginan muna ang dalawa bago sumagot si Nathan.

" Stan will handle everything."

Sabi ni Nathan, tinapik sa balikat ang kapatid at tumayo na. Naiwan sila doon at lahat sila naghihintay nang sasabihin ni Stan Lee.

" Sasamahan ko si Ezah, humarap sa pamilya niya."

" Mas mabuti Stan."

At makahulugan na tumingin si Tito Shaun kay Stan na tumango naman ito sa ama.

" Don't worry, Ezah. You will get through this."

Baling nito sa kanya na hinawakan pa siya sa kamay. Ngumiti siya dito kahit puno nang pangamba ang kanyang puso.Stan doesn't know how her grandma tortured her thoughts.
Ang last na encounter nito sa kanya ay sapat na para mag alala siya nang labis...

" Lo Seinto, grandma. Asked me anything, but not to marry Gabriel."

Agad siyang tumayo sa visitor chair nang library nang kanyang lola kung saan siya ipinatawag nito.

" Qué te disgusta de Gabriel? He came from an influential family? He is educated, good looking and he likes you Csezah."

Pag isa isa nito sa mga katangian ni Gabriel.

" Babaero at mayabang."

Bulong niya, na sinamaan siya nang tingin nang kanyang lola.

" I don't like him, grandma."

Sabi niya na naka simangot.

" Why are you against it, huh? You know your parents is arranged and look at them, Csezah. Still together, never tried  of each other."

Pagbibigay halimbawa nito sa kaniyang mga magulang. Pero in love ang kanyang papa sa kanyang mama sa nakakabaliw na paraan.

" But grandma, I don't like Gabriel at all! Saka ang bata ko pa, ayaw ko pang mag asawa."

Pagdadahilan pa niya at tumayo na.

" Csezah! Csezah!"

Tawag nito sa kanya pero hindi niya pinansin. Hanggang makarinig siya nang malakas na kalabog sa sahig.

" Oh my God! Help! Help! Grandma!"

Sigaw niya kaya nagmamadali na pumasok ang butler nang kanyang lola. Hindi niya napigilan na mapaluha nang buhatin ang lola niya na walang malay.

At ang eksena na iyon ang ayaw na niya sanang maulit. Pero paano kung hindi nito tanggapin ang dahilan niya? Sapat na ba na ang pangarap niyang maging una si Stan ay natupad na? She will not asked for anything more, she will stop dreaming of being with Stan through thick and thin.

*******
JeanbeMendezFuertes Thank you so much.💕

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon