Chapter 29

3.5K 86 6
                                    

" How is your husband treating you?"

Tanong ni Stan sa kanya na nakapag paglingon sa kanya dito. Nasa studio siya nito at abala siya sa pagtingin sa mga pencil drawing nito.

Nasa bulsa nang pantalon ang mga kamay nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto na siya nitong tinitingnan.

Hindi niya napigilan na mapangiti sa hitsura nito, madilim ang mukha at nakasimangot.

" Good! Wala akong mairereklamo."

Sabi niya na lalong nakapagpadilim nang mukha ni Stan.Nagpawala pa ito nang mahinang ungol sa sobrang inis.

Lumapit siya kay Stan at pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito.

" Stop torturing me, Ezah. Gusto mo sumira ako sa usapan natin? Don't hurt me more."

Sabi nito at bumaba ang ulo nito sa kanyang mga balikat. Saka niyakap siya nang mahigpit.

" I'm sorry, Stan. Nagtatanong ka kaya sinasagot kita."

" Tinatanong kita dahil umaasa  ako na ang isasagot mo sa akin ay pabor sa nararamdaman ko. Not the other way around, na parang nahuhulog ka sa hilaw mong asawa."

Natawa siya sa sentiment nito.

" Why not go on vacation with me?"

Suhestiyon niya dito kaya nag angat ito nang mukha pero hindi pa din inaalis ang mga braso nito na nakayakap sa kanya.

" You have no idea how much I wanted to spend time with you Ezah."

" So, It's settled then."

Nakangiti niyang sabi at humiwalay dito muling siyang bumalik sa mga painting na nasa wall.Sumunod si Stan sa kanya at inakbayan siya.

"Ilalagay natin lahat nang ito sa wall nang ating bahay."

Agad siyang napangiti sa sinabi nito,kinikilig siya pero pilit niya itinatago.

" Hmm, at kelan naman iyon ha?"

" Kelan mo i di divorced ang asawa mo?"

Tanong nito sa kanya. Muling sumilay ang mga ngiti niya sa labi.

" Gusto mo bang i annulled ko ang kasal ko?"

Hinarap niya ito na agad itong tumango.

" Kung maaari lang sana Ezah. Gusto ko nang makasama ka. Gusto ko nang bumuo nang pamilya na kasama ka."

Nagsusumamo ang mga tingin nito sa kanya.

" Sigurado ka bang gusto mong ipa walang bisa ang kasal ko?"

"Yes, I'm hundred percent. Kasi gusto kong pakasalan ka sa simbahan."

Saglit siyang natigilan at tinitigan ito saglit saka siya tumango.

" Okay, kung yan ang gusto mo."

Agad na sinapo ni Stan ang kanyang mukha at hinalikan siya sa mga labi.

" God! You have no idea how happy I am Ezah."

Masaya nitong sabi at niyakap siya nang mahigpit. Iniangat pa siya nito at iniikot.

" Stan, nahihilo ako!"

Reklamo niya at natatawa pa din ito na ibinaba siya pero niyakap siya nitong muli.

" Ang saya saya ko, Ezah! "

" I can see it."

Sabi niya dito at agad na lumipad ang isip kung paano ipapawalang bisa ang kasal nila.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now