Chapter 23

3.1K 102 1
                                    

" Darating ba ang panahon na makakalaya ka sa kanya? Maghihintay ako kahit gaano katagal?"

Ramdam niya ang bigat asa bawat salita ni Stan, ganun din sa paraan nang panghinga nito.

" Pinaninindigan mo maging other man ko?"

Kumibot lang ang labi ni Stan at tiningnan siya nang makahulugan.

" I'm your only man, Ezah. You know what i mean."

Tumango siya dahil wala naman siyang intensyon na magmahal o ibigay ang sarili sa iba maliban kay Stan.

" Kung ganun, maghihintay ako."

Sabi ni Stan at hinawakan siya sa beywang at niyakap.

Hindi nila alam na nakapanood sa kanila si Finn at ang mga magulang ni Ezah.

"It's pity we can't do anything about them."

Malungkot na sabi ni Ysa habang nakatingin sa anak na umiiyak. Nasa veranda sila nang masters bedroom, kung saan nakaratay ang Donya.

" Talk to Gabriel, Finn. Make him understand, na ginagawa lang natin ang lahat dahil sa kagustuhan ni Mama."

" I will try, Papa."

Sabi ni Finn at tumalikod na pumasok ito sa loob nang kwarto at umupo sa gilid nang kama.
Agad naman nagmulat nang mga mata ang kanyang lola.

" Lola, bakit si Ezah nahanapan ninyo nang magiging asawa? Ako ba hindi ninyo hahanapan?"

Biro niya sa lola niya na agad na sumimangot sa sinabi niya.

" Matitigas ang ulo ninyong mga lalaki. Like Thiago, look what he did?"

Para itong na high blood nang banggitin ang pangalan nang kapatid na unang tumanggi sa arranged marriage na ginawa nito.

" Because he loves Ella, saka me anak na sila lola. Ako, i'm free. Saka hindi matigas ang ulo ko. Basta ba maganda ang ibibigay mo sa aking magiging asawa ko."

Binuntutan ni Finn nang tawa ang sinabi, kaya kinunutan siya nang noo nang kanyang lola.

" And why are you telling me this?"

Muling tumawa lang si Finn.

" Magagalit ka ba kay Ezah kung hindi siya magpakasal kay Gabriel?"

" Bakit anong dahilan?"

Agad na tumaas ang boses nito at sumenyas sa nurse na lumapit. Inalalayan naman itong sumandal sa headboard nang kama. Pumasok na din ang mag asawa na Sib at Ysa at naupo sa mahabang sofa.

" Lola."

" Finn!"

Hinampas pa nito ang palad ni Finn na naka hawak sa mga kamay nito. Tumawa lang si Finn sa inakto nito at hinawakan sa pisngi ang lola nito.

" We love you, lola."

Sa halip sagot ni Finn. Lalo naman sumama ang mukha nito.

" La, ako na lang ang ipakasal mo. Wag na si Ezah, she's in love with someone else."

" Agua for favor."

Hiling nito sa nurse nag aalala naman na lumapit si Sib sa ina at bahagyang inalo.
Matapos uminom nang tubig ay bumaling sa anak nitong si Sib.

" Sabes sobre esto?"
( Alam mo ba ito?)

" Si, mama."

Mahinang sabi ni Sib. Napapikit naman ang ina nito sa pag amin ni Sib.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now