Chapter 13

3.4K 94 1
                                    

" We will go out for a walk, guys. Sasama kayo?"

Tanong ni Dia, matapos nilang kumain. Pero si Stan ang mabilis na sumagot.

" Kayo na lang, mag uusap lang kami ni Ezah."

" Well, lalabas na kami."

Sabi ni Aidan at inakbayan ang asawa at lumabas na nang cabin log house.

" Sino nagsabi makikipag usap ako sa iyo?"

Mataray niyang tanong nang maiwan na silang dalawa.

Pero hinawakan na siya ni Stan at dinala sa balkonahe nang log house.

" Mag uusap tayo sa ayaw mo at sa gusto."

Madiin nitong sabi sa kanya, ito pa ang pilit na nagpaupo sa kanya sa isahang upuan na gawa sa kahoy.

Tiningnan niya nang masama si Stan pero balewala iyon dito. Naupo ito sa kanyang tabi.

" You feel bad for what happened before? Di ba sinabi ko na, you we're still young back then,Ezah?"

Hindi siya nagsalita, humalukipkip lang siya at hindi inaalis ang kanyang simangot.

" Noong bumalik ka, I asked you.At handa akong gawin ang gusto mo. Be a pretend husband or real husband i don't mind."

Sabi nito kaya bumaling na siya dito.

" What's the difference between you and Gabriel then, huh?"

Hindi nakapag salita si Stan sa kanyang sinabi.

" At least if I married Gabriel, grandma will be happy."

" Bakit hindi mo ginawa?"

Tanong ni Stan sa kanya at natilihan siya. Bakit nga ba?

" Dahil ayaw ko pang mag asawa!"

Maya maya sagot niya dito. Pero hindi kumbinsido si Stan sa kanyang sinabi.

" Hindi ba your life will be less complicated kung naging masunurin ka na lang? Or somehow you want to get even with me?"

" What do you mean?"

Tiningnan niya ito at ganun din ang ginawa nito sa kanya. Ang sa binata lang ay nanunuot ang mga tingin nito.

" Tinanggihan mo ang alok ko, kung paanong tinanggihan kita dati. But my intention is for your own good Ezah."

" Tinanggihan kong ikama mo ako kung paanong tinanggihan mo ako noon. But my intention is not to get even Stan! Kasi wala na akong gusto sa iyo. Sinira mo na ang pantasya ko sa iyo!"

Sabi niya at tumayo, lumayo siya dito.Dahil alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

" Ganun ba? Hindi ganun ang nararamdaman ko kapag hinahalikan ka Csezah."

Alam niya inis ito sa kanya dahil sa buo nitong sinabi ang kanyang pangalan. Kahit paano kilala na niya ito.

" Init nang katawan lang iyon!"

Sabi niya pero sumilay ang nakakaloko nitong mga ngiti.

" Let's see, Csezah."

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα