Chapter 25

3.3K 94 2
                                    

" Are you sure you don't want to attend the wedding?"

Sinamaan siya nang tingin ni Stan.

" Thinking about it, gusto ko na mag wala. At gusto mo pa talaga akong mag attend? Stop torturing me Ezah."

Madilim ang mukha ni Stan at gusto niyang matawa sa reaksiyon nito.

" Bahala ka, kung ayaw mo."

Sabi na lang niya at nag umpisa na naman siyang maglakad. Ipinasyal niya si Stan sa kanilang grapefarm. Hindi nagsasalita na sumunod lang ito sa kanya .Hanggang bigla na lang siyang hawakan sa braso, kaya napahinto siya sa paglalakad.Humarap siya dito na nakangiti.

" Nagbago na ba ang isip mo?"

Hindi sumagot si Stan sa halip, kinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito at tinitigan siya sa mga mata.

" Kung magbabago ang isip ko, iyon ay ang isama ka iuwi Ezah."

" I can't, Stan."

" Naiintindihan ko. But please, promise me babalikan mo ako, Ezah."

Nangungusap ang mga mata nito na nakatunghay sa kanya.

" I promised."

" Promised me, no one will touch and kiss you. Maliban sa akin."

Ngumiti siya dito at tumango.

" Mangako ka Ezah, dahil iyon ang panghahawakan ko. Para magkaroon ako nang dahilan para mabuhay sa araw araw."

Gusto sana niyang matawa sa sinabi nito, pero dahil sa seryoso na mukha ni Stan pinigilan niya ang sarili.Alam niya masasaktan ito pag ginawa niyang tumawa. Sa halip pumulupot ang braso niya sa leeg nito at inilapit ang mukha dito.

" I promised, Stan. And you should do the same."

" Promised."

Sabi nito kasabay nang paglapat nang mga labi nito sa kanya, na walang inhibisyon niyang tinugon.

" Gusto kitang makasama pa pero,hindi ko kayang makita kang ikasal ka sa iba. Babalik na ako nang Pilipinas sa araw nang iyong kasal."

Paalam nito habang yakap yakap siya. Kahit gusto niyang sabihin na si Finn ang ikakasal sa darating na linggo ay hindi niya magawa.

" You don't want to wait for Finn? Sabay kayong dumating bakit hindi na lang kayo magsabi may na bumalik?"

Pag kumbinsi niya na manatili pa ito nang ilang araw.

" I can't Ezah! Stop torturing me."

Bahagyang pa itong umungol sa pagka disgusto. Kaya natawa siya nang mahina.

" Fine."

Pagsuko na lang niya at bumalik na sila sa villa.

" Ezah, where have you been? Tulungan mo akong pumili nang bulaklak para sa bouquet."

Salubong nang kanyang ina sa kanya.

" Naglakad lakad lang mama."

Lumapit siya sa ina at tiningnan din ang sinisilip nito sa ipad.

" Iyan na ba ang lahat na available na bouquet?"

Tanong niya, alam niya rush lang ang garden wedding na gaganapin pero they're trying their best para maibigay kay Finn at Arabelle ang maayos na kasal.

" Stan, come here please."

Tawag niya kay Stan na balak na pumasok sa silid nito na inuokapa nito dito sa villa. Lumingon ito sa kanya na hindi maipinta ang mukha.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now