Chapter 30

4.1K 91 2
                                    

" Where's Ezah?"

Narinig niya ang boses ni Stan sa sala, napangiti siya inaasahan na niya ito pero hindi niya akalain napa aga naman pag sugod nito. Akala niya meron itong mahalagang meeting ngayong araw.

Tumayo siya sa harap nang dining area habang nag me merienda.Dinampot niya ang kanyang platito na may laman na fried balut na hindi niya alam pero gustong gusto niya.

" Hey, Stan. Akala ko may outside the country meeting ka?"

Tanong niya dito dahil iyon ang paalam nito kaya ihinatid siya nito sa kanilang ancestral house nila. Nag sasama sila ni Stan sa condo unit nito simula nang bumalik sila.

Awtomatikong bumaba ang tingin nito sa kanyang platito.

" What's that again, Ezah?"

Tanong nito, dahil kung ano ano na kakaiba na pagkain ang pinag didiskitahan niya nang mga nakaraan na araw.

" Balut."

Sabi lang niya at lumapit dito, at nagtuloy siya sa sofa at naupo habang patuloy pa din sa pagkain nang balut.

" Why are you here?"

Baling niya dito kaya parang bigla itong natauhan sa ginagawa nitong pagmamasid sa magana niyang pagkain nang balut.

" I am about to go to Spain to personally take care of your divorce paper. Pero nalaman ko sa contact ko doon na hindi ka naman kinasal sa Spain. You don't have a record there to begin with."

Sabi nito na kunot noo at nakapameywang sa kanya.

" I told you to stay and attend the wedding, sana nalaman mo kung sino ang kinasal nang araw na iyon."

Balewala niyang sabi dito. Ibinaba niya ang platito na wala nang laman sa center table.

" And why i have noticed for annulment of our marriage?"

Salubong ang kilay nito marahil sa pagiging kampante niya.

"You asked for it Stan!"

" Not our marriage,Ezah. Your marriage with Gabriel."

Parang mauubusan na ito nang bait sa sarili na nakikipag usap sa kanya.

" Oh! Kinasal pala tayo?"

Nakataas ang kilay na sinabi niya.

" We did, Ezah. Asawa kita at hindi si Nathan ang groom mo sa marriage certificate na pinirmahan mo. Ako pa ang personal na nag ayos nang marriage liscence natin."

Sabi nito na parang pigil na pigil ang mairita sa kanya.

" Really?"

" Yes! So,please ask your lawyer to stop the annulment process."

" Why would I do that? Di ba sabi mo you want annulment?"

Umungol ito sa matinding prustasyon. Humawak ito sa ulo na parang sumasakit na sa pakikipag usap sa kanya.

" Pabalik balik tayo, Ezah. Pero kasal
kay Gabriel ang gusto ko na pawalan mo nang bisa hindi ang kasal natin."

" Well, maybe because i didn't know na ikaw pala ang asawa ko? Hindi mo kasi sinabi."

Sabi niya dito na humalukipkip habang pinapanood ito sa pagitan nang pag hawak sa ulo, pamemeywang at pag sulyap sa kanya.

" Sinabi ko sa iyo, sa cabin ni Sebastian."

" Hindi ganun ang pagkaka intindi ko."

Sabi niya, para naman nawalan na nang panlaban sa kakulitan niya si Stan kaya lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Boss Series 2: Boss Illicit Affair Where stories live. Discover now