Chapter 11

6.7K 209 64
                                    




I woke up early to cook some breakfast for us, dahil alam kong pagod si Mama sa negosyo na tiantayo niya kaya hindi na rin niya mahaharap magluto ng almusal kaya ako na ang nagkusa para makakain man lang si Mama bago umalis.

Habang nagluluto ay nakarinig ako ng doorbell mula sa labas kaya mabilis kong pinatay ang kalan at isinalin ang niluto kong Japanese Curry sa mangkok at nilagay ito sa lamesa bago tumakbo papuntang pintuan.

"Sandale" sambit ko at nag pagpag ng kamay sa aking apron bago pagbuksan ng pinto ang nagdodoor bell.

Pagbukas ko ng pinto ay isang bouquet ng flowers ang sumalubong sa aking mukha, kasabay non ay ang pagsilip ni Gun sa gilid nito ng may ngiti sa kanyang labi. Those kinds of smiles that will brighten up everyone's day.

"Hi there," natatawa kong sambit at kinuha ang binibigay niyang bulaklak, it was a periwinkle flower, sobrang ganda.

"Morning sunshine," He greeted me before he hugged me and kissed my head. "Anong meron?" Tanong ko habang inaamoy ang bulaklak, sobrang bango nito at naghahalo din sa amoy ng pabango ni Gun dahil nakayakap siya sa akin.

"Wala lang I just want you to feel special every day, I mean we don't need events to express that we're in love. Every day would be a possible chance to express our love and for me that is today" he sweetly said and smiled at me.

What he said made my heart beat so fast and felt butterflies in my stomach, kahit 4 years na kaming magkarelasyon, he never fails to make me feel that he's courting me every day.

"I cooked breakfast" sambit ko at hinalikan siya sa pisngi. "Great, I haven't eaten breakfast just to pick those flowers in my grandma's garden," he playfully said.

"Oh no you don't!!!" hindi makapaniwala kong sambit, Lola Lulu would never let others lay their hands on her flowers and this guy over here has the audacity to pick for a bouquet.

Gun just laughed at me and "Shhhhh it's our secret and she would never notice that I picked a half," the way he said the half I know it was literally half, that's why I can't help but to laugh at him and go inside the house.

Pag Upo namin sa dining table biglang tumunog ang cellphone ni Gun at nang tingnan niya ito, malokong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha at pinakita sa akin ang caller.

It's Lola Lulu! Nanlaki ang mata ko at agad siyang hinampas sa braso. He answered it and put it on a speaker.

"Hello Lala," He said with a playful smile then he caught my hand and kissed it. "Apo mukhang may nakapasok sa garden ko," I bit my lower lip to control my smile, ang iniisip ni Lola Lulu may ibang taong nakapasok sa garden niya.

"Oh no who on earth would do that Lala?" Gun said and acted like he really didn't know who did that. "Yong periwinkle ko pa talaga ang kinuha naku apo ko hanapin mo kung sino ang kumuha 'non," sambit ni Lola Lulu sa kabilang linya.

"Akong bahala Lala, I will punch that guy who steals your flowers.." This time I cover my mouth and laugh,"Ikaw talaga apo ko sobrang bait mo oh siya sige magtatanim muna ako ng panibago, wag magpapagabi ng sobra ah."

"Yes Lala, Cal you later," he said and turned off the call. "So better punch yourself Mister flower stealer," I said while I continuously laughed.

Gun acted like he surrendered and punched himself in the face, naikinatawa naming dalawa at sakto namang lumabas si Mama sa kwarto niya habang inaayos ang hikaw na suot.

"Oh Gun nandito ka na pala." Mama said as she seat in front of us, sinandukan ko ng kanin ang kanyang plato at inabutan siya ng isang maliit na mangkok ng curry na niluto ko. "Good morning Tita." Gun said and smile at her.

Lost Partnership (Law of Attraction Series # 4)Where stories live. Discover now