Chapter 16

6.4K 197 12
                                    




"Mag Ingat kayo ah, Sienna anak yung unan mo baka makalimutan mo," Sambit ni Mama habang binababa namin mula sa aking kwarto ang iba kong gamit.

"Opo ma nasa bag na diba Beb," sabi ko at agad naman tumango si Gun bilang sagot, he was already putting my things inside his sedan. Hindi ko pa nakikita yong condo pero ito na ako naglilipat na.

Ok na din na makapag lipat ngayon para may pahinga pa kami ni Gun bukas at may pasok pa kami sa Monday.

"Beb tapos na," napalingon ako kay Gun ng sabihin niya iyon at isara ang trunk ng sasakyan."Ma sure ka na bang kaya mo dito mag-isa? Wag kang mag-alala uuwi ako every friday para nandito ako ng weekends" sambit ko habang inaayos ang niluto niyang menudo.

"Wag mo nga akong alalahanin anak, ok lang ako at isa pa lagi akong nasa shop kaya hindi ko rin mapapansing wala ka dito sa bahay.. Oh ayan maganda yung magdala ng pagkain sa unang bese mong lumipat sa isang bahay para pagpapasalamat at tuloy-tuloy ang pagpasok ng biyaya." Mama said and put all the menudo on my tupperware.

"Wow Tita sobrang sarap naman po n'yan," sambit ni Gun ng lumapit ito sa tabi ko at hinawakan ang aking bewang, "Oo dalhin mo nyo yan doon sa condo niyo, oh siya kayo na bahala maglock dito nasa akin na ang isang susi, Sienna anak text mo ako lagi ah," nagmamadaling sambit ni Mama habang hinuhubad ang apron na suot at inabot ang bag niya.

"Ok Ma, Bye," I said and watched her run through the door and leave.

"Ano tara na?" Gun said and smile at me, Excited na akong makita yung condo kaya mabilis akong tumango at kinuha ang padlock ng bahay.

After making sure that I lock the house, sumakay na kami sa sasakyan at nagdrive papuntang condo. I don't even know what it looks like at kung saan ito, ang tanging alam ko lang ay nasa akin ang susi nito.

I look at this key in my hand and smile, "Excited?" tanong ni Gun habang nagdadrive. "Oo naman pinahirapan mo ito eh," sagot ko at tumingin sa daan.

Nadaanan pa namin ang building ng Delavine's Scent kaya naniniwala ako na malapit nga lang ang condo na binili ni Gun.

"Delavine's Condominium?" hindi makapaniwala kong sambit ng tumigil kami sa isang maganda at malaking condominium. Kila Chantel din ito!!!

"Yup this will be your new living environment Beb," he said and leaned closer to remove my seatbelt. Bumababa kami na nanatili akong nakatingala at tinitignan ito, sobrang ganda...

"Ang ganda," I whisper, "Wait until you see our unit," Gun said and bring out my bags out of the trunk at paero naming dinala ang apat kong maleta papasok sa building.

"10th floor," I utter ng makita kong iyon ang pinindot niya pagpasok namin ng elevator, "Yup," he said and smile at me, pull me closer to him.

Hindi ko maiwasang pakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa excitement dito sa condo na ito, I feel so happy about this. At tyaka sino ba namang hindi matutuwa kung may sarili na kayong place ng Boyfriend mo.

"Ok," Gun said when the elevator stops at the 10th floor and the door opens, walang tao sa paligid at tahimik dito, pero buhay na buhay ang itsura ng hallway. The condominium is a touch of gray, white and black, na sobrang maaliwalas tingnan kaya hindi ko talaga maiwasang mamangha.

Hinawakan ni Gun ang aking kamay habang dala-dala nami ang mga gamit at naglakad papalapit sa pangatlong pinto malapit sa elevator. "Ito ang condo natin Beb," he said and open it for me.

My lips parted and my heart skipped a beat as the door opened. All I can say right now is that this place was a dream.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong ni Gun sa akin habang binibitawan ang mga gamit sa gilid, hinila niya ako papasok at sinara ang pinto habang nanatili akong nakatulala.

Lost Partnership (Law of Attraction Series # 4)Where stories live. Discover now