Chapter 41

6.3K 172 7
                                    


I woke up on the cold floor, while Charvy sat in front of me like he was staring at me the whole time. Hindi ko maimulat ng mabuti ang aking mga mata dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng mga ito.

Pumipintig din sa sakit ang ulo ko dahil sa pag-iyak ko kagabi, dahan-dahan akong umupo at tinignan ang buong condo. I sleep here on the floor in the living room where all the pillows are around and a lot of cans of beer are thrown in the kitchen.

Wala sa sarili akong tumayo at naglakad papuntang kwarto, agad akong dumapa sa kama at muling umidlip ngunit hindi ko na magawa pang bumalik sa pagtulog kahit anong gawin ko.

My emotions felt so numb, and my brain was so drained with problems and hatred for myself.

Dahil sa hindi na ako makatulog mas pinili ko na lang tumayo at tumuloy sa banyo upang maligo. Dahil sobrang lagkit ko at hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko.

Pagpasok ko sa banyo ay ang repleksyon ko sa salamin ang una kong nakita, I bitterly smile as I saw my ruined self, "So, this is you?" I whisper to myself as I stared at this ruined reflection of mine.

Magulo ang aking buhok habang suot ko pa rin ang nabasa kong tank top kahapon, at namumula pa rin ang aking pisngi dulot ng pagsampal sa akin ni Mrs. Feliciana. Maga din ang aking mga mata at may sugat ako sa pisngi, I mean it's a simple line bruises but it's visible, I don't know where got this.

Pinuno ko ng tubig ang bathtub bago ako naligo at nagbabad dito ng ilang oras, I drown myself with the cold water and remember all that things that happened yesterday.

I just want to rest... I just want to have a break...

Cause I feel so hopeless at this state and I know I can't be with anyone at this state...

"Yeah, I'm fine, I just lost the biggest deal my Dad trusts me haha."

"I'm sorry,"

"Yeah, I was so nervous a while ago so I called you yesterday but you didn't answer haha I need you"

"I'm sorry,"

"Hahaha"

"I think we need space,"

"Do you think?"

"Y-yes"

"Ok, If that's what you think is right I will support you because I always support you,"

"Ok haha, I'll call you when I'm fixed ok bye,"

Agad akong napa ahon sa tubig ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Gun kagabi, we were both out of our self, pagod ako at ganun din siya hindi ko sinasadyang humingi ng space.

Mabilis akong umahon sa tubig at binalot ang aking sarili ng robe bago patakbong lumabas ng banyo upang hanapin ang cellphone ko sa sala.

Pagbukas ko pa lang ng pinto agad akong nilapitan ni Charvy at hinila ang robe ko pero hindi ko siya pinansin at aligagang hinanap ang phone ko.

"Nasaan na yon?" I whisper and look all over the place, pero hindi ko ito makita. Nabagsak akong umupo sa couch at pilit inisip kung saan ito nailagay.

Until, Charvy barks in front of me and pulls my slippers, "Not now Charvy I'm looking for my phone right now," I said and brush my hair up using my fingers. Where did I put it?

Charvy ran to our room and kept on barking, "Ugh not now Charvy please my head hurts, you're so loud," I whisper and cover my face with my hand.

Gun needs me, Hindi ko dapat inisip ang sarili ko kagabi... naging makasarili ako at wala akong ibang inisip kundi ang frustration ko sa buhay to the point na hiniling kong layuan muna namin ang isa't-isa, samantalang siya lang rin ang kailangan ko sa ganitong sitwasyon.

Lost Partnership (Law of Attraction Series # 4)Where stories live. Discover now