18

417 20 5
                                    

Nakauwi na si Jungwon .. Kanina pa kasi sya tinatawagan ng mama nya kaya napilitan nalang itong umuwi .

Umakyat nalang si Ni-ki sa guest room malapit sa kwarto ni Celine para magpalit ng damit . May mga naiwan silang damit dito nina Jake at Sunoo dahil madalas silang mag sleep over . Pagkatapos niyang magpalit ay pumunta na sya sa kwarto ni Celine para i-check kung ano ang ginagawa nito .

When he opened the door , the first thing he saw was a peacefully sleeping Celine in her peach colored bed .

He sighed at the sight . Sobrang na stress siguro sya at nakatulog nalang . Nilapitan nya ito at naupo sa gilid nito

"Hayyy .. paano nalang kung nahulog ka dun ?" sabi lang nito sa natutulog na kaibigan .. inangat nya ang ulo nito at inayos ang unan nang biglang nagising si Celine

" Ni-ki? "

" yeah ? " sagot nito

" bakit ka nandito ? " naguguluhan na tanong nya

" nabuang kana ba ? Ikaw ang may sabing , 'he's staying with me' kanina tas sasabihin mong bakit nandito ako ? utot mo Celine , mabaho " sabi naman ni Ni-ki at ginaya pa kung pano magsalita kanina si Celine

" ay oo nga no hahaha .. nakalimutan ko " tumawa naman ito na nagpakunot ng noo ni Ni-ki

" bakit ka tumatawa ? Okay kana ba ? "

" ay bawal na ba ngayong tumawa ? " she sarcastically asked

" ang weird mo lang " he replied back " ay wait , nasaan si Jungwon ? " tanong nya kay Ni-ki

" umuwi na .. di kana bumaba kaya nag decide nalang syang umuwi tsaka tinatawagan na sya ng mama nya . Kay tito nalang sya nag paalam kanina " sabi naman ni Ni-ki

" Di pa ako nakakapagpasalamat sa kanya "

" Ay tangek .. hindi kapa nakapagpasalamat ? Grabe naman yan Celine .. "

" Sorry naman siszt .. tulaleng si ateng mo kanina .. ang arte ko nga ihh , ngayon ko lang narealize . Tulog lang pala kailangan ko "

" Ay buti narealize mo pa noh .. pero pwede mo naman syang itext o tawagan , nag aalala parin yon sayo " he suggested

" bukas nalang o di kaya imemeet ko nalang sya para personal ko syang makausap " sagot naman nya

" ay ikaw bahala .. pero gagi ka pinakaba mo ako kanina .Akala ko mahuhulog ka dun "

" Bakit , sasaluhin mo ba ako pag nahulog ako sayo ?" biglang banat ni Celine na nagpangiti kay Ni-ki

" buang .. syempre hindi .Ang bigat mo kase " sagot nito sa kanya habang tumatawa kaya hinampas sya nito ng unan

" tawagan kaya natin sina Sunoo at Jake hyung tsaka papuntahin dito " suhestyon ni Ni-ki

" miss mo lang si Kuya Sunoo ihh .. yiieee "
(A/N naki-cringe na ako sa oppa kaya kuya nalang 😂)

" bakit , di mo ba sila namimiss ? " tanong ni Ni-ki sa kanya

" namimiss .. ikaw nga araw-araw kong namimiss eh . Dito ka nalang kaya tumira samin  ikaw lang naman mag isa dun sa apartment mo . " sabi naman ni Celine at ngumiti naman ng palihim si Ni-ki

" Ayoko nga .. baka utusan mo lang ako pag dito ako tumira noh . Maganda na sana yung libreng pagkain tsaka WiFi kaso wag nalang kung ikaw lang naman ang makikita ko araw-araw .. eww " he gestured na parang masusuka pero sa totoo lang nahihiya lang syang tanggapin ang offer ng pamilya ni Celine na dito nalang tumira . Kasi kahit dad ni Celine pinipilit din syang tumira nalang dito para bawas gastos at parang pamilya na rin turing nila dito kaso ma pride talaga sya at ayaw nyang makaabala sa ibang tao . Pero gusto din nyang makasama lagi si Celine .

" Don't be a meanie , love .. Di kaba nalulungkot dun sa apartment mo ? Mag isa ka lang lagi .Baka nga may gumagala pa dun na multo sige ka . Walang tutulong sayo "

" si Jay hyung lang naman ang takot sa multo "

"ay takot pala sa multo si kuyang gwapo ? matu-turn off naba ako nito ?" she jokingly said that made Ni-ki judge her

" So crush mo na ngayon si Jay hyung ? " Di makapaniwalang tanong nito kay Celine

"Well , actually .. pati sina kuya Sunghoon at kuya Heeseung din hehehe " malandi nitong sabi  kaya napangiwi nalang si Ni-ki

" grabe ka Celine .. di kita kinakaya " tumawa lang si Celine sa kanya

"joke lang naman ..ikaw, nagre react ka agad . Oo gwapo sila and all pero loyal parin ako kay crush hihi "

"oo nga pala di mo pa kinukwento sakin yung about sa crush mo ah .. you're purposely avoiding the topic whenever I asked about it"

" ay oo nga noh , wait .. kunin mo dun yung unan mo tsaka comforter dito ka nalang matulog sa kwarto ko " she demanded .. nagdadalawang isip pa sana si Ni-ki kung susundin ba nya ang utos nito o hindi kase tinatamad na syang tumayo pero sinunod din naman nya sa huli .. uto-uto talaga hayss ..

---
🐑
---

It's you from the start || y.jungwon ✓Where stories live. Discover now