47

210 15 8
                                    

A week before the wedding .. lahat ay busy sa preparations para sa kasal lalo na si Celine na hands on sa mga details ng wedding nila ni Jungwon . But with the help of Jungwon , ofcourse . Di naman niya hahayaang mahirapan si Celine kaya ayun , nakaalalay lang siya lagi para sa dalaga .

Hindi man nila aminin pero sobrang excited na sila . Malayong malayo sa unang reaksyon nila noong malaman nilang inarranged marriage silang dalawa . At kahit na bago palang ang relasyon nila ay masasabi naman nilang sila na talaga ang nakatadhana .

Ngayong araw ay bibisitahin ni Celine ang boutique kung saan niya pinatahi ang wedding gown niya . Actually last week pa itong tapos kaso di niya lang napuntahan agad dahil busy siya .

" Wow ! Ang ganda naman nito ~ higit pa to sa ineexpect ko . Good job guys! " Masaya niyang pag compliment sa gown pati na sa mga tauhan ng may ari . Alam naman niya na hindi biro ang gumawa ng wedding gown .

" Pwede ko naman sigurong isukat to no ?" Tanong lang ni Celine pero pinigilan siya ng halos lahat ng nasa loob ng boutique . Pero gusto lang naman niya malaman kung sakto ba talaga ito o may adjustments pa bang kailangang gawin .

" I suggest na wag nalang miss Celine .. may pamahiin kasi na kapag sinuot mo yung wedding gown mo bago ka ikasal eh hindi matutuloy iyon .. but it's up to you naman " sabi lang ng may ari

Napaisip naman dun si Celine .. valid pa ba yung mga pamahiin na ganyan sa generation ngayon ??

" Ahh ,  it's okay naman po siguro .. I mean iba na ang panahon ngayon . At wala naman sigurong masamang mangyayari . Kami na nga lang hinihintay para lang matuloy yung kasal kaya I don't think na magiging malas po ito . " Pahayag ni Celine kaya hindi nalang kumontra ang iba at tinulungan siyang isuot ang gown . Kung sa bagay eh mahihirapan naman talaga siya kung siya lang mismo ang magsusuot nun.

Bigla namang dumating si Ni-ki sa boutique para sunduin si Celine kasi pinakiusapan siya ng dalaga dahil may ibang ginagawa si Jungwon . At isa pa kailangan din nilang mag bonding .

Once the door opened from the dressing room , Ni-ki's gaze fixated on Celine .. di niya inaakalang ganito ang makikita niya ngayon . Napanganga nalang siya nang makitang nakangiti si Celine at papalapit sa kanya . Wala siyang magawa kundi i-imagine na hinihintay niya si Celine sa altar . At hindi si Jungwon ang papakasalan niya , kundi siya . Pero lahat ng pantasya niya sa kanyang isipan ay naudlot nang tawagin siya ni Celine .

" Ni-ki , huy!" Medyo pasigaw na tawag ni Celine sa kanya . Kanina pa niya ito tinatawag pero nakatulala lang ang kaibigan sa di niya alam na dahilan .

Napakurap naman si Ni-ki pero di parin siya nakaimik .. at nanatiling nakatitig lang sa magandang mukha ng dalaga .

" Huy , okay ka lang ? Gutom ka ba ? Wait lang ha , sinusukat ko lang to para malaman ko if kasya talaga . Kakain din tayo after " she stated , giving him a concerned look . Para kasing nakatulala parin si Ni-ki eh .

" Ang ganda mo , Celine .. " ang tanging nasabi lang Ni-ki nang binuksan na niya ang bibig niya . The ladies around them chuckled at his reaction .. well, talaga namang maganda si Celine at nakadagdag pa dahil nakasuot siya ng wedding gown ngayon kaya naiintindihan nila ang reaction ng binata dahil yun din ang nakikita nila .

" Ay grabe naman .. Ni-ki ha , wag mong sabihing nainlove kana din sakin . Tas ikaw yung magsasabi ng 'itigil ang kasal!' sa wedding day ko " sagot lang ni Celine sa sinabi ng kaibigan pero halata namang nagustuhan niya ang pagpuri ni Ni-ki sa kanya . Kasi minsan lang mag compliment si Ni-ki , at kapag may nagustuhan siyang bagay, ibig sabihin nun ay maganda ito . Kaya naniniwala siyang totoo ang sinabi niya , at dahil dun ay na boost ang level ng confidence niya .

Pero di niya alam na kung pwede lang ay sasabihin talaga yon ni Ni-ki sa araw ng kasal niya o kung papayagan siya ay ngayon palang ay aagawin na niya ito kay Jungwon . Gustong gusto niya si Celine pero hindi pwede eh . Pareho niyang kaibigan ang dalawa at ito ang kaligayahan ni Celine kaya ibibigay niya ng bukal sa kalooban niya . Ganun naman dapat diba ??

" Minsan lang ako mag compliment kaya sulitin mo na .. baka nga last na yan " cool na sabi lang ni Ni-ki nang matauhan na siya . Lutang siya kanina eh

" Eyy , kung pwede lang kayong dalawa ang pakasalan ko ay gagawin ko para di na tayo maghiwalay na tatlo kaso hindi naman yun pwede haha !" Biro ni Celine pero para kay Ni-ki ay malaking bagay na yon . At kahit ngayon lang ay naramdaman niyang gusto din pala siya makasama ni Celine habang buhay

" Ew .. bakit ko naman gagawin yon ? Hindi paba sapat ang pagiging third wheel ko at kailangan ko pa kayong makasama habang buhay ? Torture yata yon , ano ako .. anak niyo, ganun ?" Biglang sagot naman ni Ni-ki sa kanya kaya tumawa lang si Celine

" Haha ! Ewan ko sayo Ni-ki .. alam mo namang hindi na tayo maghihiwalay na tatlo diba ? Pang habang buhay natong friendship natin " sabi lang niya habang nakapa meywang sa harap niya . Nawala na ang focus niya sa gown na suot niya ngayon .

Medyo kumirot naman ang puso dun ni Ni-ki sa katagang friendship kahit na matagal naman niyang tanggap iyon . Masaya naman siya na naging kaibigan niya ang dalawa kaso lang ay iiwan parin niya ang mga ito pero hindi naman yun ibig sabihin na titigil na din siya sa pagiging kaibigan ng dalawa . As she said , it's forever .

" Oo na kahit ayaw ko , sige nalang . Pero wait I'll take a picture of you in that wedding gown " sabi ni Ni-ki at nag pose naman si Celine

" Iedit ko to tas gagawing memes .. " dagdag pa niya kaya nag pout naman si Celine .. di niya alam na video pala ang kinukuha ni Ni-ki . He had to make memories with her at kahit sa ganoong paraan lang ay may maibabaon siya sa pag alis niya .

" Hey ! Burahin mo yan , kung hindi .. di rin tayo bati "

" Magpalit ka muna .. hindi bagay sayo yang gown ehh . Pumangit ka lalo " biro ni Ni-ki pero alam naman ni Celine na nagsinungaling siya

" You're lying love ~ namumula yang tenga mo and don't even deny it . Kilalang kilala kita " sabi nito bago pumasok ulit sa dressing room para magpalit ng damit .

Oo kilala niya si Ni-ki .. pero hindi niya alam ang lahat ng tungkol sa kaniya .


:Play nyo yung ‘ Hanggang sa Huli ’ at ‘ Tilaluha ’ para kay Ni-ki  hahahaha
STAN SB19
(lowkey promotion)

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon