26

371 26 9
                                    

"nakita ko kanina si celine .. bakit parang galit yung mukha nya ?" tanong ni Nicholas sa mga kagrupo nya at napaubo lang si Ni-ki bago magsalita

"siguro kasi nung nakaraang araw pinipilit nya akong samahan sya dito kaso tumanggi ako kasi nga sasayaw din tayo pero yung excuse ko eh tinatamad ako . so baka yun yung dahilan .. tsaka feel ko galit din sya kasi naglihim ako .. naging topic namin tong grupo nato nung nakaraan pero di ko sinabing member ako" sagot ni Ni-ki kay Nicholas at lahat sila ay nakatingin lang sa kanya 

"good luck sayo bro " biglang sabi ni sunghoon habang tinatapik yung balikat ni Ni-ki

napatingin din naman si jungwon sa kanya .

" so , if galit sya sayo .. edi galit din sya sakin ?" sabi ni jungwon at napakunot naman ang noo ni Ni-ki sa kanya

" bakit naman ?" sagot lang nito

" kasi naglilihim din ako " tipid nya lang na sagot

pero biglang tumikhim si heeseung at pumagitna sa kanilang dalawa

" that's why we'll approach her later , to clear things out tsaka para walang misunderstandings .. it's up to her to decide kung magagalit parin ba sya o iintindihin nya kayong dalawa " sabi lang ni heeseung at tumango lang silang dalawa pati narin yung iba

" so after this , Ni-ki you'll text her okay ?" sabi naman ni jay sa kanya napa thumbs up lang ito

---

tumunog ang phone ni celine at nakita nyang may text si Ni-ki sa kanya .. wala namang pag aalinlangang binasa nya ito .


hi celine .. alam kong nakita mo ako kanina , pwede ka bang pumunta ngayon dito sa exit ? nandito kami .. we'll explain everything to you :)
p.s. ayokong makurot mamaya hehe <3

" aba .. at nakuha nya pang maglagay ng smiley at heart sa text nya . makakatikim ka talaga ng kurot mamaya " sabi lang nya at hinanap yung limang kasama nya kasi biglang nawala sa tabi nya

" kuya beom .. alis muna ako ha ? pero hintayin nyo ako . sasabay ako mamaya pag uwi " sabi nya lang kay beomgyu na kakabalik lang sa pwesto nila kanina .. tumango lang ito at uminom ng soda .. di sila gaanong ka close nito eh .. 'sayang cute pa naman sana hehe' sabi ni celine sa isip nya at dali-daling pumunta sa exit gate

nang makarating na sya ay natanaw nya agad si Ni-ki na naka akbay kay jungwon .. napangisi lang si celine at dahan dahang lumapit sa kanila

biglang nyang kinurot si Ni-ki sa braso nito .. nagulat naman si Ni-ki pero wala na syang magawa at di na sya makakawala sa bagsik ng galit ng best friend nya . nagulat naman si Jungwon ng biglang mapaigtad si Ni-ki at napatingin ito sa kanya .. napanganga naman sya ng makita nya si celine na kinukurot si Ni-ki

" hoy Nishimura Riki .. care to explain everything " pagdedemand ni celine habang naka cross ang mga braso with her bitchy face

" ahh .. hehe , celine kasi .. " sa totoo lang nalimutan na ni Ni-ki yung sasabihin nya dahil sa kaba kaya biglang pumasok sa eksena ang most reliable kuya nilang lahat .

" celine " tawag ni heeseung sa kanya at napatingin din naman si celine pero di na masama ngayon yung tingin nya ..

" we need to hide our identity celine .. i hope you understand . that's why we never say our names and we always had masks to hide our faces .. ayaw namin na malaman to ng pamilya namin at ng ibang masasamang tao so if naglihim man sayo sina Ni-ki at Jungwon , we're sorry pero we should keep our identity private . sana maintindihan mo kaming lahat at sana ikaw lang ang makakaalam " pag explain ni heeseung at napatango lang si celine kahit gusto na nyang kurutin pati si jungwon

" it's okay kuya .. your secret is safe with me . my mouth is sealed hehe " pagpapa cute ni celine kay heeseung pero napaubo lng si jungwon kaya napatingin si celine sa kanya pero di sya nito pinansin kaya napatawa si Ni-ki ng mahina .. hinampas naman sya ni jungwon

napatingin naman si celine sa direksyon ni nicholas at nag wave .. lumapit naman agad si celine nang makita nyang nag wave din si nicholas da kanya

" hey ! nice to meet you again .. celine " sabi ni nicholas at nag fist bump pa silang dalawa

" me too hehe .. kamusta ? " tanong ni celine habang nakangiti

nakatingin lang ng matalim si jungwon sa kanilang dalawa na parang anytime ay susugurin na nya si nicholas .. pero wala paring kaalam alam ang dalawa .. si Ni-ki naman ay hinahawakan ang braso ni jungwon para pigilan sya sa kung ano man ang balak nito gawin kasi halata naman sa itsura nito na nagseselos sya . di naman mapigilan ni Ni-ki na mapangiti dahil dito . alam nyang gusto talaga ni jungwon si celine at boto naman sya dito para sa best friend nya .

" okay lang naman eto chill parin " sagot ni Nicholas at halatang nakangiti kahit naka mask kasi pati mata nya ngumingiti . at nahahalata narin ni Ni-ki ang tensyon haha

bigla namang lumayo ng konti sina nicholas at celine at nag usap pa ng kung ano na di nila marinig .. nagtatawanan pa sila sabay hampas ni celine sa braso ni nicholas

yung iba naman ay nakatingin na kay jungwon kasi nararandaman na nila yung init ng ulo nito .. kaya nag decide si jay na tawagin nalang si nicholas

" nicholas , bro .. uwi na tayo " tawag ni jay sa kanya at napalingon naman silang dalawa kay jay

" sige " sabi nito at lumapit kay jay kasama si celine

" celine .. uwi na tayo ?" pag aya naman ni jungwon kay celine

" ay may kasama ako wonie .. sorry " sabi ni celine at lumapit ulit kay Ni-ki para kurutin ito

" aray ! nakakailan kana ah " malakas na sabi ni Ni-ki pero sila lang naman ang nakarinig

" kulang pa yan .. maghintay kalang bukas  .. oh sige na bye " pagbabanta nya lang kay Ni-ki at tumalikod na . di naman sya nakasagot pa

" bye guys .. di na ako makakasabay sa inyo kasi kasama ko sina kuya soobin .. see you soon " nagpaalam na si celine sa kanila pero di parin nya nakausap ng maayos si jungwon

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon