38

306 16 12
                                    

Celine's

Nandito na yung bestfriend kong magaling .. at ngayon ay nangangalkal na ng makakain sa ref .

Ang aga-aga nandito na sya . Ang excited naman nya sa free foods .

" Hoy Ni-ki .. ang aga mo naman , " reklamo ko sa kanya

Napatingin naman sya sakin na nakangisi .. di ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit da kanya

" Celine , asan si Manang Lea ? Wala pang breakfast na nakahanda"

" Ahh wala sya ngayon .. umuwi muna sa kanila , mga one week siya dun ."

Napakunot naman ang noo nya na parang may malaking problema

" Eh sino magluluto?"

" Ako ? Tayo ?" Sagot ko naman sa kanya .. marunong naman akong magluto ah . Tinuruan na ako ni manang lea

" Ikaw , magluluto ? No no no , wag .. baka masunog ang bahay nyo kaya wag "

yung totoo , concerned ba sya na masunog ang bahay o iniinsulto nya ako ?

" Hoy marunong na akong magluto ng simpleng breakfast foods no .. tinuruan na ako ni manang lea kaya chill bro " sabi ko sa kanya at itinali ang buhok ko para makapagsimula na akong magluto

" Ano ba ang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay pinapapak ang saging sa fruit basket namin

" Pancake nalang .. nakakahiya naman sayo chef" sagot nya kaya pinandilatan ko lang sya ng mata

Nagluto na ako at nang matapos ay kumain na kaming dalawa .

Pagkatapos ay , nag decide kami manood nalang ng movie since wala naman kming ibang gagawin .

"Oh , nandito pala ang best man .. kamusta anak?" Biglang bati ng dad ni Celine na kakalabas lang sa kwarto nya

"Okay naman po tito , pero best man ?"

Patay , nalimutan kong sabihin yon kay Ni-ki .. naunahan na ako ni dad na sabihin ito sa kanya

" Ano ba yan dad .. ako dapat magsasabi nun sa kanya eh "

" Ay di paba nasasabi ? Sorry ah ? " Sabi nito bago pumunta sa kusina para kumain

" Ako yung best man sa kasal nyo ?"

" Oo , sino paba ? And since you're our bestfriend , might as well make you as Jungwon's best man .. wala nang ibang fit for the role maliban sayo " sagot ko sa kanya kaya tumango sya

"Yun ba yung sasabihin mo sana ? " Tanong na naman nya

" Oo , natuloy kasi yung wedding na plano nila dad .. so wala kaming magawa . And they just gave us two months to prepare ourselves"

Natahimik kami pagkatapos kong sumagot sa kanya .. bakit parang nag iba yung mood nya ?

"Okay ka lang ba ?" Tanong ko

"Oo naman , iniisip ko lang kung ano ang ireregalo ko sa inyo hehe " sagot nya pero halata namang may bumabagabag sa isip nya

Hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy sa panonood ng movie .. di ko nalang pinansin ang pagiging tahimik nya sa tabi ko kasi ganyan naman sya minsan .

Pagkaraan ng halos kalahating oras ay himalang nagpaalam na syang umalis . Kadalasan kasi tumatambay sya dito whole day kapag walang pasok o kaya ay wala syang ibang pupuntahan pero ngayon parang nagmamadali syang umalis. Kaya hinayaan ko nalang sya .

Ni-ki's

Grabe naman yarn may POV na naman ako .. pero seryoso ,  medyo nagulat at tas nalungkot dahil dun .

Kaya hindi ko napigilang umalis nalang kasi wala na ako sa mood para makipag bonding sa kanya . Pupuntahan ko nalang ang dalawang kuya sa apartment nila ..

Matapos ang thirty minutes na byahe ay nakarating na agad ako sa apartment kung saan nakatira sina Jake at Sunoo . Share sila para daw less gastos .. malaki din naman ang space kaya hati nalang sila .

" Ni-ki , parang ang lungkot mo naman " bungad ni Sunoo sakin

Napatingin naman si Jake sakin na nagtataka din

" Si Celine yan panigurado " sambit naman ni Jake na parang siguradong sigurado sya

" Pano mo alam ?" Tanong naman ni Sunoo

" Kay celine lang naman sya nagkakaganyan eh .. at sure ako may kinalaman to sa Jungwon na yon . Nakita ko nga sila nung nakaraang gabi sa park . Siguro ay sila na "

Napasalampak naman ako sa sofa nila .. para akong walang ganang gumalaw

" Oh really ? Nag da-date sila ?" Naiintrigang tanong ni Sunoo .. basta chismis , ang bilis nyang mag react

Napatingin naman si Jake sakin bago magsalita

" Naghahalikan .." nagulat naman ako dun .. grabe naman , masakit sa puso

Para na ako ngayong maiiyak dahil sa narinig ko

" Hoy grabe naman kuya , kailangan bang saktan mo ako ?" Sabi ko sa kanya

" Di naman sa ganun Ni-ki .. nagsasabi lang ako ng kung anong nakita ko dun "

Tinabihan naman ako ni Sunoo habang hinahaplos ang ulo ko ..

" Matutuloy na yung kasal nila .. two months from now " malungkot kong sabi at niyakap naman ako ni Sunoo

" Aray naman .. parang ako yung nasasaktan para sayo Ni-ki . Sabihin mo nalang kaya yung feelings mo para kay Celine nang maka move on kana agad kapag nireject ka na nya " Sabi naman ni Jake na parang ine encourage akong umamin

Pero ayokong umamin .. ayokong masira ang friendship namin tatlo . Bestfriend ko pa naman silang dalawa . Tsaka di rin naman kami pwede .

" Wag na , di rin naman kami pwede eh . At ayokong masira pagkakaibigan namin tatlo .. akong nalang mag aadjust" sagot ko pero habang binabanggit ko yon ay parang kumikirot yung puso ko

"Tas ikaw naman yung masasaktan " ani ni Sunoo na halatang naaawa sakin

"Okay lang yun .. kesa masira yung relasyon namin . Magiging kumplekado lang ang lahat kapag umamin ako at saka alam ko namang mahal nila ang isa't isa"

" Mahal ka din naman ni Celine, Ni-ki "

"Bilang kaibigan nga lang .. alam kong napaka vocal ni Celine sa pagsabi at pagpaparamdam sakin na mahal nya ako pero nararamdaman kong bilang kaibigan lang yun .. at ayokong umasa o lagyan ng malisya "

" Ikaw ang bahala , wag mong sabihin na di kita inencourage ah .. all I want for you is to be happy Ni-ki , really . Pero parang ikaw naman mismo yung nagdadala sa sarili mo sa sitwasyon kung saan masasaktan ka lang" paalala ni Jake pero eto na yung choice ko eh , ang manahimik

Sa totoo lang parang nasanay na nga akong mahalin sya ng palihim pero di ko lang iniexpect na masakit pala ang ganitong sitwasyon ..

" At ako pa yung best man sa kasal nila .. "

" Wow ha , you really love to suffer .. may mas martyr pa ba sayo ?" Tanong ni Jake

" Ah wala na kuya , nasa kanya na ang korona " patawang sagot ni Sunoo kay Jake . Kahit kelan talaga , di nya kayang mag seryoso

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon