41

291 17 19
                                    

Day 2 na ng short vacation nina Jungwon at Celine sa bahay bakasyunan ng pamilyang Yang . So far naeenjoy naman ni Celine ang pag stay doon kahit na kahapon ay di sila nakagala sa beach kasi nawili sa pag uusap sina Jungwon at Daniel . Okay lang naman at naiintindihan nya dahil alam nyang matagal nang di nagkikita ang magkaibigan .

Naeenjoy din naman ni Celine ang company ni Daniel kasi maliban sa mabait ito ay kakaiba ng sense of humor nya .

" Babe , gusto mo bang maglakad-lakad sa dalampasigan ? " Aya ni Jungwon sa girlfriend nyang naglalaro lang sa cellphone nya .

Lumingon naman si Celine sa kanya at ngumiti .. " sige ba ! " Sabi nito bago patayin ang cellphone niya .

Sinuot naman niya ang sunglasses nya at beach hat at lumabas na sa kwarto . Hindi naman masyadong mainit , for fashion purposes lang yan .

Habang pababa ay nakita nila si Daniel na nanood ng tv sa sala .

" Oh , magsa-sight seeing ba kayo sa labas ?" Tanong ni Daniel sa mga kaibigan .. itinuring narin niyang kaibigan si Celine .

" Yep ! Sama ka ?" Sagot naman ni Celine pero narinig nya bumubulong ng kung ano si Jungwon .. na para bang ayaw nyang isama ang kaibigan nya .

Kaya tiningnan sya ni Celine ng masama .

" Ahh .. wag nalang siguro . Tsaka ayoko ring maging third wheel no . I don't want to suffer from being a single . Mas mabuti pang dito nalang ako .. nagsasawa narin naman akong makita ang dagat . Sa araw-araw ba naman na ganyan makikita mo ..hayysss " pagra-rap ni Daniel na naging dahilan ng pagtawa ni Jungwon at Celine

" Di mo naman sinabi na magaling ka palang mag rap Dani " ani ni Jungwon at ginulo ang buhok ni Daniel .

" Dream kong maging singer at rapper bro .. baka nakakalimutan mo " sagot ni Daniel at tinapik ang kamay ni Jungwon na nakapatong sa ulo nya .

" Good luck sa dream mo Daniel ! Sana ay sumikat ka balang araw " sabi naman ni celine, ine-encourage pa nya ang nakababatang kaibigan

Tinaas naman ni Daniel ang dalawang kamao nya na para bang nagsa-sign ng 'I can do it!'

" Sige na mag date na kayo dun .. tatawagin ko nalang kayo kapag kakain na "

Tumango lang silang dalawa sa kanya at naglakad sa buhangin ..

Di na maalala ni Celine yung last time niyang makagala sa beach .. kaya ngayon ay susulitin na nya ito .

Hinawakan naman ni Jungwon ang kamay nya habang naglalakad silang dalawa . Di mapigilan ni Celine ang mapangiti dahil dito .. kasi sino ba naman ang di kikiligin kung si Jungwon ang hahawak sa kamay mo ? Sige imagine nyo nalang HAHAHA

" Babe , ano ang gusto mong theme ng kasal natin ?" Out of nowhere na tanong ni Jungwon sa girlfriend nya .

Parang nabilaukan naman sa sariling laway si Celine .. kasi ba naman , biglaan yon ..

" Ha ?"

" Hakdog babe .. sagutin mo nalang "

" Oh sige .. wait mag iisip ako " ani ni Celine at napahinto pa sa paglalakad para mag isip

Bumitaw naman sa pagkakahawak si Jungwon at naghanap ng kahoy para makapag sulat sa buhangin .

" Siguro , church wedding babe .. tapos sa beach yung reception o di kaya sa garden .. basta gusto kong involved ang nature tsaka maraming bulaklak "

Bigla namang iginuhit ni Jungwon ang mga sinabi ng girlfriend nya .

" Ano yang dino-drawing mo dyan ?"

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon