42

276 20 5
                                    

Halos isang buwan na simula nung naging sila at in fairness , parang di sila mapaghiwalay na dalawa . Lagi silang nagkikita kahit na busy aa school .. di na din si Jungwon nasayaw kasi pinagalitan na sya ng papa niya . Kaya marami na siyang time para kay Celine .

Lagi nilang napag uusapan ang tungkol sa kasal nila , pano ba naman .. halos araw araw silang nireremind ng aamga magulang nila kaya they're used to it na .

Para ngang naging kasama na ng daily routine nila ang pag iisip sa kasal nila . Kung sabagay eh next month na gaganapin yun at yung preparations ay kasalukuyang pinaghahandaan na ng both sides of the family .

Being excited is an understatement , lalo na ngayong aligaga na sila sa mga preparations ginagawa nila . One month for preparations is enough lalo na at may pera naman sila kaso mas lalong natatagalan dahil mas gusto nilang dalawa na sarili nilang ideas ang masusunod .

Kung minsan ay nag coconflict pa nga sa ideas ng wedding organizers kaya mas lalong napapabagal ang proseso . Napaka hands on kasi nilang dalawa .. ahh no , si Celine lang pala . Nadadamay lang si Jungwon kasi wala na siyang magawa . Lagi lang naman siyang nakabuntot kay Celine eh . Mas mabuti ngang ganito kasi nagiging close sila lalo .

Ngayong araw ay mag papasukat na sila para sa suit and gown nila . Gusto kasi ni Jungwon na sariling design ni Celine ang masusunod sa gown kaya magpapatahi sila . Kaya maaga silang pumunta sa patahian na gusto ng mama ni Jungwon . Kung tutuusin nga ay pwede namang sila na mismo ang pumunta kina Jungwon kaso mas gusto nilang dalawa na gumala kaya sila na talaga ang sumadyang pumunta dito .

" Babe , okay lang kaya tong na sketch ko na design ? " Pinakita naman nya yung sketch pad nya

May natatago pala syang talent sa sketching .. ngumiti naman si Jungwon sa nakita niya .

" Oo naman babe .. ang ganda nga eh . Baka nga  mas maganda pa tong design mo kesa sa proposed design ng designer nila mamaya " sabi naman ni Jungwon .. titingnan pa kasi nila if nasunod ng designer ang gusto nilang mangyari kaya nagpa sketch narin sila for more precise  visualization . Ayaw naman nilang hindi high standard ang magiging wedding gown ni Celine . It's her fucking wedding gown at dapat na special ito .

" Yiieee totoo ba yan ? Baka binobola mo lang ako ha .. "

Tumawa si Jungwon bago niya ito sagutin " of course baby .. alam mo namang di ko magagawang magsinungaling sayo " sabi ni jungwon pero hinampas lang sya ni Celine ng sketch pad nya

" Hoy ! Naalala ko pa noong tinatago nyo pa yung identity nyo nung nagsasayaw pa kayo .. nagsinungaling ka non sakin diba ? Wag ka nga , Jungwon . Baka balibagin ko yang ulo mo " sabi nya kahit na nalaman naman niya ang rason kung bakit siya nagsinungaling or much better to say na tinatago lang nila ang totoo sa kanya .

" Past is past babe .. kalimutan mo nalang yon ang importante ay ang ngayon kaya tama na yang pag iisip ng kung ano at lalabas na tayo "

Di yun sinabi ni Jungwon para makalusot . Nasa loob lang kasi sila ng sasakyan for almost thirty minutes na . Kanina pa sila nakarating eh ..

Tumango nalang si Celine habang nauna nang lumabas si Jungwon para pagbuksan siya ng pinto . Di na sila ngayon nag aargue pagdating sa bagay nato kasi napag usapan na nila . Likas naman kasing gentleman si Jungwon , si Celine lang itong napaka arte .

Nang makapasok sila sa boutique ay napanganga lang si Celine sa mga gowns na naka display sa loob . Kung ano kaganda ang naka display na makikita sa labas eh mas nalula pa sya sa mga naka display sa loob . Parang gusto niya lang yakapin lahat ng mga gowns .

" Good day soon to be Mr. and Mrs. Yang .. " sabi ng may ari ng boutique

" Good day din po .. eto nga pala yung sketch ko " pagbati ni Celine sa kanya at tumango naman si Jungwon sa kanya habang inaabot ni Celine yung sketch pad nya

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon