46

205 12 30
                                    

" hey! I'm here ~"

Nakita naman agad ni Jungwon ang kaibigan na kanina pa nakarating sa meeting place nila . They're finally hanging out after a week na nagkita silang dalawa at dahil na din sa sobrang busy ni Jungwon na ngayon lang siya nagkaroon ng time para kitain ang kaibigan niya .

" Hi .. kanina kapa ba ?" Tanong ni Jungwon kay Zia " di ah , kakarating ko lang din naman " pagsisinungaling niya , ang totoo ay nakaubos na siya ng isang milk shake at kakaligpit lang ito ng waiter .

Tumango naman si Jungwon at umupo sa harap niya ..

" So , how are you ? I mean , how's life ?? Di ko na natanong dati kasi puro about kay Celine yung topic natin "

'buti naman alam mo'  sabi lang ni Zia sa sarili niya

" Ahh okay lang . Actually , I've been trained by my dad to run our business pero mom and I decided to have a vacation for three months, so here we are !" Tumango din naman si Jungwon agad

" Makakadalo kapa pala sa wedding ko , here .. take this . Sorry I couldn't make you one of the entourage kasi fixed na yan at di ko naman alam na babalik ka pala" sabi ni Jungwon at inabot ang invitation card ng kasal nila kay Zia . Tiningnan naman niya ito ng masama pero ngumiti siya agad bago tumingin ulit kay Jungwon

" Aw, I'm invited pala .. thanks !"

" Ofcourse, you were my friend when I was a kid . Siguro naman ay deserve mong makita akong ikasal diba ?" Sambit niya habang tumatawa ng mahina . He do still see her as his friend and dapat ay nandoon siya sa araw ng kasal niya .

" Nakakatawa lang kasi noon, ako pa yung gusto mong pakasalan ~" ngumiti lang ng mapait si Zia ng maalala ang nakaraan nila kahit na alam naman niyang hindi seryoso si Jungwon noon . Pero syempre umasa padin siya dun . Umasa siyang may babalikan pa siya .

Bigla namang nabilaukan si Jungwon sa sarili niyang laway .. di niya yon ineexpect na sabihin ni Zia . Dahil sa totoo lang ay di niya maalala na may ganoong nangyari pero para hindi mapahiya ang dalaga ay tumawa nalang siya .

" Mga bata lang tayo noon Zia .. and we don't know what we're talking about . We're just like , elementary that time " pagpapaliwanag lang ni Jungwon kahit na gusto niyang sabihin na hindi niya ito maalala . Or di lang niya maalala kasi hindi naman ito importante .

" Haha! Yeah , and I left you . Siguro kung nag stay ang family namin dito , baka nga tayo na ngayon ang ikakasal " sagot naman ni Zia . Pinipilit niya talaga ang topic na ganito pero naiilang na si Jungwon sa di niya maipaliwanag na dahilan .

" Hmm, we'll never know . And besides baka malabo ding mangyari kasi parang imposible namang may gusto ka sakin "

Sa totoo lang ay wala naman talagang feelings para kay Zia si Jungwon kahit pa noon kasi mga bata lang naman sila . At ni minsan ay hindi ito sumagi sa isipan niya kaya nga nagtataka siya sa mga sinasabi nito ngayon . Hindi naman kasi lahat ng childhood friend or bestfriends eh nagkakatuluyan sa huli diba ?? So saan nanggagaling tong pinapahiwatig ni Zia sa kanya ?

Pero di niya inasahang ang huling sinabi niya ay magiging daan pa para magtapat si Zia sa kanya ngayon .

" Actually , I like you a lot Jungwon .. " sabi nito kaya nagulat si Jungwon .. kasi nga magkaibigan lang naman sila na hindi na nagkita makalipas ang ilang taon . At isa pa , ikakasal na siya so bakit pa si Zia nagtatapat ngayon sa kanya . Useless lang naman ito kasi he can't reciprocate what she felt at kahit pa single pa siya ay hindi talaga niya magugustuhan si Zia kasi parang nakababatang kapatid lang ang turing niya dito .

" No, I mean .. I love you" dagdag pa ni Zia habang si Jungwon ay hindi parin makapagsalita

Naging paraan naman ang pagiging tahimik at pagkatulala ni Jungwon para mahalikan niya ito sa mga labi  . Pero tinulak agad siya ng binata dahil sa gulat .

" Hey ! Why did you do that ?" Galit na sigaw ni Jungwon sa kanya pero ngumiti lang siya

" I just did what I want to " ani ni Zia habang nakangiti parin kay Jungwon pero lalo lang nainis ang binata sa kanya

" I'm sorry to say this pero hindi kita gusto Zia at may iba na akong mahal . Ikakasal na nga kami eh "

" Yeah I am fully aware of that but I could still take you away from her right ? I mean , you aren't married yet so there's plenty of time "

Bigla namang napatayo si Jungwon dahil sa sobrang inis sa kanya . Hindi niya inaakalang ganito pala siya ..

" I just have to burst your bubbles .. Celine is the only one I love and you can't change that Zia . I'm so disappointed at you . I shouldn't have talked to you again !" Sabi lang niya at umalis na nakakunot ang noo . Hindi na niya kaya pang makipag usap pa kay Zia kasi baka kung ano lang ang masabi niya .

Napangiti naman si Zia kahit na sa loob niya ay nasasaktan na siya . Nireject lang naman siya ng taong gustong gusto niya . And this time panalo na naman si Celine . Pero hindi siya mananalo lagi . Kasi gagawa si Zia ng paraan para magulo ang buhay nila .

" Jungwon can't be your's Celine, I'll make sure na hindi mangyayari yon . Gagawa ako ng paraan"

It's you from the start || y.jungwon ✓Where stories live. Discover now