Chapter 2: Shower Room

15.8K 435 12
                                    

"Are you sure you don't want me to come-"

Pinigilan ni Trinity sa pamamagitan ng halik ang labi ni Henrik. Pero saglit lang iyon, ayaw niyang pati ang maliit na tsansang makatakas saglit sa kaniyang kahibangan ay muling ipagkait ng panahon. Hangga't may natitira pang katinuan sa kaniyang pag-iisip, hangga't kaya pa niyang humakbang papalayo, gagawin niya na ngayon.

"I told you, ey?" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Your team relies on you. They won't be able to function without you. Henrik Gustavsson, the greatest of all time, is needed by his team, not just me."

"But I need you too."

Because I'm the one who's here... Gusto niyang sambitin ang mga katagang iyon pero nanatili lamang ito sa kaniyang isip. Ayaw niyang mas gawing komplikado ang lahat.

"Then, I can give you a ride-"

"Nope." Ningitian niya ito. “You should rest. You should rest. You still have a game tomorrow, and let me remind you that the Stanley Cup is just around the corner. You still have to play in the playoffs, so rest up.”

Muli niya itong binigyan ng halik sa labi at bago pa siya nito pigilan, hinila niya na ang maleta at tinalunton ang taxi na naghihintay sa kaniya sa labas.

Bago iyon, sumenyas siya sa binata na tatawagan niya ito pagdating niya agad ng Pinas pero ang totoo, hindi. Wala siyang balak tumawag. Hindi niya alam kung kailan siya ulit aapak sa bahay na ito pero sa ngayon, kailangan niya munang maghintay-hinay. Nararamdaman niyang masyado siyang naging mabilis. Kung baga sa ibon, naging mataas agad ang kaniyang lipad. Masyado siyang na-excite sa presinsya ng binata kaya kailangan niyang huminto saglit.

Marahang pinunasan niya ang kaniyang luha nang magpahatid siya sa malaking mansyon ng Williamson. Nakakatawang isipin lang, hindi alam ni Henrik ang kaniyang tunay na pagkatao na isa siyang Williamson. Hindi siya nito natandaan na minsan, siya 'yong piglets na tinutudyo lagi ng mga kasamahan nito rati. Kung hindi piglets tawag sa kaniya sa tuwing nakikita siya ng mga team nito sa bleacher, hippo naman ang bansag sa kaniya.

Binuksan niya ang kaniyang phone nang sunod-sunod na pumasok ang mensahe na galing kay Henrik. Napangiti siya ng mabasa iyon.

' I miss you already.ʼ

'Call me when you got home.'

'Say my hi to your family.'

Ito ang ilan sa mensahe na galing sa binata. Napailing na lamang siya at sinilid sa bag ang kaniyang phone. Limang oras ang byahe at hindi man lang siya nakaramdam ng antok. Marahil, alam niyang sa likod ng lahat ng ito. Wala siyang naramdaman pagsisisi. Kahit katiting, wala.

Pagdating niya sa kanila, mahabang sermon ng kaniyang ama ang unang sumalubong sa kaniya. Hindi na lamang pinansin ni Trinity ang matandang ama dahil simula pa noon, malayo ang loob niya sa matanda.

“If you leave again, Trinity, I will disown you as my daughter! You never learn. You are a shame to this family!”

Hindi siya sumagot sa masasakit na salitang binato nito. Hindi pa siya nasanay, 'di ba? Kada uwi niya, gano'n halos ang kaniyang naririnig. Walang bago. Tingin nito sa kaniya ay hindi isang anak. Mas mabuti pa ang kaniyang ate  na si Serenity. Ito lagi ang apple of the eye ng matanda habang siya ang black sheep.

“Where have you been, Trinity?” Ang kapatid niya ang sumunod sa kaniya nung papasok na siya sa kaniyang silid.

“I'm wasting my life.”

Napapantastikuhang napatitig ito sa kaniya. “And why would you do that? You're not the Trinity I've known.”

“Really?” pasalampak siyang humiga sa malambot na kama at napatitig sa kesame. Sa isip niya, binibilang niya ang araw na kaniyang pamamalagi rito sa mansiyon ng Williamson. Hindi naman siya welcome rito kahit anak siya.

“Why are you doing these?”

Napangiti siya nang mapakla sa tanong na iyon ni Serenity. “Do what?”

“You know what I mean.” nagseryuso ito. Hindi ito nag-abalang umupo.

Pinatong naman niya ang braso sa noo at pinikit ang mata. “Be sure to lock the door.”

Napabuntunghinga ito at walang nagawa kundi ang sundin ang kaniyang sinabi. Ilang sandali pa ay narinig niya ang yabag ng higheels nito na papaalis na sa kaniyang kwarto. Nang masigurong wala na ito, saka lang siya nagmulat ng mata at deritsong tinungo ang shower room. Maliligo lang muna siya at baka sakaling matanggal ang lahat ng sakit na kaniyang naramdaman sa loob ng shower room.

I knew the reason why you hate me, Dad. I knew since I born. I knew it...

Ngumiti lang siya nang mapait. Sinimulan niyang tanggalin ang  tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan at nagpunta sa ilalim ng malamig na shower.

Malamig ang panahon pero gusto niya ang lamig na pumupuno sa kaniyang pagkatao. Gano'n naman talaga siya, eh. Cold, heartless? Mali, hindi siya gano'n. Dahil kung iyon ang naging character niya, hindi siya parang tangang umiiyak sa ilalim ng shower at yakap-yakap ang sarili. Hindi siya parang tangang nagtatanong sa dahilan kung bakit siya nandito sa mundo. Hindi siya parang tangang iiyak lang pagkatapos magdesisyon talikuran si Henrik na matagal niya ng pinangarap sa lahat.

Henrik, I love you. I love you and it hurts me like hell. I can't... I can't...

Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa kaniyang mukha ang pagdaloy ng masasagang luha sa kaniyang mata. Para bang do'n lang siya nakakuha ng tiyempong umiyak na walang makakita o makakarinig sa kaniya.

Sanay ang mga taong nakikita siyang masayahin, walang hangganan ang tawa at masaya sa buhay na meron siya ngayon. Pero kung alam lang ng lahat kung paano siya tinutupo ng sarili niyang lakas. Tao rin siya. Hindi siya isang bagay na pwedeng basagin pagkatapos.

“How can I get out of the situation I've created for myself? How can I let everyone accept and see me as just a person, and every word they say to me pains me? How can I tell you how much I love you Dad, if you're pushing your own daughter away?" Dahan-dahan siyang napadausdos at napaupo sa isang tabi habang malayang bumubuhos ang tubig sa kaniyang katawan.

Manhid nga talaga siya. Hindi niya ramdam ang lamig na galing sa tubig pero mas mainam iyon. Nang pansamantala, hindi niya dama ang sakit.

Hindi niya alam kung ilang oras siya g nanatili sa loob ng shower. Basta nung lumabas siya, okay na ang kaniyang pakiramdam pero masakit ang kaniyang ulo kaya deritso niyang tinungo ang malambot na kama. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit at magpatuyo ng buhok. Agad siyang humiga habang suot ang  roba at giniginaw sa lakas ng aircon na pumaloob sa kaniyang silid.

Kailangan niya munang matulog. Para siyang binibiyak sa sakit ng kaniyang ulo kaya imbes na kumuha rin ng gamot, pinagliban niya iyon at pinikit ang mata. Alam niyang bukas na bukas din ay mawawala iyon.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon