Chapter 51: Somewhat Too Far

6K 277 19
                                    

PERO HINDI pa rin madali ang lahat para kay Henrik. Kahit nasa kaniya na ang resulta ng test na nagsasabing si Talia at Trinity ay iisa, hindi niya makumbinsi ang babae na bumalik sa kaniya. Hindi siya makalapit dito dahil bantay sirado ang asawa nitong si Rowan.

Ayon sa private investigator, totoong kasal ang babae dahil iba ang pangalan nito at hindi Trinity Williamson na ang ginamit. Napag-alaman din ni Henrik na may memory loss ang asawa dahil sa ginawang operasyon sa utak at parte ng memory loss na 'yon ay kasama siya.

Kahit gustuhin niyang isigaw sa mundo ang kasiyahan niya nang malaman buhay na buhay ang babae, hindi niya ito magawa. Dahil may parte ng pagkatao niya ang gustong magwala at saktan ang sarili sa sobrang galit.

Siya dapat ang nasa tabi ni Trie. Siya dapat ang karamay nito, ang kasama sa pagpapalaki ng kambal nila. Siya ito dapat.

Pinipilit niya ang sarili na intindihin lahat kung bakit at paano nagawang dayain siya ni Trie sa pagkamatay nito. Kung bakit minanipula nito ang emosyon niya at ipalabas na patay na ito.

Inisip niya, na dahil sa anak nila kaya nagawa ito ng asawa niyang itago ang lahat at ibaon sa hukay ang alaala nilang dalawa bilang mag-asawa.

Inisip niya, na siguro kaya ito nagawa ni Trie ay dahil para iligtas ang kambal nila dahil siya itong may gusto noon na ipatanggal ang pagbubuntis nito; pero nagbago ang kaniyang isip. Nagbago ito pero huli na dahil tinanggalan siya agad ng karapatan ni Trie sa buhay nito na makialam pa.

Katulad ngayon, sa kagustuhan na mapalapit sa babae. Bumili siya ng bahay sa El Nido, malapit lang sa bahay nito. Malapit lang sa kung saan, makikita niya ang mag-ina. Sa ngayon, nag-low profile muna siya. Naghihintay ng tamang panahon tulad ng sinabi ni Favio na huwag siya basta-bastang eeksena ulit. Mag-obserba muna siya kahit ang totoo, gusto niya nang sumakal ng tao!

"Eliam, si weird guy, oh!"

Napatingin si Henrik sa batang nagsasalita. Nasa terasa siya sa araw na ito, nagpapahangin at napadaan ang dalawang bata. May kung anong kumabog sa puso niya habang pinagmasdan ang mga ito.

"Yeah! Siya nga. Lapitan natin?"

"Yes or yes? Yes!" Mabilis na tumakbo ang mga ito papalapit sa kaniya at huminto sa harapan niya. "Mr. Alien!" Panabay na tawag nito.

Natawa naman si Henrik at napakamot sa ulo. Alien? "Hey! Don't run or you'll trip. Where's your nanny? Is no one looking after you?"

"Yup! Because we don't want a nanny!" ganting sagot ni Emmet. "Pasok kami, ah."

"Yeah, sure."

"Plus, we're big guys, anyway. Emmett and I just ran away while Mommy and Daddy were busy. We're good at running away." Mayabang naman na segunda ni Eliam at nag-thumbs up.

"But what you're doing is dangerous. What if something bad happens to you?"

"We're very careful! And we can swim and run fast."

"But that's still wrong. Next time you should ask your Mom when you go out. Never create her anxiety by taking off after her.

"Oh, yeah you're right." Biglang nalungkot ang dalawa pero agad din ngumisi at umupo sa rattan sofa at parehong nakahalukipkip ang mga kamay.

"But we hate staying inside! We want to play hockey! And, Mom wouldn't let us play that thing. She said such play is not permitted among children. Nakakalungkoy tuloy."

"It's nakakalungkot, Emmett."

"Yeah, whatever."

Siya naman ang nagsalita. "Hockey?"

"We saw it on TV. We will play hockey today!"

"We don't have ice and hockey sticks, Eliam."

"Ah yeah, right."

"Then let's go play hide and seek! O, yes." Sabay na tumayo ang dalawa at mabilis na nagpaalam sa kaniya. "Bye, Mr. Alien!" At masayang nagpaalam.

Napangiti na lang si Henrik habang pinagmamasdan ang mga ito na masayang tumakbo papalayo. Balak niyang sundan ang dalawa para bantayan nang magsalita si Favio.

"Like a father, like a son.It looks like they inherited you, man." May dala itong isang tasa ng kape at marahan iniinom. "Want some?"

"No."

"You look very happy now, bruh."

"Of course! It's because I see my kids healthy and cheeky even though on the other hand they don't know me that I'm their real father." Napabuntong-hinga siya at namulsa.

"Don't tell me you're going to tell them you're their real fath—?"

Napangisi siya nang sulyapan si Favio, "Yeah."

"You're insane! If you do that, it'll be a disaster!" Halos naibuga nito ang ininom na kape. Gulat na gulat ito.

"Why? Don't I have a right to my kids? I'm just waiting for the right moment to approach Trinity, and I'm waiting for that time to approach her."

"But what about Misty?"

"What? We don't have anything. What happened to us was simple sex. And she's already back in Coron. She's upset with me, which is a good thing."

"Misty is my friend. Din jävla fubbick!" You damn moron. Malakas na mura nito sa salitang swedish.

"Kötthuvud!" Meathead. Saka niya iniwan ang pinsan niya. Nagpunta siya sa dagat at huminga ng malalim.

Mayamaya lang ay naghubad siya nang damit at deretsong tinakbo ang tubig at nag-dive roon. Pinagod niya ang sarili sa paglangoy hanggang sa napagod siya at nagpalutang sa tubig.

Hindi masyadong mainit dahil na rin sa malakas na simoy ng hangin at nagtatago ang araw sa makakapal na ulap sa langit.

This place. . . Is like a paradise.

Pero ngayon, para itong kulungan kung saan nakikita niya ang asawa niya pero hindi niya magawang lapitan dahil may isang malaking bakal sa kalagitnaan.

Kung pwede lang yakapin ang asawa niya. Kung halik niya lang sana ang makakapagpabalik lahat sa mga alaala nito.

Kung kaya lang niyang ibalik ang lahat. Napapikit siya kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kaniyang mata.

Ah, napakainit. Napakainit ng mga luha niya. Pero mas okay na ang ganito, ang umiyak sa tubig. Ang isama ng dagat ang sakit na naramdaman niya ngayon.

"Karlëk. . ."

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Magpapakamatay ka ba?"

Awtomatiko siyang nagmulat ng mata nang may humila sa kaniyang kamay at tila may sariling isip ang kamay niya na hilain din ang taong humila sa kaniya.

"You?!" Akmang bibitaw ito sa kaniya pero hinigpitan niya ang paghawak sa kamay nito at hinila ang katawan papalapit sa kaniya.

"T-trie?"

Saka lang napansin ni Henrik na yakap-yakap niya na ang babae. Kung panaginip man ito, gusto niyang huwag na magising pa! Isang dangkal lang ang agwat ng mukha nila sa isa't isa.

"I wouldn't have gone down into the sea if I had known you were the man floating here."

"Why?"

"Anong why? You're somewhat too far away from the shore, mister.  And no sane individual would swim in this kind of weather. It's raining!"

At sa sinabi ng asawa, nagsimulang pumatak ang butil-butil ng ulan. Fuck! Mabilis na lumangoy si Henrik habang hawak-hawak niya pa rin sa isang kamay ang asawa.

Panirang panahon!

Pero sa kabilang banda, may naitulong ito dahil nagawa siyang lapitan ng asawa niya.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon