Chapter 4: Hideout

11.4K 365 20
                                    

Hininto niya ang kaniyang sasakyan sa may kalayuan mula sa labas ng isang malaking bahay. Hindi ito mansyon tulad ng Williamson pero sapat na para makitang masaya ang nakatira ro'n sa loob ng malaking bahay na napapalibutan ng mga nagagandahang orchids.

Ang kaniyang kamay ay hindi mapakali sa manibela. Pasilip-silip din siya sa loob at patingin-tingin sa orasang suot. May hinihintay siyang taong lumabas.

“This is wrong... This is—” nauwi sa ere ang anuman sasabihin niya nang makita niya ang isang babaeng masayang lumabas at may bitbit na halaman sa isang kamay.

Kasunod nito ay isang lalaking kasing-edad lang ng kaniyang ama at kitang-kita niya sa pagmumukha ng mga ito ang masayang pagmamahalan sa simpleng pamumuhay lang.

Hindi halatang matanda sa edad na singkwenta. Nagmistula pa rin itong isang dyosa na kahit panahon na ang naniningil ng edad nito. Sobrang ganda pa rin ng ginang kahit saan ito tingnan.

“M-mom...” parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan at ang planong kausapin ito ngayon araw, tulad ng kaniyang pinapangako sa sarili ay nauwi sa wala.

Nag-init ang kaniyang magkabilang mata at bago pa siya traydurin ng kaniyang mga luha, agad niyang pinagana ang makina ng sasakyan. Hindi pa siya handa. Hindi pa siya handa kahit ilang beses niyang hinanda ang sarili para sa ganitong sitwasyon. Pero wala, nauunahan siya ng takot, galit, sakit at pagtatanong na lagi niyang tinatago sa sulok ng kaniyang puso.

Ah, hindi niya kaya. Pagpaliban niya muna ang araw na ito at saka na ulit siya haharap sa kaniyang ina kapag okay na ang lahat sa kaniya.

'I miss you. Just got my ass off from the rink.ʼ

Tumunog ang phone niya at 'yon ang mensaheng nakuha niya mula kay Henrik. Nanginginig ang kaniyang kamay na tumipa siya ro'n ng reply pero hindi niya magawa nang mag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

Aw holy shit! Una niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at nagpasyang mamaya na lamang niya replayan ang text ni Henrik. Ang dapat niya munang gawin ay umalis sa lugar na iyon na dalawang oras niyang binyahe para lang makita ang magandang mukha ng kaniyang Ina. Ina na hindi siya kilala.

Tumambay muna siya kung saan malapit sa tabi ng dagat habang nasa loob siya ng sasakyan. Hindi siya nag-abalang lumabas at pinagmasdan lamang niya ang mga masasayang tao na naglalakad at nagkikwentuhan.

Ang kamay niya ay nanatili sa manibela at hindi pa rin mapakali iyon. May iniisip siya at nahihirapan siyang dalhin lahat iyon. Kailangan niya ng taong makakausap pero wala siyang mapagsabihan. Ayaw niya rin disturbihin ang gaga niyang kaibigang si Amara. Baka bigla siyang sugurin nito sa Pittsburgh Pensylvannia.

Kinuha niya ang kaniyang phone at wala sa sariling dinial ang number ni Henrik. Nakatitig lang siya sa screen at pinagmamasdan na mag-ring ang number nito. Alam niyang sa mga sandaling ito, nagpapahinga sandali ang lalaki.

“H-henrik...”

“Hey-hey, what's wrong?”

Napangiti siya sa pag-alala ng boses nito. “I... I just miss you!”

“Oh!” narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya. “Same here. I miss your presence. Lahat ng ikaw, na-miss ko.”

“Really?”

Muli itong tumawa. “Yeah I am. Oh, wait. My coach and team called me. Time for another round of ice and pucks!”

Magsasabi pa sana siya ng bye nang patayin na nito ang tawag at wala siyang magawa kundi ang ibaba ang phone. Napabuntunghinga siya. Sino pa ba ang niloloko niya? Sarili niya lang.

Wala siyang gagawin sa araw na ito. Tinamad din siyang puntahan ang kaniyang restaurant na isang taon na simula nung kaniyang buksan. May dalawa siyang chef at  doon siya minsan lumalagi sa restaurant niya. Hindi nga lang minsan, doon na talaga siya umuuwi. Napilitan lang siya umuwi sandali ng mansyon ng Williamson dahil na rin sa tawag na natanggap ng kaniyang ama na galit na galit na.

Walang may nakakaalam na meron siya g tinayong restaurant sa pamamagitan ng perang pinamana sa kaniya ng aguela, maliban kay Amara at Berkham. Minsan na rin dumalaw ang dalawang magkapatid sa restaurant niya at siya pa mismo ang naghanda para sa mga 'to.

Dadaan na lang ako sa kung saan nag practice sila Henrik. Titingnan ko lang siya sa malayo saka ako pupunta ng Trinia's Hideout.

Huminto siya sa may kalayuan at pinagmasdan at tamang-tama lang na kakalabas lang ng team ni Henrik at nagkakasayahan pa ang mga ito. Napangiti siya nang makita ang masayang mukha ng binata.

Mabait si Henrik. Walang papantay sa kabaitan nito kaya hindi niya na kinwestyon ang sarili kung bakit sa daming taong pwedeng mahalin, kay Henrik pa. Sino ba naman kasi ang hindi? Bulag lang ang hindi magkakagusto sa lalaki.

Golden yellow ang mata nito na isa sa pinakagusto niya sa lahat. Sa tuwing tumama ang araw sa mga mata nito, nagkikislapan iyon na parang mga diyamante. Ang buhok nitong kulay kayumanggi ay nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa tuwing sinusuklay nito gamit lang ng kamay. Ang matangos nitong ilong na kahit sino, mapapatanong kung bakit ganito ito katangos na parang inukit lang ng kamay. Mga labi nito na natural ang pagkapula at walang babaeng hindi maghahangad na hindi mahalikan ng isang Henrik Gustavvson nang Jersey Devil.

Literal na walking god ang lalaki at kung physical na aspeto ang pag-uusapan, 1000/100 ang rate niya sa lalaki. Wala na siyang ibang makitang gwapo maliban  dito. Ito lang ang nang-iisang lalaking nagpapakislap sa mata niya sa tuwing tinitigan ito. Ang lalaking nagpapalipad ng mga paru-paro sa kaniyang sikmura.

Pero ang kaniyang ngiti ay biglang naglaho nang mula sa kung saan, nakita niya ang babaeng kilalang-kilala niya at laging bukambibig ni Henrik. Si Lianne at ang anak nitong si Aerush Li.

“They look like a prefect couple.” Kahit wala siyang karapatan magselos dahil asawa ito ni Captain McCluskey nang kalaban team, hindi niya mapigilan ang sarili. Lalo na at alam niya mismo ang kwento kung bakit at paano ito minahal ni Henrik.

Hindi niya naririnig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito, nakita lang niyang masaya ang bata na yumakap sa binata at nagpakarga. Nakangiti ang binata sa babae at kitang-kita niya ang kislap ng mga mata nito na hindi niya kailanman nakita sa kaniya sa tuwing titingnan siya nito.

Kung sabagay, sino nga ba ulit siya? Kahit pumayat siya ngayon at hindi nito matandaan na siya 'yong piglet rati na sunod nang sunod sa bawat games nito... Wala pa rin siyang halaga sa lalaki. Sinamantala lang niya ang pagkakataon. Sinamantala niyang malungkot ito para makapasok siya sa buhay ng binata at wala siyang pinagsisihan do'n. In fact, masaya siya nung pumasok siya... Nung una. Nung una lang...

Sinubukan niyang i-dial ang number ni Henrik, habang ang kaniyang mata ay nakatingin sa reaksyon ng lalaki. Nakita niyang kinuha nito ang phone sa bulsa ng jogging pants nito at tiningnan ang pangalan rumehistro sa tawag. Imbes na sagutin ang tawag na kaniyang ginagawa, pinili nitong pinatay ang tawag niya at binalik sa bulsa ng pants nito.

“Ikaw talaga Henrik...” Natawa na lamang siya at naiiling na pinagmasdan na lang ang mga ito. Bago pa siya lukupin ng matinding paninibugho, sinimulan niya nang paganahin ang makina ng sasakyan at nagpasyang magtungo sa Trinia's Hideout. Baka sakali ro'n, matatanggal ang sakit na nadama niya ngayon.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon