Chapter 37: Hindi Pwede

6.5K 301 29
                                    

Nang gabing iyon, magkayakap silang natulog ni Henrik pero nagising siya madaling araw na wala sa tabi niya ang lalaki. Saglit siyang napabangon at napatitig sa hinigaan spasyo ng asawa niya.

Saan ito? Ah, baka nasa banyo lang o kaya nagpapahangin. Bumalik siya ng higa at binalik sa pagpikit ang mata pero hindi siya kayang dalawin ng antok. Ang hirap na tuloy matulog.

Kaya ang kaniyang ginawa ay bumangon at sinuot ang house slipper para lumabas ng silid. Hahanapin na lang niya si Henrik at mas gusto niyang katabi ito hanggang sa makatulog siya ulit.

Una niyang tinungo ang terasa, dahil alam niyang mahilig ito magmuni-muni minsan at mapag-isa. Mabuti na lang at naka-roba siya kaya hindi nanunuot ang lamig sa kaniyang balat. Summer na summer pero iba ang klima sa Pinas at sa Pennsylvania.

Nasa bukana na siya ng terasa nang makita niya ang malaking bulto ng katawan ni Henrik. Nakaharap ito sa labas at pinagmamasdan ang walang humpay na katahimikan ng gabi.

Tatawagin sana niya ang pangalan ng lalaki nang magsalita ito.

"I can't sleep."

Napangiti siya. Akmang magsasalita siya para tuluyan kunin ang atensyon ng lalaki, nang muli itong magsalita.

"I feel sad for my wife, Trinity. I want her to live. I badly want her to live..."

Natigilan si Trinity. Ewan, at parang may boses na nagsasabi sa kaniya na huwag siyang umeksena. Kaya ang ginawa niya ay tahimik na sumandal sa isang tabi at pinakinggan ang sasabihin ni Henrik. May kausap ito sa phone nito habang ang isang kamay nito ay may kopitang may laman alak. Alam niya, dahil na rin sa galaw ng katawan at kamay nito.

"I have no idea. We went to several neurosurgeon, but they all said the same thing. My wife is unable to undergo surgery due to her inoperable stage 3 brain tumor and the fact that she is pregnant."

"What are your plans then?"

Nakagat ni Trinity ang labi. Babae ang kausap ni Henrik, ayon na rin sa boses na narinig niya. Binaba ni Henrik ang phone nito at ni-loud speaker iyon pero tamang-tama lang ang lakas para marinig niya ang kausap ng asawa.

"I don't want my wife and our baby to die."

Parang may sumaksak sa puso niya. Ramdam niya ang sakit sa boses ni Henrik para sa kalagayan niya. Kung pwede lang na lapitan ito at yakapin.

"Henrik... Stay strong. Nothing is impossible when you believe in miracles."

"You don't understand me, Lianne..."

Napahawak siya sa puso niya. Ang sakit! Hindi niya inasahan ang pangalan babanggitin ni Henrik. Pero pinakalma niya ang sarili, hindi siya pwedeng magselos lalo na at wala naman relasyon ang mga ito. Kung meron man, magkaibigan lang ang dalawa.

"I understand you, Henrik! Gago ka ba? Kaya nga nag-usap tayo ngayon para diyan sa hinaing mo. But I'm not a Doctor, I don't know what to do as well. Nasubukan niyo na ba pumunta sa ibang bansa? Like, Dubai maraming magagaling na Doctor doon. O kaya naman sa Japan."

"I'm planning to do that. It's just that I'm scared. I'm scared that what if she doesn't wake up after the surgery. Goodness! I even impregnated her, which makes me even more guilty. She won't take her pills and medicines because she's afraid that they'll harm our baby, so I added more pain to her, which kills me."

"So, you want to abort your child?"

"I don't want that to happen, but the doctor advised us to remove the child in my wife's womb in order to prolong her life. We can only have a baby after the surgery, assuming we can find a neurosurgeon who will remove her brain tumor."

"And you agree na ipakuha mo ang anak niyo?!"

"Lianne..."

"Sagutin mo nga ako, ano?"

"I lost my mother before to that stupid brain tumor, and I couldn't do anything about it. I just let her die without knowing she was sick."

"What do you mean? Payag ka?"

"Min dam..."

"Wait, sabihin mo nga sa 'kin, Henrik. Kaya mo ba siya pinakasalan ay dahil sa nangyari rati sa 'yong Ina at hindi sa totoong mahal mo siya?"

Sunod-sunod na bumagsak ang luha ni Trinity kasunod niyon ay ang paghakbang ng paa niya pabalik sa silid nilang mag-asawa. Hindi niya kayang pakinggan ang kasunod na salitang bibitawan ni Henrik.

Baka bigla siyang mag-break down kapag pinagpatuloy niya ang pakikinig sa kausap nitong babae. Babae na una nitong minahal naman talaga. Babae na alam niyang ang laki ng parte sa buhay nito.

Itutulog niya na lang ito ngayon. Kunwari, wala siyang narinig. Kunwari hindi niya narinig ang mga salitang iyon galing sa bibig ng asawa niya. Kunwari, okay lang ang lahat para sa kanila.

Pinunasan niya ang luha. Pinapakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng umiyak ngayon para lang ma-trigger ang sakit ng ulo niya at tuluyan siyang mamatay. May bata sa kaniyang sinapupunan na kumukuha sa kaniya ng lakas ng loob ngayon.

Ipapatanggal?

Natawa siya nang mapakla. Kahit anong suhestyon pa 'yan ng mga Doctor, hinding-hindi niya ipapatanggal ang anak niya, na siyang nagbibigay ng lakas loob niya ngayon para lumaban!

Pero bakit? Bakit sobrang sakit? Hindi nga siya umiiyak ngayon dahil pinipigilan niya ang kaniyang sarili, pero bakit ang puso niya ay parang hinihiwa sa sakit. Para itong hinihimaymay ang kaniyang buong pagkatao.

Durog na durog ang puso niya. Ang sakit-sakit! All this time pala, tinatago sa kaniya ni Henrik ang totoong dahilan nito.

Ah, hindi. Wala itong tinatago dahil nung una palang iyon naman talaga ang totoong rason nito. Nagbago lang ang lahat nung nagbunga ang pagmamahal niya rito.

Hindi niya lang inasahan na mas may isasakit pa pala ngayon! Na mas masakit na marinig sa ikalawang pagkakataon kung kailan handa na siyang makisagpalaran sa demonyo.

Ang buong akala niya, masaya si Henrik.

Masaya ito na magkakaroon sila ng anak.

Na magiging Ama na ito ngayon. Totoong Ama.

Oh God!

Akala niya talaga ay okay na sila lahat. Balak pa naman niyang sabihin kay Henrik na may nakita na siyang Neurosurgeon at balak na gawin ang operasyon this month. Pero sa narinig niya, huwag na lang.

Mas gugustuhin ni Henrik na matanggal ang anak nila para kapalit ng buhay niya. Ang hindi nito alam, kaya siya lumalaban ay dahil sa anak nila.

Mariin niyang kinagat ang labi.

Hindi siya pwedeng umiyak.

Hindi.

Hindi siya pwedeng magpadala sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Lilipas din 'to. Kakayanin niya 'to! Kakayanin niya 'to.

Bumalik siya ng higa at nagtalukbong ng comforter. Pipilitin niyang makatulog ngayon, kahit parang kinakatay ang pagkatao niya sa sakit.

Pasaan ba at lilipas din ito at bukas, bukas panibagong araw na naman para lumaban para sa anak niya.



DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon