Chapter 17: Hospital

8K 310 33
                                    

Ang nag-alalang mukha ni Favio ang namulatan ni Trinity nang magising siya. Kaagad niyang tiningnan ang kaniyang kamay para lang mapangiwi sa nakitang may nakasaksak na IV fluid doon.

"Great! Now you awake."

Hindi niya pinansin si Favio. Nakatutok ang kaniyang atensyon sa IV fluid. Gusto niya itong tanggalin pero nanginginig ang kaniyang kaliwang kamay. Hindi niya kayang tanggalin.

"Don't think about it, Trinity; you need to rest."

"I'd like to rest at home."

"Don't overdo it."

"I'm fucking serious here! I'll rest at home, so please go get the Doctor for me, or I'll damn pull this damn thing." Tinutukoy niya ay ang dextrose sa kaniyang kamay. Tinanggal din niya ang oxygen na nakakabit sa kaniyang ilong. Mas lalo lang siyang kinain ng kaniyang anxiety sa isipin nandito siya sa loob ng Hospital na ito.

"Such a noisy." naiiling na anas nito pero sinunod ang kaniyang gustong mangyari. Lumabas ito at ilang minuto lang ay may pumasok na Doctor, kasunod ng Doctor si Favio.

Nakapamulsa si Favio at halatang nainis sa kaniyang pinakitang asal ngayon dito. Pakialam niya rito ba? Hindi niya gusto ang Hospital, period.

"Why do you hate the Hospital?" Tanong ni Favio nung na-discharge na siya.

"Because I hate it." Binalik niya rin ang tanong nito.

Umayaw pa nung una ang Doctor at kailangan nito mag-undergo ng ilang test sa kaniya pero hindi na kailangan. Para saan ang test? She's healthy enough. Walang mali sa kaniya at wala siyang sakit.

Stress lang ito. Stress at wala ng iba. Hindi masyado malalang sakit kaya bakit pa kailangan ng mga test kung pwede naman umuwi agad.

"Come on, there's got to be a reason you despise hospitals."

"If I have reasons, I'll tell them to you, not the other way around. And please, mind your own business."

"Funny," anas nito.

"Funny?"

"Yeah, you still treat me like an enemy who interferes with your life after what I did."

Umilap ang kaniyang tingin. "Stop talking to me." Saka niya binaling sa ibang dereksyon ang kaniyang tingin. Balak niya sanang mag-taxi na lang pero dahil wala siyang kapera-pera at si Favio pa talaga nagbayad sa Hospital bill, kaya wala siyang choice kundi ang sumama sa lalaki at makisakay sa sasakyan nito.

After all, Favio is harmless human. Siya lang ang nag-iisip na hindi dahil iniisip niyang isang malaking threat sa buhay niya ang lalaki kapag mapalapit siya dito.
Just like Henrik.

Sa buong byahe, hindi siya kinausap ni Favio. Hindi na rin siya nagtaka nung hinatid siya nito sa apartment niya at hindi sa Trinia's Hideout.

"Thank you," kiming anas niya.

"Yeah, just do extra care next time."

Hindi siya sumagot. Umibis na siya sa sasakyan nito at tinungo ang elevator. Hindi na rin siya nag-abalang lumingon sa lalaki.

Nang marating niya ang kaniyang apartment, nanginginig ang kaniyang kamay na napahawak sa door knob ng pintuan. Mabuti na lang at nasa bulsa ng kaniyang pantalon suot ang susi.

Kaagad niyang binuksan ang pintuan at nagmamadaling pumasok sa apartment niya. Pero hindi niya pa magawang isara ang pintuan nang sunod-sunod na sumigid ang sakit sa kaniyang ulo.

Hindi!

Nasa bag pa naman niya ang kaniyang gamot. Wala siyang iniwan kahit isang gamot sa apartment niya. Hindi naman kasi siya fan ng pag-iinom. Minsan nga sinasadya niyang kalimutan uminom para isipin normal pa rin ang lahat sa kaniya.

Kahit nanginginig ang kaniyang kamay at tuhod, tinungo niya pa rin ang sofa sa sala at mabilis na umupo roon. Habol niya ang kaniyang hangin.

Bullshit! Bakit ba kasi panira 'tong sakit sa ulo niya? Dati, hindi naman ito lumalabas agad. Ngayon, madalas na.

Kailangan tawagan niya ang Trinia's Hideout at ipasuyo sa staff niya ang kaniyang gamot.

"Trinity, you left your handker— fuck!" Kaagad natigilan si Favio nang makita siya nitong nahihirapan huminga at dumadaing sa sakit ng ulo. "Damn it! See what I told you ey!"

Hindi na siya nag-react nung buhatin siya kaagad ni Favio. Pakiramdam niya, para lang siyang manika na binuhat nito at sobrang gaan niya. Gusto niyang imulat ang mata pero hindi niya magawa.

"Pff! Stubborn."

Hindi siya kumibo dahil totoong matigas ang kaniyang ulo. Hindi lang 'yan, parang mabibiyak din ang ulo niya sa sakit!

"B-bring me to Hyzer Medical Group..."

"What, why?" nagtatakang napatingin ito sa kaniya. Inisip kung bakit malayong Hospital ang kaniyang binanggit samantalang mas may malapit naman.

"J-just take me there and look for my Doctor named Vivaldi Concerto; he knows what to do..."

"Okay-okay! You're freaking me out!" Nag-alalang saad nito at ramdam nia Trinity na tumakbo si Favio habang buhat-buhat siya nito.

God... Kailan mawawala ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Kapag ba pumunta siya ng Hospital, mawawala na ang sakit na nararamdaman niya ngayon o mas lalo lang madadagdagan?

To be honest, pagod na siya. Mag-isa lang siyang lumalaban sa buhay niya. Hindi niya magawang tumakbo sa kaniyang Ama na ngayon ay tuluyan na siyang tinuring na stranghero. Hindi niya rin magawang tumakbo sa kaniyang aguelo at aguela para sabihin sa mga ito ang kaniyang sitwasyon. Natatakot siyang masaktan ang dalawang matanda na mas tinuring niyang pamilya.

"Hey Trie, don't close your eyes."

Pinilit niyang imulat ang kaniyang mata. Nasa sasakyan na sila ngayon ni Favio. Gusto niyang hawakan ang kaniyang ulo pero hindi niya maramdaman ang kaniyang kamay.

"I... I c-can't feel my hand." Halos hangin na rin ang lumabas sa kaniyang bibig.

"Don't say anything! I'm driving as fast as I can. We're too close, Trie; just hang in there, okay?"

Tumango siya. Thankful siya na andiyan si Favio. Paano na lang pala kung wala ito? Ang hirap naman talaga mamuhay mag-isa pero nakasanayan niya ng mamuhay na siya lang lagi at walang kasama. Sunod-sunod na pumatak ang kaniyang luha. Naawa siya sa kaniyang sarili ngayon. Kinaawaan niya, literal.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang binuhat siya ulit ni Favio at nilagay ang kaniyang katawan sa stretcher. Gusto pa sana niyang imulat ang kaniyang mata ulit pero masyadong mabigat na ang mga iyon.

Hindi na rin niya maramdaman ang kaniyang paa at kamay. Namamanhid ang lahat sa kaniya at pati ang kaniyang pandinig ay parang biglang nawala. Hindi niya marinig ang boses ni Favio... Ang boses ng mga nurse at Doctor.

Kaya ayaw niya sa Hospital. Nagiging isa siyang walang kwentang nilalang 'pag nakasakay siya sa stretcher. Nagiging manhid ang kaniyang buong pagkatao.

At alam niyang pagkatapos nito, para na naman siyang isang walking robot na walang nararamdaman kahit ano dahil sa medesina na ipapainom sa kaniya.

Ilang gamot ba ang kaniyang iniinom? Gaano kalaki ang mga iyon? Ang lasa? Ang kulay.

Bullshit! Iniisip niya palang ang kulay at lasa, gusto ng umayaw ng kaniyang puso. Pero may magagawa ba siya?

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon